Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

My Love, My Inspiration

By Norma Delgado

     Medyo tanggap na ni Autumn na hanggang sa nobelang sinusulat niya lang talaga nahahanap ang pag-ibig na nakakakilig. Hanggang sa makilala niya si Dwight Cipriani saka niya nakita ang hinahanap niyang ‘spark’. He became her inspiration at dagli nitong sinira ang kanyang writer’s block.
     Tuloy, lihim at marubdob niyang naihiling na sana ay single pa rin siya—at hindi niya boyfriend ang pinsan nito.
     Malabo na talaga ang kanyang pangarap na happy ending para sa sarili niyang romantic story….

The Lost Knight

By Sefah Mil

     Sixteen si Elena nang dinukot siya ng di-nakikilalang mga lalaki, tinapon sa isang truck at inakyat sa isang barge para gawing sex slave. Hindi tulad sa malagim na sinapit ng ibang dalagitang nakilala niya, nakatakas siya dahil isa sa mayayamang sugarol na naglalaro ng baraha sa casino roon ay tumulong sa kanya na makatalon sa dagat.
     Sampung taon din niyang inasam na muling makita si ‘Lost Knight’ para mapasalamatan sa pagligtas nito sa kanyang buhay at sa pagbigay ng pera at Rolex watch nito na nagpaaral sa kanya sa kolehiyo. Mabilis kasi ang pangyayari kaya hindi man lang niya natanong ang pangalan ng lalaki para mapadali sana ang kanyang paghahanap.
     Kung nasaan man ito ngayon, hinihintay ng puso niya ang muling pagbabalik nito….

Beachside Kundiman

Heart Anthems (Book 2 of 4)

By Zoe De Jesus

     Mula noong nalipat sa kanya ang pamamahala sa munting family business nila, ngayon pa lang talaga nakapagbakasyon si Angel Ybañez. At kung hindi pa siya sinuhulan ng discount ng isang kaibigan, hindi pa niya iyon maiisipan. Feeling adventurous, pumayag na rin siya.
     Dahil multi-tasking diva naman siya, pinakiusap na rin ni Mommy Loi, ang kaibigan niyang nagbigay ng discount, na tingnan-tingnan niya ang stepson nitong brokenhearted at nagmumukmok sa resort na iyon, habang sinusubukan niyang gawin ang mga bagay na hindi pa niya na-try noon.
     At laking gulat niya nang makita si Jare Sebastian. Susme, adventure ba ’ika ang hanap niya? Mukhang kayang-kaya iyong i-provide sa kanya ni Rockstar-Next-Door….

My Ever After

By Doreen Laroya

     Siya si Cinderella. Pero hindi siya isang character sa fairy tale. Wala siyang wicked stepmother at stepsisters. Lalong wala siyang fairy godmother. Hindi rin siya isang mayuming babae na ginawang katulong, kundi isang matapang at maprinsipyong reporter.
     But like her namesake, isa lang din ang wish niya; ang makilala ang kanyang Prince Charming at magkaroon ng isang happy ever after.
     Nakilala niya ito, iyon nga lang hindi sa ball kundi sa isang crime scene. Nagkataong naroon siya nang patayin ang isang prominenteng lawyer sa loob mismo ng opisina nito. At dahil doon, naisipan niyang pumapel sa imbestigasyon. Bagay na hindi nagustuhan ni Prinz, ang NBI agent na namuno sa investigating team….

The Bet

By Dior Madrigal

     Confident si Andrew na mananalo siya sa pustahan nilang magkakaibigan; maide-date niya ang Plain Jane na si Elizabeth Carpio in no time. Taliwas sa paniniwala ng nakakarami, plain girls are actually the easiest to get. Para nga naman kasi itong heroine sa fairytale books na nilapitan ng isang prinsipe.
     Pero iba sa inaasahan niya ang isinagot nito sa paanyaya niyang date.
     “What is wrong with you men?” malamig na sabi nito. “Bakit ba ang bagal mag-evolve ng mga utak n’yo? Is it a genetic failure? Ilang taon ka na ba? Hanggang ngayon ba pustahan pa rin ang pasttime n’yo? Seriously, wala na ba kayong maisip na bago? You are one pathetic asshole. Do the world a favor and grow half a brain, please!”
     With that, iniwan siya nitong shocked na nakatulala….

From Saudi With Love

By Nida Lasaca

     Ang gusto lamang ni Elvie ay magtrabaho nang maigi upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Malayung-malayo sa isip niyang isa sa kanyang mga guwapong among Arabo ang maaakit sa kanya at siyang magiging dahilan para kainggitan siya ng mga kasamahan.
     Hindi rin niya pinlano na mahulog ang loob kay Kaizer Mohamad. Sa dami ng kanilang kaibahan—mula sa lupang sinilangan nila at kultura hanggang sa pananampalataya—napakaliit ng posibilidad na magkaroon ng magandang katapusan ang anumang relasyong mabubuo sa pagitan nila.
     Lalo pa at nakatakda nang ikasal ang binata sa babaeng mas nababagay rito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!