Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Falling For Eunice

By Jessica Gayle

     “Actually, may gusto akong hingin sa ’yong pabor,” simula ni Eunice. Halata sa tono ng kaibigan na kinakabahan ito.
     “Ano ba iyon?” Matthew asked lightly. Nang hindi pa rin ngumiti ang babae at tila natatakot na nanlalaki ang mga mata, idinugtong na niya, “Sabihin mo na sa akin, Niece. You know you can ask me anything.” He smiled at her gently.
     Noon pa mang mga bata pa sila, wala itong hiniling na hindi niya ibinigay, at hindi rason ang nagwawala niyang hormones para hindi niya gawin iyon ngayong dalagang-dalaga na si Niece.
     “’Yun na nga, eh,” she murmured. Sandaling yumuko ang babae bago nag-angat muli ng mukha.
     “What is it, Niece?” he asked softly. “Ano ang gusto mo?”
     “A baby,” Eunice blurted out. “I want a baby.”
     Lalo yatang nagwala ang hormones niya dahil sa narinig….

You’ll Be In My Heart

By Gertrude Margarette

     “Go back to your room, Janine,” marahas na sabi ni Alfon. From desire, the expression on his face changed to anger. Mula sa malambing, bumalik sa pagiging authoritative ang tono nito.
     “W-why?” alanganing tanong niya. “B-bakit ka nagagalit sa akin?”
     “Damn it, hindi ako galit sa ’yo!” angil nito. “Galit ako sa sarili ko. Please, leave this room now or else…”
     “Or else…?”
     “I will make love to you now at wala nang bawian. Hindi na kita bibigyan pa ng pagkakataon na umalis sa kuwartong ito.”
     Napakurap siya. Matagal niyang inalagaan sa puso ang pantasyang ito. “T-then, I’ll stay,” matapang na sagot niya.
     Kung mayroon mang lalaking maaari niyang paghandugan ng lahat-lahat sa kanya ay si Alfon iyon at wala nang iba….

Ace Crisostomo

By Edith Joaquin

     Hindi phenomenon ang manghalik si Ace Crisostomo. As a matter of fact, kung pagbibigyan lahat ng kababaihang gustong magpahalik sa kanya—mga naging kaklase niya sa eskuwela, mga naging katrabaho, huwag nang banggitin ang mga may asawang nag-offer sa kanya ng affair—kasing-haba siguro ng EDSA ang pipila. At walang halong pagmamayabang iyon.
     So ano ang ikinaiba ni Pearl sa lahat ng babaeng hinalikan niya? Bakit siya ginugulo ng konsyensya dahil doon?
     Siguro kasi nagi-guilty siya dahil imbis na pangalagaan niya ang dalaga gaya ng bahagi ng job description niya, sinamantala niya ito. Or maaaring natatakot siya. Wala pang babaeng nakaapekto sa kanya nang ganoon, maliban kay Pearl. And his soul is letting out a blood-curling yell at the thought of falling in love….

Sweet Refrain

Heart Anthems (Book 1 of 4)

By Zoe De Jesus

     “Sandali lang naman ito. Kapag nasa akin na si Bodyok, puwede na siguro tayong maghiwalay,” patuloy na paliwanag ni Faith kahit pumayag na si Dave na pakasalan siya para tulungan siyang makuha sa ampunan ang anak ng yumao niyang best friend. “Alam ko, wala akong kahit maliit na karapatan para lapitan kita at hingan ng ganitong pabor. I ruined yo—”
     “Shh!” putol nito sa sasabihin niya. Malamang, hindi rin nito gustong maalala ang mga nangyari noon na naging dahilan ng pagkakahiwalay nila ng maraming taon. “Wala kang kasalanan sa akin, Faith. At malaki ang utang-na-loob ko sa ’yo, sa pamilya ninyo. Your parents gave me a roof over my head for years for free. This is an opportunity for me to repay them through you.”
     Tama, iyon lang ang lahat ng ito para sa lalaki.
     So don’t get too excited, nanlulumong bilin ni Faith sa sarili.

Mamahalin Mo Rin Ako

By Krystel Raine

     Second year high school pa lang si Nerellie, sinabi na ng kanyang ama na si Ax Montelibano ang future husband niya. May kasunduan kasi ang mga tatay nila ukol doon. Noong una ay tinawanan lang niya iyon, pero sa katagalan, nagustuhan na rin niya ang ideya. Wala siyang pakialam kung sampung taon man ang age gap nila at suplado ito sa kanya; basta, Ax is hers! And she vows to make him love her.
     Pero bago iyon, kailangan muna niyang kumbinsihin ito na hindi na siya bata, and the sexiest way to prove that is by persuading him to kiss her….

If I’m Not In Love With You

By Terri Dizon

     Bilin ng pinsan ni Kirby, tingnan-tingnan daw niya ang nobya nitong si Ciara habang ito ay nasa Japan. Mukhang hindi iyon problema sa dalaga dahil kahit hindi masyadong maganda ang impression nito sa kanya noong una, medyo nagiging close na sila sa huli.
     Pero parang hindi magugustuhan ng pinsan niya kung malalaman nitong masyado siyang nadadala sa pag-aalaga sa girlfriend nito at kulang na lang tumulo ang laway niya kapag tinitigan niya ang magandang babae….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!