Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Fashionista Series (Book 1 of 4): Andrea
Lorry Virgo

     Halik ang ginawang pang-welcome ni Pierre sa kababatang si Andie nang muli niya itong makita matapos ang maraming taon. May utang itong kiss sa kanya noon at gusto lang niya itong gulatin kaya ginawa niya iyon.
     Hindi niya inasahan na mag-ba-backfire ang planoniya. Ngayon, sa halip na tingnan si Andie bilang childhood friend niya, mayroon na siyang ibang naiisip—mga kaisipang hindi dapat at may kahalong malisya….

Fashionista Series (Book 2 of 4): Bennet
Lorry Virgo

     Pareho ng trabaho sina Bennet at Dean: ang tulungan ang kinakapatid niyang si Nikki na magkaroon ng ‘attitude makeover’. Hiniling ng kanyang ninong na tulungan niya ang spoiled brat nitong anak, at si Dean naman ang counselor ng nakababatang babae.
     Dahil sa mga ‘trabaho’ nila, napadalas ang pagkikita nilang dalawa. At hindi man nila inaasahan, nauwi sa pag-iibigan ang relasyon nila at naging mas bearable para kay Bennet ang ginagawang pagtulong kay Nikki.
     Pero nasubok nang husto ang sinseridad nilang tulungan ang babae nang mismong si Dean ang hingin ng kinakapatid sa kanya….

Fashionista Series (Book 3 of 4): Sasha
Lorry Virgo

     “Don’t get married. I will be the one to marry you. I want you to be my wife and the mother of my children.”
     Iyon ang pangakong binitawan ni Vincent noon bago ito tumulak patungong Canada. Iyon din ang pangakong pinanghawakan ni Sasha sa loob ng mahabang panahon; ang dahilan kaya kahit naabot na niya ang mga pangarap, career-wise ay malungkot pa rin ang buhay niya.
     Pero muli lang nitong dinurog ang puso niya nang bumalik ito. May anak na pala si Vincent—meaning, nag-asawa na ito. In short, sinayang lang ni Sasha ang matagal na panahong hinintay niya ito. Sabihin man nitong mahal pa rin siya nito, ano pa ang silbi niyon ngayon?

Fashionista Series (Book 4 of 4): Gizelle
Lorry Virgo

     Hindi na kaya ni Gizelle ang magkunwari pa. “Just for the record, Bradley, I like you, too.”
     “I can hear a ‘but’ coming,” sagot nito.
     “I’m not into commitment,” matapat niyang sabi.
     His brows met. “Why? Hindi ba kayong mga babae ang madalas na nagpupursigi ng commitment sa isang relasyon?”
     Nagkibit siya ng balikat. “I guess I’m different.”
     Ilang sandali itong natahimik habang nakatitig sa kanya.
     “So, ano’ng gusto mong mangyari?”
     “Let’s have an open relationship.”
     Namilog ang mga mata ni Bradley. Hindi nito inasahan na ang tinagurian nitong ‘angel’ ay magsa-suggest ng ganoon….

Looking Through Your Eyes
Doreen Laroya

     “Alisin mo na sa isip mo na may gusto ako sa iyo. It will never happen. I can’t love you, Drew!” pilit ni Roni.
     “You’re a poor liar. Hindi mo lang maamin sa sarili mo na ako na ang mahal mo.”
     The words hit a bull’s-eye in her heart. Umigkas ang kanyang kamay at tumama iyon sa pisngi ni Drew. “Umalis ka na!” asik niya.
     “No! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo inaamin ang nararamdaman mo!” His eyes reflected desire and anger.
     “A-ano’ng gagawin mo?” kinabahang untag niya nang lumakad ito palapit.
     Sa halip na sumagot ay sinunggaban siya ni Drew; his lips crushed hers in a fevered kiss. At nangibabaw sa puso ni Roni ang mga emosyong pilit niyang itinatanggi….

Pahiram Ng Isang Gabi
Terri Dizon

     Shock at pagkamuhi ang sabay na naramdaman ni Bridget nang malaman niya ang gustong kapalit ni Damon Salveron sa pagtulong nito sa boyfriend niya: he wanted a night with her! Akala pa naman niya ay mabait ito, pero wala pala itong puso. Akala yata ng lalaki ay maaari siyang bilhin ng milyones nito. Lalo siyang nagngitngit nang pumayag ang desperado nang nobyo niya sa nais ni Damon.
     Upang gantihan ang kasintahan, pumayag siya sa usapang iyon. Gagamitin niya ang binatang Salveron para saktan ang katipan.
     Ngunit siya yata ang maiiwang luhaan matapos malamang unti-unting nahulog ang kanyang loob sa lalaking kinaiinisan niya noong una….

