Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Sentinels (Book 9): Beautiful Soul
Elise Estrella

     Parang joke lang ang assignment ni Apollo Marasigan. E-escort-an lang niya ang adopted daughter ng isang heneral. Kasabay niyon, magiging resource person din siya nito dahil romance writer ang dalaga at nagre-research para sa ginagawa nitong nobela. Ganoon lang; walang ka-thrill-thrill kung tutuusin.
     Inasahan na niyang magiging matanong si Quinn Cardenas, ang subject niya, pero hindi in-expect na mag-e-enjoy siyang sagutin ang mga tanong na iyon, kahit pa medyo personal na ang iba. Naging magkaibigan sila at unti-unti, na-realize niyang nanganganib na ang kaligtasan ng dog tag niya. Kahit alam niyang bawal ma-in love sa kanyang subject, iyon na yata ang nararamdaman niya.
     Ngunit dagling napawi ang tuwa niya nang ipagtapat ng babae kung sino talaga ito: cover lang nito ang pagiging writer at ginagamit siya nito para imbestigahan ang Sentinels Securities….

Sentinels (Book 10): Rebel Mine
Elise Estrella

     Unang kita pa lang ni Frederick James Trinidad kay Camilla Herrera, crush na niya ito. At nang una silang bigyan ng kani-kanilang dog tags bilang Sentinels, naisip na niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaso nahihiya siya. Oo, kung anong tapang niya kapag kaharap ang mga rebelde, siya namang torpe niya kay Cammie.
     Isang beses, naisip niyang wala siyang mararating kung hindi susubukan. Sinimulan niya sa pag-aya ritong mag-lunch. Sulit naman ang pagharap sa ‘takot’ niya dahil gusto rin pala siya ng dalaga.
     Ngunit nagsisimula pa lamang sila ay kailangan na ni Derick na sirain ang pagtitiwala nito—upang kuhanin naman ang tiwala ng isang rebeldeng heneral na kailangan nilang pabagsakin….

Heracles Marasigan
Edith Joaquin

     Mula noong high school sila hanggang college, parating binibiktima ni Ajie Marcelo ang essence ng mga pangarap niya—ang pagiging presidente ng klase hanggang pati ng student council, ang pagiging valedictorian, heck, pati ang pagiging commandant noong high school sa R.O.T.C.! Nang magtapos sila sa parehong kurso mula sa iisang universidad, magtatapos pa itong summa cum laude at magna cum laude honors lamang ang matatanggap niya. At hindi lang iyon, inindyan siya nito sa graduation ball nila kung kailan sana nagkalakas ng loob siyang ayain itong maging partner.
     Really, panira ng buhay ang Marcelo na iyon.
     So why in hell did he have this ridiculous crush on her for the longest time?

Taming Ishmael
Cynthia Cruz-Paz

     Four hundred thousand pesos. Iyon ang kabayarang tatanggapin ni Bernice Rosaforte kung magagawa niyang patinuin si Ishmael Montero. Apparently, heartache ang dahilan ng pagkakaganoon ng binata. Fortunately naman para sa dalaga, iyon ang expertise niya. Advocacy niya ang pagtutuwid sa buhay ng mga naliligaw ang landas, dahil na rin sa sarili niyang karanasan.
     Ang hindi bahagi ng expertise niya ay iyong ma-in love siya sa kanyang kliyente. Lalo pa at malabong maintindihan nito na trabaho lang iyon at hindi niya inintensyong personalin….

A Wish Of You
Carla Giopaolo

     May problema talaga si Katherine Atienza. Hindi na siya ‘in-crush’ lang sa kanyang boss, may nangyayari na rin sa hormones niya kapag katabi niya si Jeremy ‘His Royal Hotness’ Olivares. Sa katunayan, kahit sa simpleng hawak na wala naman malamang ibig sabihin ay pinanghihinaan siya ng tuhod. At nagsimula iyon noong halikan siya nito para itaboy ang ‘fans’ nitong nangungulit dito.
     Hindi niya alam kung nahahalata ni Rem na apektado siya ng presence nito. Nakakahiya siya kapag nagkataon.
     Todo na talaga ito!

If Only For One Night
Jacquelyn Sevilla

     Inakala ni Mirabelle na tapos na ang panahong infatuated siya sa kaibigang si Altair Morales. He was charming, romantic, and he had the deadly good looks to fool even the hardest skeptic.
     But that’s ancient history. Second year college palang siya noon. Ngayon, twenty-eight years old na siya at matagal na siyang immune sa charms nito. Isa pa, very specific ang gusto niya sa isang lalaki and none of the qualifications fit him.
     So bakit parang gusto niyang pagpawisan nang malapot nang makita itong sumasayaw nang sexy sa isang music video?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!