Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Icko And The Tough Damsel

Groomsmen (Book 1)

By Yumi Sagara

     Ang modelong in distress na kasalukuyang binabantayan nila ang kanyang type, iyon ang alam ni Icko de Jesus. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ang kapwa niya private investigator na si Luna Altamirano ang kanyang pinagnanasaan. Sa tuwing magdidikit sila at nagsosolo ay para siyang tuyong dahon na nagniningas. She doesn’t even have to do anything to seduce him, nagwawala na lang basta ang hormones niya para sa dalaga kapag nasa malapit ito.
     Too bad parang hindi naman siya nito kailangan sa buhay nito. She is too independent to need someone like him.
     At bakit ba parang nasasaktan siya sa kaalamang iyon, eh, in lust lang naman siya sa dalaga?

James And The Runaway Bride

Groomsmen (Book 2)

By Yumi Sagara

     Dahil suko hanggang langit ang pagmamahal ni James kay Charisse, sumugal siyang makipagrelasyon dito sa pag-asang isang araw ay matutunan din siyang mahalin ng dalaga. Ngunit kahit na anong gawin niya at kahit isinuko na nito ang katawan sa kanya ay hindi pa rin pala nito nakakalimutan ang first love nito. Worse, umurong ito sa araw mismo ng kanilang kasal.
     They met again after two years. She was still gorgeous as ever. And hot. At natuklasan din niyang hindi pa pala kumukupas ang pagmamahal niya rito.
     Ayon sa kanyang kapatid, martir daw siya, at parang gusto niyang panindigan iyon. Kaya kahit ipabaril siya sa Luneta o ipagarote, nais pa rin niyang balikan si Charisse. Ngunit gaya ng dati, katawan lamang nito ang kaya niyang makuha. She had always desired him, yes, but would she ever learn to love him?

Landon And The Lovely Temptress

Groomsmen (Book 3)

By Yumi Sagara

     Tanggap na ni Landon na nakatakda siyang mag-isa habambuhay. Iniwan siya ng kanyang ina sa bahay-ampunan noong sanggol pa lamang siya. Iniwan din siya ng babaeng unang minahal niya. At kapwa pumanaw na rin ang kanyang foster parents. He was living in peace, yet in solitude and silent hatred. Mukha na nga raw siyang ermitanyo, biro ng mga kaibigan niya.
     Hanggang sa magkrus ang landas nila ng magandang modelong si Chantal Reginaldo. Instantly, he was captivated by her beauty and oozing sensuality. Kaya tatanggi ba siya kung ang babae na mismo ang nag-i-initiate ng mga halikan nila? And, damn, mas lalong hindi siya santo para tumangging may mangyari sa kanilang dalawa na higit pa sa halikan.
     Ngunit may problema—dahil umaasa pala si Chantal ng higit pa sa physical relationship na kaya niyang ibigay rito.

An Angel Beside Me

By Joelle Madison

     Kailangan pang i-harass ng sarili niyang mga magulang si Aya bago siya mapalabas ng condo unit niya. Sa trabahong niya bilang video game reviewer at writer/contributor sa isang anime magazine, wala na talaga siyang social life.
     Gayunpaman, hindi man siya palaging lumalabas ng bahay, hindi pa rin iyon dahilan para masyado siyang ma-in awe sa kaguwapuhan ni Noah Palacios. Hindi iyon sapat na rason para magtumulin ang tibok ng puso niya kada makikita ito o mag-init ang mga pisngi niya sa tuwing ngingitian siya nito. Hindi talaga iyon tama!
     Lalo pa’t nobyo na ito ng maldita niyang pinsan….

To Your Heart Again

By Larei Samaniego

     Myra was having the worst day of her life. Kaya nga para maibaling ang inis niya sa mundo, basta na lang niya binato ang bintana ng katapat-bahay niyang matagal nang abandonado.
     Laking gulat niya nang biglang lumabas ang kung sino mula sa bahay. “Who the hell threw this?” asik nito.
     Daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan. Because the man standing just a few meters away from her—stone in hand and a reddening bump on his forehead—was the very same man who broke her heart ten years ago.
     Oh, no!

Dearest Megumi

By Mara Alegria

     “I have a proposal,” ani JP sa kanya. “I’ll help you get Paulo’s attention. Tutulungan kita para magustuhan ka ng best friend ko.”
     Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Megumi. Paano namang hindi? Wala itong ginawa kundi asarin siya at galitin, pagkatapos ay bigla-bigla na lang hihirit na tutulungan siyang makuha ang atensyon ng secret love niya?
     “What’s the catch? Kung papayag ako sa inaalok mo, ano namang kapalit ang gusto mo?” alanganing tanong niya sa lalaki.
     Nagliwanag ang guwapo nitong mukha. “Very simple! You just have to be my close friend.”
     Nakakaloko ang ngiti sa mukha ng binata habang sinasabi iyon. Gusto tuloy niyang kabahan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!