Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Just The Way You Are

By Dior Madrigal

     “You’re not the most desirable woman in the world, you know.”
     Nilingon niya ang katabing binata. “What?” asik niya rito.
     “Kung makapagkumot ka, akala mo may gagawin ako sa ’yong masama. News flash, Kate, you might be pretty and attractive but you’re not completely irresistible.”
     She snorted. “Says the guy who can’t keep his hands off me six years ago.”
     Tumawa ito nang nang-iinis. “That’s the key phrase, Kate, six years ago. People change.”
     Bago pa niya ma-analyze ang ginagawa, she ripped the blanket off her body then straddled Sean. She smirked when she saw his eyes widen.
     Gusto nitong makipag-asaran? Fine!

Take A Chance On Me

By Erynn Anne

     Nagtungo ng probinsya si April Fontanilla upang takasan ang isang masamang karanasan at para turuan ang sarili na makalimot. Sa kanyang pamamalagi roon ay hindi inaasahang mapapalapit ang loob niya kay Dante de Guzman.
     Noong una ay pilit niyang pinigilan ang sarili na ibigay ang loob dito. Natatakot siya sa maaaring mangyari kung muli siyang magtitiwala. Mas lalo niyang kinatatakutan ang namumuong damdamin para sa binata. Alam niyang hindi pa siya handa para roon. Ngunit dahil sa isang pangyayari, April found herself giving more than just herself to him.
     Masaya na sana dahil mukhang on the road to recovery na siya. Hindi lang niya inaasahan na mabilis na makakahabol ang realidad ng kanyang tinakasan upang kuwestyunin kung totoo ba ang lahat ng ipinakita sa kanya ni Dante.

Temporary Marriage

By Rebecca Rosal

     Davon’s bride was missing. At bago pa mapahiya ang kanyang pamilya ay kinailangan nilang makakakit ng kapalit—isang dalagang kamukha ng kanyang fiancée. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahanapan iyon ng kanyang ina. She was a beautiful woman who magically healed his broken heart the very instant he set his eyes on her. Pero magagawa kaya niyang mahalin ang isang babaeng lagi lamang magpapaalala sa taksil niyang kasintahan?

It’s Complicated

By Luna Amparo

     Nina, to Jarrod’s disappointment, had always been an object of his sexual desire. He realized that four years ago when she was still sixteen, ten years his junior at nakababatang kapatid ito ng nobya niya noon.
     Ngayon, apat na taon pagkatapos, Nina wasn’t a kid anymore. At ramdam niyang mas matindi ang attraction niya para sa dalaga.
     Kaso hindi pa rin sila magkatipo; ni hindi sila magkausap nang matagal nang hindi nagkakainisan.
     Hanggang sa dumating ang isang gabi kung kailan nagtapos ang pagtitimpi ni Jarrod sa sariling damdamin….

The First Long Kiss

By Audrey Torres

     Kung ang tiyahin ni Reinavi ang tatanungin, isang mayamang lalaki ang dapat niyang makatuluyan. Kaya nang malaman nitong kakilala niya si Ludvig Ramirez, tuwang-tuwa ito para sa kanya. Subalit nang makauwi ang lalaki mula sa ilang araw na pagka-confine sa clinic nila ay nagalit ito nang hindi man lang siya gumawa ng kahit anong bagay para kuhanin ang atensyon ng binata.
     Kung alam lang ng tiyahin niya, walang-wala siya sa tipo ng lalaking iyon kahit pa ninakawan siya nito ng halik. She was unsophisticated and uncouth for Ludvig’s taste—isang katotohanan na hindi niya alam kung bakit masakit ang tama sa kanya….

Magic Of Love

By Monica Bautista

     Ang maging guest si ‘Angel Yeshua’ sa birthday party nito: iyon ang nag-iisang wish ng batang inaalagaan ni Alicia. At dahil dati niyang ka-close si Rufus Espinosa—ang sikat na actor na gumaganap bilang ‘Yeshua’ sa teleseryeng ‘Color of Magic’, sinubukan niyang personal na kumbidahan ang binata sa naturang selebrasyon.
     But add emphasis on ‘dati’. she could accept the fact na hindi siya makikilala ni Rufus after fourteen years, pero ang magaspang nitong pag-uugali nang magkatagpo sila? Never. Turned off to the highest level sa attitude problem ng aktor, laking sorpresa niya nang sumipot pa rin ito sa birthday ni Niña.
     Ngunit sincere nga kaya ito sa paghingi ng paumanhin o gusto lang ayusin ang nasirang imahe? Isa lang ang sigurado:anuman ang sagot, nahuhulog pa rin ang loob ni Alicia sa binata….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!