Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Until The Roses Bloom

By Rebecca Rosal

     “Starting next month, baka every weekend na akong dadalaw dito. If you don’t mind,” imporma ni Ivan kay Alona.
     “Not at all.” Nakangiting umiling siya. Kung alam lang nito, masayang-masaya siyang makasama ito. “But for how long?”
     He smiled again, his eyes glittering in the dusk. “Until the roses bloom,” tukoy nito sa rare breeds ng rosas na in-order nito sa kanya.
     Tulala niyang pinagmasdan ang paglayo ng sasakyan nito.
     “Until the flowers bloom,” bulong niya. Malapit na iyon. Pagkatapos ng anim na buwan at namukadkad na ang mga bulaklak, ikakasal na si Ivan at hindi na sila muli pang magkikita.
     Matatapos na rin ang ilusyon niya….

Eugene’s Proposal

By Therese Fajardo

     Ang sinabi ni Freddie sa sarili, hinding-hindi niya gagamitin ang kanyang ganda at katawan upang maabot ang mga pangarap niya sa buhay. Ngunit heto siya ngayon sa harapan ni Eugene—isang lalaking may kakayahang magbigay ng lahat ng gusto niya at ambisyon. Pero may kapalit. Gusto nitong maging babae siya nito.
     Sa sitwasyon niya ngayon, mukhang wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang alok ng binata. If only he would love her back. Ngunit imposibleng mangyari ang huli dahil sa lahat ng katangian na mayroon si Eugene, hindi kasali roon ang kakayahang mag-commit.
     Lalung-lalo na sa kanya na pumayag sa panandalian at no-strings-attached na relasyon na inalok nito….

Bakit Ikaw Pa Rin?

By Charisse Pamela

     “May ipapakiusap ako sa iyo,” ani Sheena kay Gabriel. “Kung puwede sana ay huwag na nating guluhin ang isip ng anak natin, tutal sanay na siyang walang kinikilalang ama.”
     “Labing-apat na taon kong hindi nakasama ang anak ko at hindi ako makapapayag na hindi niya malaman na ako ang ama niya! Gusto kong maipadama sa kanyang mahal ko siya.” Umalsa ang boses nito.
     “Paano si Alexa?” tukoy niya sa nobya nito. “Matatanggap ba niyang may anak ka sa iba?”
     Natigilan ito nang ilang saglit bago ito muling nakasagot. “Mahal niya ako at alam kong maiintindihan niya ako.”
     Nanikip ang dibdib ni Sheena. Hindi iyon ang inasahan niyang marinig mula sa dating nobyo. She was hoping he would say he’d leave Alexa to be with her and their child.
     Ah, wishful thinking….

A Lifetime With You

By Joelle Madison

     Sanhi sa pagkakapahamak ng isang civilian sa kanilang operation dahil sa kagagawan ni Julianne, suspended siya mula sa kanyang trabaho sa NBI. Ang mas masama pa, nagpatangay siya sa tungayaw ng konsyensya niya at sa emotional blackmail ni Lance Martinez—ang civilian na nadamay—kaya pumayag siyang maging katulong nito bilang ‘kabayaran’ sa nagawa niyang perwisyo rito.
     Ngunit siya naman ang naperwisyo nang magsimulang mag-palpitate ang puso niya kada makikita ang binata. Kung hindi pa siya lalayo, baka heart attack ang mangyari sa kanya….

License To Love You

By Cornelia Villamor

     Bago pa siya makalayo ay naharangan na siya ni Kyle at nahapit sa baywang. “I’m sure you and my sister had thought about this,” nakangising sabi nito.
     Hindi alam ni Christa kung bakit hindi niya magawang magtaray sa binata ngayon. Sa halip ay napatitig siya sa mga labi nito. “Thought about what?”
     “Seducing me.” He swiped his tongue along his lower lip.
     Imbis na pasubalian ang sinabi nito, tuluyan yata siyang nawala sa sarili at lakas-loob na hinalikan ito.
     Their lips touched. Hindi siya nagsisisi na ibinasura ang hiya at pag-aatubili. She would treasure this kiss forever. And yes, kahit pa ang alam nito ay sinadya niya ang lahat ng iyon….

Kenji’s Kisses

By Mara Alegria

     Sinabi ng ina ni Wendy, doon muna sa bahay nila titigil ang inaanak nitong si Kenji dahil nagtatago umano ito sa kasamahan nito sa trabaho na namimikot daw. Sa palagay niya, malamang dahil sa ‘kahiligan’ nito kaya nabuntis ang kawawang babae at wala naman itong buto para panagutan ang ginawa. Ang kapal talaga ng lalaking iyon, ginawa pang hideout ang bahay nila para makatakas sa kabalbalan nito!
     Okay, asar talaga si Wendy kay Kenji. Sa katunayan, branded na ito bilang isa sa mga kinaiinisan niyang tao. Bukod sa ubod ito ng yabang at pasttime na paiyakin siya noong bata pa sila, nasesermunan siya palagi ng kanyang ina dahil dito.
     Last and most importantly, hindi niya nakakalimutan ang pagnanakaw nito ng halik sa kanya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!