Posted on

Release For My Special Valentine and My Special Valentine Premium!

Here are our new titles for My Special Valentine and My Special Valentine Premium!

New Release
New Release

Want to read the story teasers?

Previews

My Special Valentine

Rekindled Passion
Christine Acance

     Bumalik si Starr sa kanilang bayan dahil sa kahilingan ng kanyang ama na kausapin niya ang taong nagbayad ng utang nito sa bangko. Hindi niya ini-expect ang mga natuklasan niya pagdating doon—buhay ang kambal na sanggol na isinilang niya fourteen years ago at itinago lamang pala sa kanya ng ama. Ang mas mahirap pa, kailangan niyang harapin ang ex-boyfriend niyang si Diego Durano para mabawi ang mga anak. At hindi niya napaghandaan ang galit nito sa kanya, maging ang katotohanan na ito pala ang nagbayad ng pagkakautang ng ama niya.
     Ni hindi sumagi sa isip niya ang hihilingin ng binata na kapalit ng hacienda nila—them sleeping together.

Unmistaken Love
Ysabella Bautista

     “Ano ba’ng ayaw mo kay Victoria, Lance? Bakit ba ayaw mo siyang pakasalan?” untag ni Meharra.
     Mula sa pagkakayakap sa kanya, tiningnan siya ng binata. “What do I have against you?” Tumingala pa ito sa maaliwalas na kalangitan bago sumagot. “You’re hard-headed, you’re selfish, and a spoiled brat.” He gently pinched her nose. “But you know what, Honey, if you’ll continue being a good girl and a good kisser, you might actually get what you’ve been wanting.” Pilyo itong ngumisi.
     Kumunot ang noo niya. “And that is?”
     “Being married to me.”
     Kaso nga hindi siya si Victoria. Maaaring kamukha niya ang babae, pero hindi siya ang tinutukoy ni Lance….

Anatomy Of A Perfect Boyfriend
Hannah Wabe

     Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Enzo kay Monina, kaya lang ay nobya ito noon ng best friend niya kaya hindi siya makaporma. Fast forward to today, nagkita sila at inalok nito ang sarili na maging boarder niya sa kanyang unit nang naringgan nitong naghahanap siya ng makakasama.
     Marahil ito ang paraan ng kapalaran para bigyan siya ng pangalawang tsansa. He saw it as the perfect opportunity to get close to her. Sa wakas hindi na pulos takeout meals ang kakainin ni Enzo, mapapalitan na iyon ng home-cooked meals, cooked by a woman he has had the hots for, for so many years. Everything would’ve been a perfect storybook scenario, if not for one little detail: nakataga na sa utak ni Monina na isa siyang bading….

Wild Bloom
Katrina Ramos

     “Bakit nga hindi ako puwedeng manligaw sa ’yo?”
     Napapikit si Lily dahil sa haba ng diskusyunan nila ni Nicko. Nahalata rin siguro nito ang damdamin niya kaya ito makulit.
     “Hindi ko masabi sa ’yo kung bakit dahil magagalit ka sa akin. I just want to make it right,” simpleng paliwanag niya.
     “Make it right?” bulalas ng lalaki. “By making me stay away from you? Hindi ko yata maintindihan, Lily.”
     “Mayroong mas higit pa sa akin na makikilala mo, Nicko. You deserve someone better.”
     Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niyang iyon. Pero gusto man niyang manghinayang, alam niyang tama ang kanyang ginawa. Mas hindi niya kakayanin ang galit nito kung sa pagdating ng araw ay malaman nito ang buong katotohanan tungkol sa kanya….

My Special Valentine Premium

Sentinels (Book 11) Silent Honor
Elise Estrella

     Desk job ang kakaharapin ni Lt. Joseph Herrera sa pagbabalik niya sa Pilipinas matapos ang limang taong pag-aaral, training at paglilingkod sa gobyerno ng Amerika. Iyon muna habang wala pa ang medical clearance niya dahil hindi pa lubos na gumagaling ang sugat na kanyang natamo mula sa huling operation na sinalihan niya.
     Kasabay ng desk job, in-assign din siya para bantayan ang isang opisyal ng Judge Advocates General Office, ang military lawyer na umano ay pinagtangkaang patayin. Kahit gusto niyang umangal, wala siyang nagawa kundi sumunod.
     Ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ang babantayang si Capt. Lopez—it was Carmen Lopez, ang babaeng iniwan niyang heartbroken five years ago….

His Overnight Bride
Yumi Sagara

     Pinakasalan ni Algren si Ladia upang isalba ito mula sa mga kamay ng manyakis nitong stepfather. Mukhang inosente at mahiyain ang babae kaya nagulat siya nang ialay nito ang sarili sa kanya sa kanilang honeymoon.
     Kaso, kinailangan niyang iwan ang asawa upang ituloy ang buhay sa Maynila. Limang taon na ang nakalipas nang balikan niya ito upang sana ipa-annul na ang kanilang kasal. But when he saw her sunbathing in the beach, clad in two-piece red bikini revealing her smoking hot body, parang gusto niyang pag-isipan muli ang tungkol sa annulment….

Gabe Avelino
Edith Joaquin

     Minsan isang taon, naglalaan ng panahon ang NBI agent na si Gabe Avelino para sa sarili at nagte-trekking sa kung saan. But by a twist of fate, nakatagpo siya ng ‘trabaho’ sa Negros. Isang dalagang dineklarang ‘missing’ ng mga magulang at matagal nang inilapit sa ahensya, ang nakita niya. And for some strange reason, he felt an almost desperate wish for another chance na makita ito muli. Marahil naintriga siya sa mga narinig niya ukol dito… o baka na-attract siya sa kagandahan nito. Hindi pa niya sigurado kung alin doon ang tunay na dahilan.
     Pero sa isang bagay lang sigurado ang NBI agent: ayaw niya itong maging subject.

My Special Valentine Duets

Stranded With You
Dior Madrigal

     Bilang alagad ng Science, ayaw sanang maniwala ni Natalia Cantallan sa malas. Pero sa nangyaring pagpapasabog sa sinakyan niyang yate at pagkaka-stranded sa isang isla kasama ang lalaking walang ginawa kundi i-bully siya mula noong six years old siya, idagdag pang mukhang pang-aakit ang strategy nito ngayon, parang gusto na niyang maniwala na may magnet nga siya ng bad luck at negative energy….

Crashed Into You
Darlene Bollon

     Nauwi sa pagkaka-stranded sa gitna ng kagubatan sa Vietnam ang bakasyon sana ni Geri sa Bangkok matapos mag-crash ang sinasakyan niyang eroplano. And she would have to depend on a gorgeous pilot for survival… kasama na roon ang pag-amot ng body heat nito.

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!