Posted on

Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Selfless Valor

Sentinels (Book 12)

By Elise Estrella

     Nasa tuktok ng listahan ng mga pangarap ni Lieutenant Junior Grade John Herrera ang mahalikan si Laurel Mackenzie. Pero hindi niya inasahang magkakatotoo iyon. At dahil hindi siya iyong tipo ng tao na nagpapalampas ng oportunidad, niyakap niya ito at tinugon ang halik ng babae nang buong puso.
     Siya ang pumigil sa dalaga nang maalala kung nasaan sila. Kesehodang manakit ang sikmura niya, alam niyang tamang tumigil sila—for a thousand different reasons. Una, maaari silang mamataan ng rebeldeng nagmamasid sa tabing-ilog.
     Ikalawa, subject niya ito. Anak ito ng admiral, apo ng Secretary of the Navy at subject niya. Subject niya, utang-na-loob!
     Pangatlo at pinakaimportante, kahit gaano pa niya kagusto si Lauren, hinding-hindi siya mang-aagaw ng nobya ng may nobya….

MSV The Man I Desire Duets

Loving Louie

By Edith Joaquin

     Mula noong iwan siya ni Bobby de Castro, namatay at inilibing na rin ni Miranda Simon ang masayahing sarili at ang pumalit ay iyong dalagang parang laging galit sa mundo at sumumpang hindi na muling iibig pa. Pero hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may humahaplos na kung ano sa puso niya sa tuwing magtatama ang mga paningin nila ni Louie Angeles….

Reaching Bobby

By Carla Giopaolo

     Five years mula noong mawala siya, Bobby knew he should be busy trying to regain his life. Pero sa halip, ang gusto lang niyang gawin ay kumpunihin ang isang lumang kotse. Mabuti na lang, may isang Jaja Resureccion na may hawak ng spare parts na kailangan niya para buuin at patakbuhin muli ang sasakyan.
     Now, if only she could help him fix his broken heart, too….

Mi Unico Amor

By Doreen Laroya

     Natagpuan ni Yani ang calling niya nang mamuhay siya sa Sitio Malimpuyo, sa isang pamayanan ng mga katutubong Mangyan kung saan isa siyang volunteer teacher. Dito niya natagpuan ang acceptance na hindi niya nakuha mula sa sariling mga magulang, kung kaya pamilya na ang turing niya sa mga ito.
     Kaya hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ng guwapo at mayamang developer na si Miguel Almendras. Pilit nitong kinakamkam ang lupaing pag-aari ng mga katutubo.
     She was determined to fight him in every way. Pero nang paganahin nito ang extraordinary power of persuasion nito, bigla niyang pinagdudahan ang kanyang kakayahan na labanan ang binata….

MSV After Dark

Eternal Guardian

By Dior Madrigal

     “Do you need anything?” kunot-noong tanong ni Beatrice sa kanyang naging tagapagligtas. “Kumot? Mainit na tubig? Pagkain?”
     Napatiim-bagang ang lalaki. “Look, I’m not sick. It’s just a chronic condition I have since I was a child. Naiipon ang pagod ko ’tapos bigla akong manghihina. Iyon lang ’yon. I’ll be okay tomorrow. Strange ba?” Bumalik ang lamig sa boses nito. “I’m not exactly human, Beatrice.”
     Napalunok siya. Kailangan ba niyang kabahan?
     “I’m Azrael. I’m a part of Shomer, a group of people with extraordinary abilities bounded by the covenant to protect humans from creatures of the dark. Iyong umatake sa ’yo ay katulad ko rin.”
     Beatrice guessed she was ‘not exactly human’, too, kung ganoong hinahabol siya ng mga ganoong nilalang… at kailangan niya ng guardian na ‘not exactly human’….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!