Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Unwilling Bride

By Lirio Vergel

     “Hindi ako magpapakasal sa iyo para sa kapakanan ng anak ko. Natuto na ako sa pagkakamali ko,” mariing saad ni Charlize.
     “Ano ba talaga ang gusto mo? You want me to profess undying love? Iyon ba ang requirement mo para pakasalan ako? Fine. I love you. Can we get married now?”
     “You’re a bastard.” Sa paraan ng pagkakasabi nito, lalo lamang pinatunayan ni Aidan kung gaano kababaw ang naramdaman nito sa kanya noon.
     “Grow up, Liz. Tinatanggihan mo ang alok kong kasal dahil lang naniniwala kang hindi kita mahal? Be realistic. Hindi lahat ng nagpapakasal ay nagmamahalan.”
     Hayun, lumabas din ang totoo. He really doesn’t love her. Pero bakit masakit pa ring pakinggan?

A Heart For Rent

By Julianne Rez

     Ang best friend niyang si Rentian Yung na lang ang pag-asa ni Loren. Nalaman niya kasi, dahil sa western culture na kinalakhan ng Fil-Am fiancé niya, mukhang ma-di-disappoint ito sa kanya kapag nagpakasal na sila. Kailangan niya ng magtuturo sa kanya kung paano ‘iyon’ gawin. Pero hindi naman siya magkalakas ng loob na sabihin sa kaibigan ang problema niya, so she seduced Rent instead.
     Kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalamang ‘pinagpraktisan’ niya ito… well, saka na niya siguro poproblemahin.
     Dumating ang tamang panahon nang madiskubre niyang nagbunga ang kapangahasan nila….

Deep In My Heart

By Yara Gabriel

     “I know I’m making it a lot harder for you, p-pero mahal kita,” minabuti na ni Kenneth na aminin.
     “Don’t say that!” sa halip ay sagot ni Alana. “Hindi mo alam iyang sinasabi mo. What happened between us was a mistake. Ken, you are my friend. Please…”
     Nasaktan siya pero hindi niya iyon pinahalata. “For me it wasn’t a mistake. I think fate brought us together and I know I can never replace Lester,” tukoy niya sa yumao nitong asawa, “but, at least, give me a space in your heart.”
     “I don’t believe in fate, Ken, only in uncertainties.”
     Kung alam lang nitong siya ang nakatanggap ng pusong nai-donate ni Lester bago ito namayapa, hindi sana pag-aalinlanganan ni Alana na itinakda sila ng tadhana para sa isa’t isa….

Hearts At Stake

By Yumi Sagara

     Ang saklap naman ng kapalaran ni Mindie. Ni hindi man lang niya nakausap ang crush niyang si Preston. Ang mas masaklap, ni hindi ito ang nagbigay sa kanya ng first kiss niya kundi ang buwisit na si Luisito Delano Jr. Dahil sa miscommunication, ‘nanakaw’ ng nakakainis na lalaki ang first kiss na pinangarap niyang ibigay sa lalaking mahal niya.
     Nilait-lait pa naman niya ang bibig ng Luis na iyon na laging nakasimangot kaya mukhang nguso ng isda, iyon pala ang bibig na magbibigay sa kanya ng pinakaunang halik niya!

Gaano Kita Kamahal?

By Terri Dizon

     Lara Vijandre is a stunningly beautiful woman who has a reputation in their campus as a heartbreaker. Ngunit hindi iyon pinaniwalaan ng young professor na si Bryce Villasarte na sa unang pagkakakita pa lamang sa dalaga ay labis na siyang nabighani sa kagandahan nito.
     Sa pagpili ni Bryce na pagsugal sa nararamdaman para kay Lara, nadiskubre niya ang tunay nitong pagkatao. Mas lalo pang nahulog ang kanyang loob dito dahil doon. But just when he thought they are getting close, she would pull away from him. Sigurado siyang may pumipigil sa dalaga para mahalin siya nito nang tuluyan, at wala siyang idea kung ano iyon mismo….

My Beloved Señorita

By Mara Alegria

     “Unang-una,” simula ni Leandro ng house rules nito, “bahala kang suportahan ang mga pangangailangan mo. Magtrabaho ka para sa sarili mo. Pangalawa, wala ka sa mansyon kaya huwag kang aasa na ituturing ka naming prinsesa. Simulan mo nang matuto ng mga gawaing-bahay. Pangatlo, bawal ang lahat ng klase ng bisyo sa bahay na ito.”
     “Don’t worry, I don’t have vices,” singit ni Caitlin.
     “Pang-apat, siguraduhin mo lang na walang mga pulis na bigla na lamang susugod dito at aakusahan kami ng kidnapping. Ayaw ko ng gulo. At pinakamahalaga sa lahat, huwag na huwag mo ’kong tatangkaing akitin at pikutin.”
     Jerk! Ang kapal ng mukha nitong i-assume na magbabalak siya ng ganoon. Kung hindi lang kailangang-kailangan niya ng masisilungan, hindi siya makikitira sa bahay ng aroganteng ito!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!