Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine Desire Classics!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

You Are Everything To Me
Lena Del Mar

     For hundreds of years, nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Gallego ang angkan ni Rio. Isa lang siya sa mga masuwerteng Maningas na nakatakas sa Maynila, nakaahon sa hirap at naibangon ang sariling dangal. Ngayon ay kinailangan niyang bumalik sa lupang pinagmulan. But she swore to herself, sa kanya matatapos ang pagiging alipin ng angkan niya… until she met Diego—ang tanging tagapagmana ng mga Gallego. Despite the determination, she quickly fell under his spell, only to learn later on what a big mistake that was….

As Long As I Have You
Joanna Sandoval

     Bilang pagtanaw ng malaking utang-na-loob kay Greg na tumulong sa kanyang pag-angat sa buhay, nagsadya sa malayong probinsya si Paula in order to convince Greg’s prodigal son na magbalik sa Maynila. Mahusay siyang abogado pero wala siyang argumento na maipatapat sa katigasan ng ulo ni Bryan. Pero matigas din ang kanyang ulo at di lang iilan ang nagsabing napakaganda niya. Of one thing she was certain, she was not going to let Greg down. She was going take Bryan back to his father and she was going to use whatever necessary means to do that….

Huwag Mong Sukatin Ang Pag-ibig
Louise Villafuerte

     Napakataas ng pamantayan ni Neneth sa pagpili ng mapapangasawa. Sampung bagay ang hinahanap niya sa lalaki at ito ang ginagamit niyang sukatan sa pag-ibig. At ilan dito ay ang pagiging edukado, mayaman at makisig.
     Hanggang makilala niya si Carding—ordinaryong magbubukid, mahirap, mal-edukado, baduy, bastos at suplado pa. Sa sampung pamantayan ni Neneth, sa isa lang pumasa si Carding. Iyan ay sa pagiging guwapo lamang. Dagli nitong napatibok ang pihikan niyang puso.
     Pigilan man ang sarili ay hindi niya maawat ang umusbong na pag-ibig para kay Carding. Siya lang ang nahihirapan. Susuko na ba siya at aamining hindi maaaring sukatin ang pag-ibig?

Love Me Like The First Time
Anna Chavez

     “What is it that you want from me?” inis nang asik ni Katrina kay Raul.
     “Well, gusto ko lang naman sabihin sa iyo na kaya kitang patawarin sa ginawa mo sa akin seven years ago. Kaya walang dahilan para iwasan mo ’ko.”
     Ang kapal ng mukha nitong sabihin iyon gayong ito ang may kasalanan sa kanya. “Sinabi ko na sa iyong hindi kita iniiwasan. Nag-iingat lang ako,” sinabi na lang niya.
     “Nag-iingat saan?”
     ‘Sa iyo!’ muntik na niyang isinghal.
     Hindi na niya nais na mahulog na naman siya sa malalagkit na tingin at matatamis na salita ng binatang kanyang minahal noon. She did not want to give him another chance to break her heart again….

Passionate Encounter
Angeli Benjamin

     Pakiwari ni Carla ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang magpahayag sa kanya ng pag-ibig si Andrew Guevarra, ang doctor na kumupkop sa kanya matapos ang aksidenteng muntik na niyang ikinamatay. Hindi naging hadlang para rito ang katotohanang wala siyang memorya ng kanyang nakaraan. Sa ligaya ay para siyang lumulutang sa ulap hanggang isang araw nang parang pira-pirasong jigsaw puzzle na nagbalik sa kanya ang lahat.
     Nakasuot na sa kanyang daliri ang engagement ring nila ni Andrew. Pero ano ang karapatan niya sa isang sikat at respetadong doctor na gaya nito gayong natuklasan na niya ang kanyang madilim na nakaraan at batid niyang isa siyang mamamatay-tao?

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!