Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Emerald Letters

By Yumi Sagara

     Inis si Jao kay Tiara. Paano, nilait nito ang ginawa niyang artwork para sa cover ng isang libro nito. Pangit daw at hindi siya magaling gumuhit. May pagkaimpakta pala ang ugali ng babaeng horror writer.
     Pero nang mangailangan ito ng tulong para mag-deliver ng mga sulat ng Lola Esmeralda nito sa ex-boyfriend, walang abog siyang nag-offer ng ride sa dalaga. Olats na kung olats, eh, sa mabait siya at matulungin. At sa kanilang mahabang biyahe, marami siyang natuklasan sa kasama, kahit pa nilait nito ang karag-karag niyang kotse at nagkandawala-wala sila. Tiara could get into his nerves but she could be so sweet and endearing that he could never ever hate her.
     Naloko na. Posible kayang na-i-in love na siya sa impaktang babaeng ito? O nausog lamang siya nito?

P.H.A.T. (Pretty, Hot And Tempting) Barbie

By Venice Del Valle

     Nagkakilala sila sa debut party ni Barbie. Everybody commented on how much of a big girl she has become, quite literally. Kulang na lamang ay mamatay siya sa hiya nang hindi siya siputin ng eighteenth rose niya…
     Pero isang guwapong binata ang lumapit para isayaw siya, sa gayon ay naligtas siya sa kahihiyan. Pakiramdam ng babae, nahanap na niya ang kanyang Mr. Right sa katauhan ni Alex, hanggang sa malaman niya kung ano ang tunay na tingin nito sa kanya: Isang matabang babae, nothing more.
     Mabuti na lang, binigyan ni Mr. Fate si Barbie ng pagkakataong makaganti. Ngayong sexy na siya, lagot sa kanya ang Alex na iyon!

In Papa Bear’s Arms

By Eunice Xyra

     Para siyang si Goldilocks sa panaginip ni Chi-Chi. Napadpad daw siya sa isang liblib na lugar dahil sa mga taong humahabol sa kanya. Nakakita siya ng isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan. Pinasok niya iyon, kinain ang pagkain na nakahain sa mesa saka nakitulog sa pinakamalaking kama roon.
     “Who are you?” Naalimpungatan siya dahil sa tinig na iyon. Gulat na napatitig siya sa mala-Greek god na lalaki. Oh, my papa! Nakatatakam ang pawisang katawan nito na puro abs ang tiyan at may nagtitigasang muscles sa braso!
     At noon naalala ni Chi-Chi ang lahat—na hindi siya si Goldilocks at lalong hindi iyon isang panaginip lamang! Dahil kitang-kita niya ang nagbabagang mga titig ni ‘Papa Bear’ sa kanya at ang pagsinghap ng dalawang batang nasa likuran nito!

Forbidden Love

By Erynn Anne

     Alam ni Rachelle na hindi niya dapat pinagbigyan ito; dapat tumutol siya. Ngunit sa bilis ng pangyayari ay hindi siya nakapag-react kaagad. Nakapulupot pa rin ang mga braso niya sa leeg ni Gavin; her breathing still labored.
     Kaagad na sinalo ng kamay ng binata ang kanyang pisngi at muli itong humarap sa kanya. “Don’t look away from me, Rae. Do you see what you’re doing to me?”
     “Y-you don’t know what you’re talking about. What you’re probably feeling is a bad case of puppy love. Didn’t we have this discussion before?” Several times as a matter of fact, isip niya.
     Wala siyang balak na mag-take advantage sa binata. Pero imbis na sumuko, tila lalo pang nagiging pursigido si Gavin na makuha siya. At hindi alam ni Rachelle kung hanggang kailan niya kakayaning iwasan ang advances nito….

Stupid For You

By Chelsea Enriquez

     “Nakakatawa ka talaga, Briel, alam ko naman na kahit maghubad ako rito ay hindi ka maapektuhan,” ani Mayumi. “N’ong nasa college tayo halos ibigay ko na ang sarili ko sa iyo pero tinanggihan mo ako. Ngayon pa ba?”
     Inabot niya ang braso ng dalaga bago pa ito makalayo sa kanya. “What if I tell you I want you now?” tiim-bagang na tanong niya habang hinuhuli ang tingin nito.
     Muli itong tumawa. “Well, you can’t have me now. Sinabi ko na sa ’yo, nagising na ako sa ilusyon ko n’on. You may be in lust with me, but I tell you this: Despite what the world thinks about me, I will only sleep with the man I love at hindi na ikaw iyon.”
     Tulala siya nang lumabas ito sa silid, but Briel would be damned if he’d let her go just like that….

No Other Love

By Faith A. Teodoro

     Kaagad na na-attract si Fran sa kanyang guwapong superior nang una pa lamang niya itong nakita. At kahit masyadong mabilis ay minahal niya ito hanggang sa puntong ibinigay niya pati ang sarili kay Lawrence.
     “I want you, Fran. I’ve always wanted you.”
     Iyon ang mismong mga katagang binitawan nito. He only wanted her. Marahil ay naalala lamang nito ang babaeng tunay nitong minamahal na nagtataglay rin ng mukhang kahawig ng sa kanya.
     At hindi alam ni Fran kung kaya niyang ipaglaban ang nararamdaman gayong alam niyang sa simula pa lang ay dehado na siya sa laban….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!