The Accidental Bride
Camryn Morrell

     It was the worst kind of torture. Inaalok si Ella ni Xavier Alejandro, ang lalaking minamahal niya mula pa sa pagkabata, ng kasal—pero sa papel lang.
     Pinag-isipan niya for the millionth time ang pros and cons ng magiging desisyon. Kung papayag siyang magpakasal dito, mabibigyan siya ng pagkakataong makasama ito nang matagal at baka mahulog ang loob nito sa kanya. Unfortunately, ang operative word sa sentence na iyon ay ‘baka’. Ngunit hindi maalis sa isip niya na iyon na ang tsansa niya para mapaibig ang binata.
     So she grabbed the opportunity. Di bale nang hindi pa ito madly in love sa kanya. Darating din sila sa puntong iyon….

Road To Your Heart
Raja Simon

     Dahil nanganganib ang buhay niya, minabuti ni Mia Samonte na lisanin ang mansion nila. Mula sa marangyang buhay na nakasanayan, nagpanggap siyang taxi driver.Isang insidente ang naglapit sa kanila ni Dale Villaraza at labag man sa kalooban nito, naging driver siya nito. Nag-aaway man madalas, hindi naiwasan ni Mia na ma-in love sa guwapong amo. Ganoon na lang ang gulat at tuwa niya nang malamang gusto rin pala siya nito.
     Pero paano na kapag nalaman nito ang kanyang sekreto?

Lovers In Laverna
Ally Falcon

     Bilang kabayaran umano sa utang niya, pinapuntasi Bianca sa Laverna para kuhanin ang anak ng kaibigang pinagkakautangan niya mula sa dating nobyo nito.
     Para magawa iyon, kailangan niyang magpanggap, magsinungaling at manloko. Hindi siya nahirapang kuhanin ang tiwala ni Elma, ang babaeng kumukupkop sa bata. Ngunit mukhang mahihirapan siya kay Tristan. Bukod sa natutunaw ang composure niya kapag nakikita ito, para ring nagagawa nitong basahin ang kanyang kaluluwa at lahat ng pangit niyang mga motibo….

A Night With A Princess
Luna Amparo

     Bilang prinsesa ng tribo ng Malayaan, nakakondisyon na ang isip at puso ni Maleha na darating ang pagkakataon sa buhay niya na iaalay siya para sa isang bisita. At nang makita niya si Daniel Sollano, ang doktor na nagpasyang tumulong sa mga katribo niya, magkahalong kaba at excitement ang pumuno sa puso ng dalaga. She was instantly attracted to him at alam niyang hindi magiging ganoon kahirap gawin ang responsibilidad na hinihingi sa kanya.
     Gayunpaman, masakit pa ring isipin para kay Maleha na may mangyayari sa kanila ng manggagamot dahil lamang sa tradisyong iyon at hindi dahil pareho silang may damdamin para sa isa’t isa….

A Stranger’s Love
Rebecca Rosal

     “Listen,” pilit na kumbinsi ni Ariana kay Lawrie, “kasalanan ito ng kapatid mo, so it’s either you surrender your brother to the law or marry me.”
     Magkasalubong ang mga kilay nito nang lumingon sa kanya. “Do you honestly want to marry me? Ni hindi mo ako kilala.” Huminga ito nang malalim. “If you can endure a lifetime of hell then so be it, pero ’wag na ’wag kang magrereklamo about my extra-marital affairs, my busy schedule and whatever terrible things I do.”
     Itinikom niya ang bibig. Tinatakot lang ba siya nito? Maaari nga bang mas masahol pa ito sa ex-boyfriend niya na iniwan niya sa altar?
     Well, maghihiwalay rin naman kaagad sila pagkatapos ng ilang buwan….

Led To You
Dior Madrigal

     “Let me make you an offer,” ani Richard, matapos ilahad ang kagustuhang magbigay siya ng collateral para sa inutang niyang pera mula sa kapatid nito. “Spend one week with me.”
     Nainsultong hinila ni Chantal ang brasong hawak nito.
     He smiled condescendingly. “You should be thankful, three million for one-week escapade with me? I was actually giving it easy, and it’s not like you’re not gonna enjoy it.”
     Isang marahas na sampal sana ang isasagot niya rito, pero nahawakan nito ang kamay niya.
     “There’s no need to play coy with me, Chantal. I like things in black and white. You need money? Fine. In turn, I want you to give me something I want. I want you in my bed, plain and simple.”

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!