Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Heartbreaker Aboard

Love Boat Series (Book 1 of 4)

By Lorry Virgo

     Nais ni Lia na makilala nang lubos si Tyronne, pero hindi siya sigurado kung gusto niyang maging emotionally attached sa binata. Naguguluhan siya. Isang bahagi ng isip niya ay natutuwa sa atensyong ibinibigay nito, pero ang isang parte naman ay natatakot na ibigay rito ang buong pagtitiwala. Tamaba ang ginagawa niya? In all honesty, she is risking everything just so they could date. Tiyak na masisisante siya bilang bartender sa cruise ship sa oras na madiskubreng nakikipagkita siya sa isa nilang pasahero.
     Ngunit kahit alam niyang napakalaki ng kanyang isinusugal, may bahagi ng pagkatao ni Lia ang handang harapin ang kahihinatnan ng kalokohang iyon—pangit man o maganda ang resulta….

Fling Overboard

Love Boat Series (Book 2 of 4)

By Lorry Virgo

     Feeling adventurous, sinubukan ni Ava na i-reinvent ang sarili dahil siya mismo ay na-bo-bore sa personality niya. Noon niya nakilala si John Paul sa siyudad ng Rotterdam. Marami siyang nalaman tungkol sa sarili. Tulad ng pang-karaniwang babae, may romantic side din pala siya. Kaya siguro na-in love siya kaagad sa bagong kakikilala pa lamang na binata.
     Pero natakot siyang ipakilala rito ang tunay niyang sarili dahil baka hindi nito magustuhan ang totoong Ava na boring at hindi ‘passionate’ gaya ng pagkakilala nito. Balak na sana niyang kalimutan ang kalokohan niya, pero noon naman niya nalamang sakay rin si JP ng cruise ship na sinakyan niya.
     Atubili man, mukhang hindi pa tapos ang fling nila….

Cabin Fever

Love Boat Series (Book 3 of 4)

By Lorry Virgo

     “Kasalanan ko ba kung bakit nag-fall apart ang friendship natin?” untag ni Erixelle kay Keith.
     Tiningnan siya nito. “Siguro. Dahil masyado mong ginasgas ang salitang ‘curiosity’.”
     “Ginasgas ko?” kunwa ay na-offend na tugon ng dalaga.
     “Tama bang halikan mo ako dahil lang na-curious ka?”
     “Ano ba ang nirereklamo mo, eh, gumanti ka rin naman ng halik?” aniya. “In some ways, curious ka din sa akin.”
     Tumawa ito at malokong ngumiti. “So, did I satisfy your curiosity?”
     Parang hindi niya yata kayang sagutin iyon, lalo pa ngayong wala nang ibang babae sa eksena at sigurado na siya sa sariling higit sa curiosity ang ginigising ng binata sa damdamin niya, at iyon ay repressed desire na….

Waves Of Passion

Love Boat Series (Book 4 of 4)

By Lorry Virgo

     Mula nang malipat si Adelaide sa Scion Bar at makatrabaho ang ex-boyfriend niyang si Brian, pakiramdam niya ay naging miserable na siya. Wala na silang ginawa kundi magtalo. Hindi kasi ganoon kadali sa kanya na maging friendly rito dahil hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa naging break-up nila—yes, kahit pa siya ang dahilan niyon.
     She hated herself for hurting him. Natanggap na rin niyang hindi talaga siya ang nararapat kay Brian. Kailangan na lamang niyang ipakita na galit siya rito. Pero napapagod na siyang magalit… and she’s missing him a lot….

A Promise Kept

By Erynn Anne

     No two words can invoke so much hope and confidence as ‘I promise’, ayon sa kasabihan. Ngunit inakala ni Annie Lopez na kumalas ang kanyang kaibigan sa pangakong kanilang binitiwan nang mawalay ito sa kanya sa loob ng mahabang panahon. She thought that promise was buried long ago, as she grew up and made her way in the world.
     Iyon lang, hindi niya alam na ipinangako pala siya ng kanyang ama sa isang estranghero, si Jeffrey Santillan. Kailangan niyang magpakasal dito, kung hindi ay masisibat ang lupain ng kanilang mango farm, pati na rin ang lugar na kinatitirikan ng bahay nila sa Zambales. She has no other choice but to agree, and strangely, she finds herself attracted to this mysterious man that she now calls husband. Hindi niya rin maintindihan kung bakit may pakiramdam siyang kilala na niya ito noon pa….

Isaw At Long Neck

By Sefah Mil

     Hindi gusto nina Jannina at Rafael ang isa’t isa, pero kailangan nilang magpakasal para mapunta sa kanila ang pagmamay-ari ng Stone Wood Development. Wala namang nangyaring problema sa kasalan dahil pinlano na nila ang tungkol sa pagsasampa ng annulment after some time.
     Hanggang sa magyaya ang babae na mag-inuman sila. Huminto sila sa kalapit na subdivision para mamakyaw ng isaw at bumili ng dalawang long neck sa convenience store. Nagtunggaan sila sa poolside at kinaumagahan ay natuklasan na lang nilang pareho silang walang saplot.
     They both wanted annulment. Pero paano iyon ngayong lumalaki ang tiyan ni Jannina?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!