Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

A Child For Allister

By Doreen Laroya

     May ilang sandaling tinitigan nito ang kanyang mukha pababa sa kanyang katawan. “Tell me, Lana. Nakailang boyfriend ka na?” Umiling siya kung kaya lumapad ang ngisi nito. “You’ve never had a man and yet pumayag kang maging babymaker? Alam mo ba kung paano nabubuo ang isang bata?”
     Naningkit ang kanyang mga mata. “Teacher ako, I’m not dumb!” Kung hindi lang talaga niya mahal ang kaibigan, hindi siya sasang-ayon sa hiling nito.
     “And you’re still determined to pursue this… this crazy idea?”
     “Look, Allister, may mga artificial methods naman na puwedeng gawin. We just need your… ah… your…”
     “My sperm,” walang ingat na dugtong nito. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. “Paano kung ayoko ng artificial insemination? Will you do it with me then?”
     Napasinghap siya. Hindi ignorante si Lana para hindi makuha ang ibig nitong sabihin….

A Secret To Keep

By Rebecca Rosal

     “Something wrong?” untag ni Zion.
     Nilunok ni Adette ang bara sa kanyang lalamunan. “It’s about May—”
     “Shh.” Ipinatong nito ang isang daliri sa mga labi niya. “Let’s not talk about her. Let’s talk about us instead.”
     “P-pero—”
     “I told you I am through with her. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Don’t you feel that?”
     She could feel how much he cared for her at hindi niya dapat ito pinagdududahan. Unable to contain happiness in her heart, inabot niya ang mga labi nito.
     Kasabay ng maiinit na halik, pinalis niya sa isip ang sekreto niya ukol sa ex-girlfriend nito at ang takot na iwan siya ni Zion kapag nalaman nito ang tungkol doon.

Don’t Give Up On Us

By Diane Garcia

     “I’m here for business, Mr. Mendez,” seryosong sabi ni Sam. “Now, kung wala kang mahalagang sasabihin, I’d better go.”
     Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maramdaman ang pagpigil nito sa braso niya. “You’re not going anywhere. Hindi ka makikipag-date sa lalaking iyon,” mariing saad ni Christian.
     “Let me go! You’re hurting me. Wala kang karapatang pagbawalan ako kung gusto kong lumabas kasama ang ibang lalaki,” angil niya.
     Sa pagkabigla niya, hinapit siya nito sa baywang. “Nobody can take you away from me. Akin ka lang!” usal nito bago hinuli ang kanyang labi. Mariin at mapusok ang mga halik nito.
     Tila gusto nitong lunurin ang kanyang lohika, kasama ang lahat ng masasamang alaala sa pagitan nila na naging dahilan para isantabi niya ang pag-ibig para rito….

All I Really Need Is You

By Amber Vasquez

     Sa sampung taong pananatili sa Chicago ay hindi pumasok sa isip ni Lauren na magbalik pa sa Pilipinas. Hindi iyon dahil ayaw niya, kundi dahil kailangan niyang huwag nang bumalik. Isang nakaraan na nagdulot sa kanya ng sobrang sakit sa puso ang hindi na niya nais pang balikan.
     Determinado siyang hindi magtagal sa bansa sa kadahilanang hindi niya gustong magtagpo pa ang landas nila ng dating asawa. Pero mukhang hindi iyon ang gusto ng kanyang ex-mother-in-law na panay ang gawa ng paraan para magkasolo sila ni Andrew sa pag-asang magkakabalikan pa sila ng anak nito.
     At ayaw man ng isip niya, sumasang-ayon sa matanda ang puso niya….

After All

By Jazmin Carena

     Ala-knight in shining armor, dumating si Nick sa buhay ni Lora noong panahong kailangang-kailangan niya ng tulong dahil sa nawawalang kapatid. Hindi na naging mahirap para sa kanya ang mahulog ang loob dito dahil nga sa kabaitan nito.
     Huli na noong nalaman niyang may iba itong motibo kung bakit nakipaglapit sa kanya: gusto lamang pala nitong gamitin siya para pasakitan ang abuelo niya….

Angel Heart

By Arianne Cole

     Iyon lamang ang unang beses na makikita nang personal ni Marcus si Ma. Laika Trinidad. Marami siyang nabasang mga balita ukol dito at alam niyang mukha itong diyosang bumaba sa lupa. Hindi na masamang kapalit para sa ginawa niyang pagsakripisyo ng kanyang kalayaan. Pero naghihimagsik pa rin ang kalooban niya.
     Gayunpaman, lahat iyon ay nalusaw nang makita niya ang kanyang bride. She was a perfect vision in her long and flowing gown. Para itong anghel. Hindi na niya halos maikurap ang mga mata sa katititig dito. Habang papalapit ito, hindi niya magawang supilin ang pananabik na umusbong sa kanyang puso. Parang bigla ay gusto na niyang maikasal dito. Agad.
     Ngunit nang maalis ang belo at tuluyang makita ni Marcus ang mukha ng babae ay nasiguro niyang hindi si Ma. Laika Trinidad ang pinakasalan niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!