Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Love Knows No Bounds

By Charlotte Dianco

     Next year ay treinta na si Reese, at dalaga pa rin. Nanganganib na ang matris niya. Sa totoo lang ay gusto na niyang magkaanak, pero unless kaya niyang mag-conceive ng baby nang mag-isa, hindi iyon mangyayari. Pero malas yata siya sa lalaki dahil palpak ang lahat ng mga naging relasyon niya.
     Still, hindi iyon rason para pag-interesan niya ang kanyang guwapong assistant. Hindi tama, iyon ang sigaw ng konsyensya niya. Kailangan niyang magsisi dahil ramdam niyang nasa bingit na siya ng temptation….

The Hired Wife

By Rose Valencia

      Naging puno ng sorpresa ang buhay ni Pam mula nang matanggal siya sa pinagtatrabahuhan at tinanggap ang trabahong iniaalok ng ina—ang maging pansamantalang kapalit nito bilang secretary sa manager at apo ng may-ari ng Hacienda Remedios.
     Ngunit hindi lang pala siya magiging temporary secretary dahil mukhang magiging instant wife na rin siya ng kanyang guwapo ngunit supladong boss.
     At ang lahat ng iyon ay dahil sa aksidente niyang pag-e-eavesdrop….

Cheat Not My Heart

By Chelsea Enriquez

     Sa matamis-pa-sa-asukal na pagkakangiti ni Frances nang pumayag ito sa plano ng abuelo nitong mag-stay ito sa bahay niya habang nagtuturuan sila tungkol sa kompanya, nahulaan na ni Jace ang totoo. He saw through her, the angel-looking lady was up to something.
     Kailangan niyang itrato ang dalaga na parang isang business transaction, or else, he might end up in a mental hospital. Alam niyang may niluluto si Frances at hinding-hindi siya nito makukuha sa ngiti.
     But if she’s willing give him more, well, that’s another story. Napangiti si Jace sa naisip… and he felt his body reacted to the carnal thoughts….

Anya’s Keeper

By Doreen Laroya

     “A-ano’ng gagawin ko, Glen?” naiiyak na tanong ni Anya.
     Hindi niya alam kung paano iko-console ang babae. She looked helpless. “Don’t worry, narito lang ako. Hindi kita pababayaan.”
     She made a humorless chuckle. “You could be in danger, too. Hindi mo ba naisip iyon?”
     Naisip na niya iyon. Posible ngang nakita ng assailant nito ang plaka ng kanyang motor na siyang ginamit niya noong itakas niya ang babae, at madali nang mate-trace kung saan siya nakatira.
     “I can take care of myself, Anya. Kaya kong protektahan ang pamilya ko… and just last night, you’ve become family.”
     Family? Now, that’s interesting! Paano niya pakikisamahan si Anya katulad ng sa isang nakababatang kapatid? Hell, the kiss he wanted to give her was nowhere near brotherly!

Tell Me You Love Me

By Jasmine Han

     “Kaya pala ang bait-bait mo sa akin. Naaawa ka sa akin,” ani Tanya kay Luther.
     “Yeah, right. I kissed you last night kasi naawa ako sa iyo. Not because you’re so beautiful and irresistible.” He smiled.
     Nagawa niyang makipagtitigan sa lalaki. “Are… you trying to seduce me?”
     “Yup. And obviously, I’m not as good at it as you are.”
     She laughed. “Thanks. You’re making me feel a lot better.”
     “So, hindi ka na aalis?” untag nito.
     “Why? Wouldn’t it be better if I leave?”
     Sumeryoso ang mukha nito. “After walking away last night, you have to at least give me a chance.”
     “A chance?” kunot-noong ulit niya.
     “To seduce you. Properly,” sagot ni Luther na ikinapamilog ng mga mata niya….

Proposal In Laverna

By Ally Falcon

     “Marry me, Desiree,” ani Gawain sa kanya.
     “I already said no. Bakit mo ba ako pinipilit? You don’t love me so why should I marry you?”
     “I need you.”
     Nabigla siya. “Why?”
     Nagpakawala ng malalim na paghinga ang binata. “You are the perfect choice for a wife—beautiful, charming, sexy and strong.”
     Suddenly, he was too close that she couldn’t breathe. Napalunok siya, sabay layo rito.
     “Are my reasons enough?”
     “No,” iling niya. “They’re not.”
     Iisa lang ang dahilan na puwede niyang tanggapin. At sa tingin niya ay hindi niya iyon maririnig mula rito kahit na kailan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!