Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Rumor Has It

By Jade Anne Franco

     An alcohol-dependent, a drug addict and a bitch—iyon ang kalimitan nang nai-a-associate sa pangalan ni Abbie del Tierro sa bayan ng San Isidro. Maging ang sarili niyang best friend na si Jenna ay inakusahan siyang mang-aagaw ng boyfriend. Sinumpa niyang hindi na siya babalik pa sa bayan na iyon pero dahil kailangang-kailangan, napilitan siyang umuwi.
     Hindi pa man siya nakatutuntong sa isla ay nagkrus na ang mga landas nila ni André Wyler. Half-English and half-Filipino, the man was handsome as hell with his blue-gray eyes.
     Halatang alam nito ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya, pero hindi iyon naging dahilan para iwasan siya nito.
     Then, one magic moment, they made love and it was beautiful. Perpekto ang lahat—maliban sa katotohanang boyfriend si André ng kanyang dating matalik na kaibigan….

The Vow

By Dior Madrigal

     “Miguel, please… I can’t be with you.”
     “Says who?” mariin niyang tanong. “You’re not going anywhere.” Napahawak siya sa magkabilang balikat ni Angelina. “Tuloy ang kasal natin. Walang magbabago!”
     “We can’t… it’s not right. Hindi dapat ganito—”
     “Hindi ikaw ang magdedesisyon n’on,” he hissed. “This is my revenge, remember? I get to decide what I can and can’t do. Magpapakasal tayo and we’re going to stay
together.”
     Patuloy ito sa pag-iyak. “It would be much better if you’d let me go. You can’t move on with me.”
     “Wala akong pakialam.”
     Siguradong mahihirapan si Miguel na kumbinsihin ang nobya, pero hindi siya susuko. Selfish na kung selfish, but he needed both her love and his revenge on her father.
     There was no way in hell he would let her leave him….

Arms Of Love

By Jeralyn Rivera

     Lumaki si Jeric na puno ng galit at poot sa taong pumatay sa kanyang ama. Ginawa niya ang lahat para tuparin ang ipinangako niya rito bago ito nalagutan ng hininga. Isinakripisyo niya ang lahat, kahit ang malayo sa kaisa-isang kapatid para lamang maisagawa iyon.
     Pero ang masakit at hindi niya inaasahan, umibig siya sa mismong anak ng taong kinamumuhian niya. At hindi niya malaman kung alin ang susundin—ang isip niyang sumisigaw ng galit at paghihiganti o ang puso niyang umiibig….

Patunayan Mong Mahal Mo Ako

By Edith Joaquin

     Walang romantic sa pagpapakasal ni Evangeline del Prado sa heredero ng mga Cajucom na si TJ. Iisa lang naman ang dahilan ng pagdaraos ng seremonyang iyon—ang gawing lehitimo ang anak nito sa kanya dahil kung hindi, aalisan ito ng mana ng ama. Hindi kasama sa usapan ang pakisamahan siya nito kaya nag-alsa-balutan ang lalaki pagkatapos na pagkatapos ng kanilang kasal.
     Makalipas ang pitong taon ay umuwi ito dahil gusto raw siya nitong muling kilalanin at baka sakaling mabuhay ang namuong pagtitinginan nila noong una silang magkakilala.
     Sa halip na makaramdam ng abot-langit na saya, she was distressed by his offer. May inililihim siya kay TJ tungkol sa kapanganakan ng kanilang anak… at pihadong ikagagalit ng asawa ang anumang matutuklasan nito….

Like A Bad LSS

Heart Anthems (Book 3 of 4)

By Zoe De Jesus

     ‘Music geek’ ang tawag kay Kale Larrazabal, ang drummer ng bandang Crude Romantics. Bukod sa multi-instrumentalist, versatile writer and main composer ng banda, ngayon ay mag-di-direct pa siya for the first time ng isang rock musical. Pero bigla siyang namroblema nang makilala ang bida sa stage play na gagawin niya—it was no other than Allie Mateo, ang tanging babaeng nag-break ng puso niya.
     Hindi alam ng binata kung bakit excited siya maisip pa lang na magkikita sila sa babae at naiinis kada makikita itong katawanan ang co-star nito. Hindi siya naniniwalang hindi pa siya over sa first love niya.
     Hindi talaga!

The Missing Piece

Heart Anthems (Book 4 of 4)

By Zoe De Jesus

     Gustong pagdudahan ni Dawn San Esteban ang kanyang bagong kapitbahay na si Yad Apostol. Ito ang pinakasikat na miyembro ng bandang Crude Romantics at iyon ay dahil sa kabi-kabilang mga babaeng umano ay nakarelasyon nito. At nag-alok pa ang lalaki na maging piano teacher ng anak niya—nang libre.
     At bakit ba pakiramdam niya ay inaakit siya parati ng Yad na iyon? Feeling niya ay binibigyan siya nito ng illicit proposition kada titingnan siya nito. O ilusyon lang ba niya iyon?
     Hindi pa siya sigurado pero gusto niyang maghinalang mayroon itong motibo sa pakikipaglapit sa kanila. Ano pa man ang gusto nito, sisiguruhin niyang hindi sila masyadong mahuhulog sa lalaking itinuturing niyang isang ‘walking heartache’….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!