Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Sparks Of Attraction

Code Red (Book 1 of 4)

By Doreen Laroya

     Sa tingin ni Franco, mas peligroso ang paghahanap sa girlfriend ng namayapa niyang best friend kaysa sa trabaho niya bilang smoke jumper. Pero nangako siya kay Quinn. And he intends to honor that promise.
     Darlene proves to be a fake. Taliwas ito sa lahat ng ikinuwento sa kanya ng kaibigan. Para sa kanya, isa lamang itong social climber na nangangarap na makapag-asawa ng mayaman. Kung mayroon mang tumama sa mga sinabi ni Quinn, iyon ay ang hitsura nito. She’s undeniably beautiful and has a fiery sex appeal.
     Nakuha naman niya ang gusto. But instead of appeasing his sexual appetite for her, he gets hungrier.
     Noon naman siya iniwasan ng dalaga. Bigla tuloy siyang nalito….

Into The Flame

Code Red (Book 2 of 4)

By Doreen Laroya

     A serious accident during a big fire renders Guy temporarily blind. Mapipilitan tuloy siyang magkulong muna sa bahay. Noon dumating sa apartment niya si Shelly, his childhood friend. She is in need of a place to stay, while he’s in need of a housekeeper and a trusted buddy kaya inaya niya itong makipisan sa kanya pansamantala.
     Until one night, out of frustration dahil hindi niya makausap ang nobyang nag-tour sa Europa, hinalikan niya si Shelly at tumugon ito. Tumagal ang halik at bago pa niya mapigilan, he is already taking her.
     Bigla ay hindi na lang ito housekeeper at trusted buddy niya. And he is enjoying every intimate moment with her. Nawala na rin sa isip niya ang nobyang binabalak na niyang alukin ng kasal….

Through The Fire

Code Red (Book 3 of 4)

By Doreen Laroya

     Tahimik, seryoso, suplado; iyan si Max Quinzon sa mga kasama sa fire department. Pero hindi naging hadlang iyon para pangilagan siya ng bratinella niyang kinakapatid na si Sabrina. Bata pa sila ay malaki na ang pagkagusto nito sa kanya. At may isang instance pa na sinuhulan nito ang noon ay girlfriend niya para lang layuan siya. Ikinagalit niya iyon nang husto.
     She went away for five years at pansamantalang naging tahimik ang buhay niya. Pero nang bumalik ito, muli iyong nagulo. At kabaligtaran na ang nangyari. Namalayan na lamang ni Max na siya na ang naghahabol dito. He is determined to make her his.
     At mas lalo pang naging matindi ang determinasyong iyon nang matuklasan niya ang isang lihim na kay tagal na itinago ng ama nito sa kanya….

Kindled Hearts

Code Red (Book 4 of 4)

By Doreen Laroya

     “You can’t deny what happened between us that night, Prudence!” galit na singhal ni Yael.
     “H-hindi ba natin puwedeng kalimutan na lang ang nangyari? It was an accident, anyway,” rason niya.
     “Aksidente?” Parang gusto nitong matawa. “Kung nagtalik ang dalawang tao at pareho silang aware sa ginagawa nila, hindi iyon matatawag na aksidente… especially if they both enjoyed it!”
     Napapiksi siya. “Okay! So I admit na ginusto ko rin iyon! What else do you want? Why are you making a big deal out of it?”
     Sigurado siyang hindi simpleng attraction lamang ang nararamdaman niya rito, pero ano ba ang inaasahan niya kay Yael? Marriage? Hindi ito ang tipo na mag-aalok ng kasal dahil lang naging physically intimate sila. The most that he can offer her is an affair. At hindi siya handa para roon….

Desperate For Love

By Cher Reyes

     Hindi pa rin makapaniwala si Cristina sa bilis ng mga pangyayari. Kailan lang ay parang gusto na niyang sumuko. She’s been praying for the right guy for her, pero mukhang wala namang dumarating. Kung kailan hindi na siya umaasa, saka niya nakilala si Mike. Bago sa kanya ang mga emosyong hinahatid ng binata at gusto na niyang maniwalang in love na nga siya.
     Subalit hindi maalis sa isip ang sinabi ng isang kaibigan, mag-ingat daw siya kay Mike dahil masasaktan lang siya. Manloloko kaya ang binata? Mapaglaro sa babae?
     Huwag naman po sana, lihim na naidasal niya….

Romantic Rome

By Venice Del Valle

     Sa wakas, tumigil na rin ang ina ni Monica sa kauudyok sa kanya na mag-asawa na. At bilang peace offering, she could go on a trip to Rome with her best friend!
     Nag-aral siya ng Italian culture and language noong nasa universidad pa lamang siya, kung kaya abot-langit ang kanyang kaligayahan.
     Perpekto na sana ang lahat kung hindi lamang dahil sa binatang nakatabi niya sa eroplano. Arogante ito at pinagbintangan pa siyang pinagnanasaan ito. Hindi sukat akalain ni Monica na makakasama pa pala nila ang nasabing Adonis sa kanilang tour!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!