Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Irreplaceable
Dior Madrigal

     Dahil sa utang-na-loob, Bella’s grandmother vowed to serve the Prietos all her life, gayundin silang mga apo nito. They don’t mind. Mababait ang mga amo nila; sa katunayan, kaibigan at kapamilya ang turing sa kanya ng magkakapatid na Prieto. Pero ang pag-ilusyunan niyang mamahalin din siya ni Paulo Prieto sa paraang gusto niya, sobra na yata iyon.
     But a heated kiss threatens to destroy the strong old bond that they share. Kahit anong pilit niya, ayaw na ng binata na bumalik sila sa dating ‘close friends’ na status nila. Paulo is convinced they can only move forward, meaning magiging lovers sila. And that could only mean Bella will be more susceptible to heartache….

Romancing Dylan
Doreen Laroya

     “Are you insinuating na may gusto ako sa iyo? Ha, Andi?” magkadikit ang mga kilay na tanong ni Dylan.
     “Wala ba?”
     Lumapit ito hanggang sa halos magkadikit ang mga katawan nila. “Not even in your dreams,” he mocked.
     Pero hindi siya magpapatalo. She tiptoed until her lips almost leveled with his. “Sabihin mo rin kaya iyan sa sarili mo?” she drawled sexily.
     Napalunok itong bigla. Wala sa sariling bumaba ang mukha nito upang akma siyang halikan. Nang-uuyam ang ngiting bigla siyang humakbang palayo.
     Wala palang gusto, hah!

When Love Strikes Back
Charisse Pamela

     Simula pa lang ay alam na ni Mika ang role niya sa larong iyon—gagamitin siya ng amo niyang si Nathan para pagselosin ang ex-girlfriend. At dahil bukod sa boss niya ito at matagal na niyang pinagnanasaan, umoo siya. Bah, pagkakataon na niya para makatsansing sa binata!
     Pero hindi pala iyon ganoon kasimple. Mahirap palang hindi maapektuhan sa paglalambing ng lalaki. At masakit sa damdamin na palabas lang pati ang init sa halik na pinagsaluhan nila.
     Ay, hindi na ito nakakatuwa!

Stalker’s Kiss
Rebecca Rosal

     Sa unang pagkakakilala nila ng modelong si Earl Cristobal, nagpahayag ito ng matinding interes kay Lora. Bagaman sobrang flattered at kinikilig, hindi siya maaaring magsaya. Kahit pa totoong attracted sa kanya ang binata, wala pa rin siyang pag-asa.
     Hindi niya dapat kalimutan ang pinirmahan niyang trabaho na napilitan siyang tanggapin para hindi mademanda ang bunso niyang kapatid. At kapag nalaman ni Earl na siya rin si Sylvanna Reyes na nagpapanggap na obsessed fan at stalker nito, baka ikahiya at kamuhian siya ng binata….

My Christmas Romance
Iya Ruiz

     Puno ng sincerity ang mga mata ni Christian. “Dapat pala magpasalamat pa ako kay Donald,” tukoy nito sa ex-boyfriend niya.
     “Sa buwisit na sinumpang walanghiyang hudas at saksakan sa pagkainutil na taksil na iyon! Bakit naman?” nakakunot-noong ani Sherene.
     “Tingnan mo, ha. Kung hindi ka niloko ng buwisit na sinumpang walanghiyang hudas at saksakan sa pagkainutil na taksil na iyon ay hindi ka tatakbo at magtatago sa kanya. Hindi sana nagkrus ang landas nating dalawa. Malungkot uli sana ang Pasko ko. Mabuti na lang, niloko ka niya.”
     Napatawa siya. Nakakakilig isipin na siya ang dahilan kung bakit nakakangiti ngayon ang pang-Koreanovela hero na mamang ito….

One True Love
Darla Domingo

     Thankful si Lorraine sa Christmas holiday dahil mabibigyan siya niyon ng sapat na panahon para abalahin ang sarili na simulan ang kanyang Operation OTL—as in Operation One True Love! Tawagin na siyang baliw o desperada, pero seryoso siyang mahanap ang tamang lalaki para sa kanya. Isang tao na hindi niya ikakahiya; someone who will cherish her and care for her. Kahit hindi masyadong guwapo basta iyong karapat-dapat mahalin at pag-aksayahan ng oras, damdamin, at katawan!
     Pero wait lang! Bakit ba pulos sa direksyon ni Engr. Adolfo ‘Adong’ Erispe papunta ang kanyang iniisip? Kino-consider na nga ba niyang jowa material ang kaibigan?
     Hindi niya malaman kung mapapa- ‘Oh, no!’ siya o ‘Oh, yes!’…

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!