Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Food Goddesses Series (Book 1 of 4): Stormy Night With Saffron
Audrey Torres

     Itinigil ni Saffy ang pag-di-discuss ng menu nang may mapansin. “Bakit kanina ka pa nakatitig sa akin?”
     “I want to see you again,” derechong sagot ni Shadrach.
     “Wala nang dahilan para magkita uli tayo nang ganito.”
     “Kung mayroong valid na rason, will you see me?” May challenging note sa boses nito.
     “I cannot think of a reason for seeing you, Mr. Barrinuevo,” payak niyang sabi. “What do you want for dessert?”
     “You won’t believe what I want for dessert,” nakangiti nitong tugon.
     Madali niyang sinaway ang sarili sa reaksyon niya roon.
     It was ridiculous. He’s getting married in three months’ time….

Food Goddessses Series (Book 2 of 4): A Rose Named Romaine
Audrey Torres

     Sa tingin ng pamilya ni Gallen Lopez, perpekto si Romaine para sa lalaki. Magkasundo sila ng ina nito at close sa kanya ang anak ng biyudo. Bukod pa iyon sa katotohanang crush niya si Gallen. Ang kaso, may nobya ito na anumang oras ay maaari nitong pakasalan.
     Hanggang sa makilala niya ang girlfriend ni Gallen at makitang hindi ang katulad nito ang bagay na maging pangalawang ina ni Jethro, ang anak na lalaki ng biyudo. She has to save him from that woman. Pero ano ba ang malay niya sa pang-aagaw ng nobyo, eh, sa pagluluto lang naman siya magaling?

Food Goddesses Series (Book 3 of 4): Hopelessly In Love With Julienne
Audrey Torres

     “I will give you everything you want,” ani Virgil na halos desperado na. “I can give you what any man can give and more!”
     “Iyan ba ang proposition mo?” may pang-uuyam na tanong ni Julienne.
     “I am offering you all that you could ask for, just say so!”
     “You’re joking,” natawang sabi niya. “Bakit hindi mo pa derechahin na gusto mo ’kong gawing mistress?”
     “Yes, iyon ang ibig kong mangyari.”
     Nakakalungkot na marinig na pagnanasa lamang ang nadarama sa kanya ang lalaki. Pero kasalanan niya rin iyon dahil binigyan niya ito ng ‘sneak preview’—ang mainit na gabing pinagsaluhan nila noon sa London….

Food Goddesses Series (Book 4 of 4): Mignon’s Secret Love
Audrey Torres

     Habang nag-aagawan sa atensyon ni Mignon at patay na patay sa kanya ang mga pinsan ni Ernest Vincent, ang huli ay tila walang kainte-interes sa kanya. Kung sino pa ang crushniya mula noon pa, siya pang indifferent sa kanya. Panay lamang ang paalala nito na lumayo siya sa gulo at huwag magpapagabi, na para bang iniisip nito na napakapilya niya.
     Sa tingin niya, it’s time she shows him what she’s really made of. Kailangan niyang baguhin ang impresyon nito sa kanya.
     Ngunit mukhang mahihirapan siyang ipakita kay EV na hindi siya ‘easy’ dahil mainit palagi ang pagtugon niya sa mga halik nito….

Meant For Love
Charlotte Dianco

     Mali si Ate Guy, naisip ni Carrie. May himala! At siNathan Richards ang kanyang himala! Kasalukuyan siyang naghahanap ng maipiprisintang kunwaring boyfriend sa alumni homecoming. Gaya ng ipinusta niya noon, dapat guwapo, mayaman, sikat at higit sa lahat, patay na pataysa kanya ang lalaking dadalhin niya sa gathering na iyon.Kung hindi, mag-do-donate siya ng isang milyon sa eskuwelahan. At akalain ba niya, crush pa niya ang kusang nag-alok na ito ang magpanggap bilang nobyo niya.
     Alam ni Carrie na palabas lamang ang lahat, but what the heck! At least, sa kanya si Nathan sa gabi ng reunion and she could live with that for the rest of her life.
     Or could she?

Made In Vigan
Venice Del Valle

     Gusto lang naman ni Althea na maging masaya ang old maid niyang tiyahin, kung kaya gagayumahin sana niya ang biyudong kapitbahay na nahulaan niyang gusto ng tita niya. Kaso aksidenteng nainom ni Carlos—ang binatang anak ng target niya—ang gayuma, siya tuloy ang pinupursigi nitong ligawan. Sa totoo lang, sa isang linggong pinagsamahan nila roon sa Vigan, naging palagay na ang loob niya sa lalaki. Actually, it was more than that. Mukhang nahulog ang loob niya rito. Pero hindi yata kaya ng pride niya na tanggaping minahal siya nito dahil lang sa gayuma. At kung totoong mabisa ang gayuma gaya ng nabasa niya, dalawang linggo lamang ang bibilangin at aalukin na siya ng kasal ni Carlos.
     Kailangan niyang makagawa kaagad ng antidote!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!