Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Pretentious Lover

By Jade Anne Franco

     Itinatak na ng lola ni Sophie sa kanyang isip na kailangan siyang maging wise sa pagpili ng lalaking mapapangasawa at gamitin ang ganda para guminhawa ang buhay. Huwag daw siyang gumaya sa kanyang ina na nagpadala sa pintig ng puso kaya nasira ang buhay. At naniniwala siya sa abuela. Kaya kahit ano ang gawing panliligaw ng mga katrabaho ay hindi niya pinapansin. She only has eyes for Mark—ang boss niyang tunay na mayaman at guwapo.
     Kaso sa co-worker niyang si Eric ay nagririgodon ang puso niya—sa binatang iyon na eksaktong klase ng lalaking iniiwasan niyang mahalin. Masakit na masakit man sa kanya, tinanggihan niya ang inialok nitong pagmamahal.
     Saka naman niya nalaman ang tunay nitong pagkatao….

Lavender And Love Letters

By Lily Angela

     ‘Affair’ lang kung tutuusin ang pinagsamahan nina Brandon at Debbie. Kakikilala lamang nila, but he was able to take her heart, mind and body. Nalaman na lang niya, dahil na rin sa isang sulat, na laro lang pala sa binata ang relasyon na sineryoso niya nang buong puso.
     Ngayon, five years after, hindi na siya isang teenager at mas marunong na sa buhay. Hinding-hindi siya papayag na maging ‘other woman’ ni Brandon kahit gaano pa niya napatunayan na pareho pa rin ang damdamin niya para rito. Never again, she told herself.
     Hanggang sa matuklasan niya kung ano ang tunay na naganap noong bago sila naghiwalay limang taon na ang nakalilipas….

Crime Of The Heart

By Joyce Rodriguez

     Isang malaking challenge ang ibinigay ng ama-amahan ni Brian sa kanya nang ibigay nito ang sariling anak para maging secretary niya sa opisina. Kailangan daw niyang turuan si Maya na maging responsable.
     Noon pa man ay hindi na sila magkasundo. Madalas nga silang mag-away noong pareho pa silang nasa kolehiyo. At higit pang tumindi ang awayan nila ngayon dahil mas lalo itong naging pasaway. Dagdag sakit sa ulo ang mga pinagsusuot nitong sexy clothes na hindi niya maitatangging umeepekto sa kanya. Malalagot siya sa tatay nito kung malalaman nito ang laman ng isip niya kada makikita si Maya sa ganoong ayos….

Her Fairy Tale

By Camille Tantoco

     Hindi mapigilan ni Daniel na ma-curious sa kanyang bagong administrative assistant. Hindi lang ito maganda, matalino rin, spirited at may sense of humor. Iyon nga lang, hindi ito ang tipo niya. Ang dikta ng sosyal at snob niyang pamilya ay isang maganda, matalino, galing sa buena familia at mayaman ang dapat na makatuluyan ng isang future CEO na gaya niya.
     At nakakainis ang realisasyong iyon. Nalilito rin siya.
     Pero ayaw niyang tanggaping nahuhulog nga ang loob niya sa kanyang ‘bakya’ at probinsyanang empleyada….

Destined To Love You

By Larei Samaniego

     Naniniwala si Cherry sa destiny. Kaya nga laking dismaya niya nang bigla na lang sumulpot sa kanyang buhay si Jack. Hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ng kanyang puso sa pagsulpot nito. Tila nawala iyon sa katinuan nang masilayan ang guwapong mukha ng binata. Ang mas nakakainis pa, sa hindi niya malamang kadahilanan ay basta na lang niya itong hinalikan.
     What the hell happened? Why the heck did she kiss that guy? Paano na ang tadhana niya? Sa dami ng tanong niya, iisa lang ang tumimo sa utak niya.
     She kissed a total stranger—na may keychain na.
     Hala!

Love In Disguise

By Edith Joaquin

     Mula nang mabasa ni Cheska ang nobela ng mystery thriller novelist na si Danielle Cerrudo, paborito na niya ito. Dahil din sa encouragement nito sa kanya sa mga online conversations nila, nakapagpa-publish siya ng sarili niyang mga libro.
     Sa ngayon, pangarap niyang makilala ito sa personal para personal din siyang makapagpasalamat dito. Pero masyadong misteryoso ang tanyag na manunulat. Nang tuluyan niyang malaman kung sino ang elusive novelist, malayung-malayo iyon sa kanyang inaasahan.
     At hindi niya rin napaghandaan ang sakit ng tama niyon sa puso niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!