Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Bewitched

By Aira Felicity

     Tinanggap ni Sandy nang walang pagdadalawang-isip ang alok ng tiyahin para matakasan ang isang makulit niyang manliligaw. Simple lang ang trabaho niya—bantayan ang bahay at mag-tutor sa anak nito.
     Ayos na sana ang lahat kung hindi lamang sa burarang boarder ng tita niya na mangkukulam ang tingin sa kanya. Sa tuwina ay nagtatalo sila dahil sa pagkakalat nito. At nang sumabog ang inis ni Sandy, tinawanan lamang siya ni Steve kasunod ng mayabang na pagsasabi ng, “Para kang asawa, ang daldal mo. Why don’t you marry me instead para maging ‘nagging wife’ ka na officially?”
     Narinig yata ng universe ang hamon, sinubok sila ni Kupido…

The Kissing Game

By Mari Calingayan

     “I don’t deserve that score. Puwede bang umapela ng isa pa?” tukoy ni Rolfe sa six point two na grade niya sa halik nito.
     “Akala mo mauuto mo ako? Gusto mo lang humalik, may mga diskarte ka pa diyan!”
     Tumawa ito. “The truth is, gusto lang kitang bigyan ng chance. You see, ang score mo sa akin is three over ten.”
     Nanlaki ang mga mata ni Layna. “Sira-ulo ka! Hindi ka marunong mag-judge ng good kisser!”
     “O baka naman talaga lang hindi ka marunong humalik?”
     “Aba’t—!” Inis na tumayo siya at nilapitan ito. She tried to pull his head down. “Give me your lips,” utos niya.
     They were playing a dangerous game, they both knew. Pero tila walang may pakialam doon….

Yours Completely

By Lily Angela

     Sadya yatang itinakda na magkakilala sila ng babaeng gumulo na sa isip ni Derek mula noong una niya itong nakita. Natagpuan niya ang modelong si Kriselda na nag-a-apply sa law firm nila. Pakiramdam niya tuloy, nanalo siya sa lotto.
     Ngunit parang gusto niyang pag-isipan ang pagkatao nito nang malamang napapadalas ang pakikipag-date ng babae sa anak ng mayamang akusado sa isang kasong hawak nila. Kahit sinong lalaki ay maaakit nito at ayaw man niyang isipin, pilit sumisiksik sa isip niya ang ideya na maaaring ginagamit ng dalaga ang angkin nitong ganda para maabot ang mga pangarap….

Against All Odds

By Rebecca Rosal

     “I know of a way to stop them, pero ewan ko kung papayag ka,” tukoy ni Darell sa kanyang ina at sa ama nito na kasalukuyang may affair. He took a deep breath. “Marry me.”
     Akala ni Sara ay nalagutan na siya ng hininga sa labis na gulat. “Hindi ko alam kung kaya kong magsakripisyo ng gan’un para….”
     He grinned. “Pa’no kung sabihin kong hindi lang ’yun ang dahilan kaya gusto kitang pakasalan?”
     Nalilitong napatingala siya rito. “What?”
     Lumapit ito sa kanya. Nabigla sa intensity ng titig nito, napaatras siya ngunit inipit siya ni Darell sa pagitan ng pinto at ng katawan nito. “I won’t tell you… but I’ll show you.”
     His lips possessed hers before she could make sense of what he said….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!