Posted on

Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Beautiful Phantom

By Jade Anne Franco

     Nasaksihan ng mismong mga mata ni Luke Alvez Monreal kung paano pinatay ng masasamang-loob ang kanyang ina. At nang makatakas siya mula sa mga taong iyon, isa na lamang ang naging layunin niya: ang makaganti sa mga walang-awang taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang.
     Ngunit nang magawa na niyang ma-kidnap si Ella Montez, saka pilit na nagsusumiksik sa isip niya na kalimutan ang kanyang mga plano at paibigin na lang ang babaeng matagal nang nagmamay-ari ng kanyang puso.
     Pero ang layo na nang narating niya at wala na iyong atrasan. Not when everything is falling into place, and justice is almost within reach….

The Sexy Bodyguard

By Dior Madrigal

     Sandra swears Anthony Prieto is bad for her sanity and heart. Ang malas lang, ito ang kliyente niya sa kasalukuyan at magiging bodyguard siya nito sa susunod na mga araw habang hindi pa nalulutas ang kaso nito.
     But goodness, gumagapang ang libu-libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan, titigan lang siya ni Anthony. Parang mapupugto ang hininga niya kada lumalapit ito at gusto niyang himatayin. Hindi na siya makatingin nang derecho sa mga mata ng lalaki nang magsimula siyang managinip ng mga ‘hindi disenteng’ eksena kung saan sila ng kanyang amo ang mga bida!
     Dapat talaga mayroon din siyang training on ‘How Not To Get Attracted To Your Client’. Damn it, that man could seduce a flower pot!

MSV Desire Duets

REALationships

By Elise Estrella

Strawberries And Champagne

     Nang muling makita ni Olga Jimenez ang dating nobyong si Owen Villegas, na-realize nila, they both still want each other fiercely and passionately. Pero mukhang kailangan nilang pigilan ang papausbong na relasyon sa pagitan nila dahil kapipirma lang ng dalaga ng kontrata sa isang TV network para sa isang reality show kung saan gaganap siyang nobya ng ibang lalaki….

Candlelight And Roses

     Anim na linggong kunwariang magpapaligaw si Olivia Jimenez sa isa sa most eligible bachelors na si Dexter Briones sa harap ng camera. Iyon ang summary basically ng mangyayari sa reality show na ‘Realationship’ kung saan siya napilitang sumali. Parang hindi naman mahirap, hanggang sa ma-realize niyang nadadala na siya sa ‘drama’ nila….

MSV The Man I Love Duets

Boot Camp Romance

By Vivi Hernandez

     Upang maabot ang pangarap niya, pinasok ni Maya ang isang mundong malayung-malayo sa kinasanayan niya. Nagpa-enlist siya sa Philippine Marines. Natagpuan niya ang sarili roon at matagumpay na nakamit ang kanyang pangarap. But in the process of achieving her prize, she loses the most valuable thing in her life—her heart.

Love On A Cruise Ship

By Lorry Virgo

     Loner si Jessica kaya wala siyang maituturing na kaibigan sa mga kasamahang crew sa cruise ship na iyon. Idagdag pa ang hindi magagandang balita tungkol sa kanya na aware siyang kumakalat sa barko. Gusto lang niyang magtrabaho at kumita.
     Pero nabigla siya nang mapagbuksan ng pinto ang umano ay makakasalo niya sa kanyang cabin. Whew! Aiden Silva is certainly one of best looking employees on board….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!