Posted on

New Series From My Special Valentine!

We are proud to introduce the much-anticipated My Special Valentine Desire Classics, a passionate revisit to My Special Valentine’s best-selling titles!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

A Night To Remember
Winter Paez

     She planned to lose her virginity in a one-night stand with a total stranger—iyon ang mapagmalaking pahayag ni Robyn sa kanyang mga kaibigan. Kaya nang minsang i-dare siya ng mga itong i-pick up ang isang guwapong estranghero, hindi siya nakaurong. And before she knew it, nangyari na nga ang kanyang plano. Di bale nang mukhang lalamunin siya nang buhay ni Marc nang pabale-walang sabihin niya ritong one-night stand lang ang namagitan sa kanila; no strings attached.
     Hindi na niya inaasahang makita muli ang lalaki until sa biggest break sa kanyang career as an interior designer ay makaharap niya ang kanilang pinakamalaking kliyente—na walang iba kundi si Marc.

Beloved Mistress
Connie Andres

     Nagsimula sa isang hamon kay Gregory ang pagpapaibig kay Allison—masyado raw itong mailap para mapaibig ng katulad niyang babaero. Pero sa huli, si Gregory ang nahulog sa sarili niyang bitag—at ngayon, natitiyak niya sa sariling mahal na mahal niya ang dalaga at handa niya itong pakasalan. Nasa bulsa ang singsing na ibibigay rito at tangan sa kamay ang isang bungkos ng roses, siya ang nasorpresa nang pagbukas niya ng pinto ng townhouse ay nahuli niya itong kahalikan ang matalik niyang kaibigan….

Fiancé For Rent
Linda Fernandez

     Hindi napigilan ni Alona ang biglang pagsikdo ng kanyang dibdib nang una niyang makilala ang binata. He was tall, dark and totally masculine. Sa tanang buhay niya ay noon lang siya nag-swoon sa isang lalaki. Lalo siyang nadismaya nang malamang ito si Brett Alejar, ang lalaking aalukin niyang maging nobyo. Tahasang inutusan siya ng kanyang ama na idispatsa na ang fiancé niya. Maghanap na lang daw siya ng tunay na lalaking dominante, matinik at mayaman. Si Brett sana ang balak niyang iharap sa ama para matahimik lang ito habang tuloy pa rin niyang pakakasalan ang kanyang fiancé. Ang problema, paano niya iiwasang mahulog sa sariling patibong?

Just Say You Love Me
Bambina de Jesus

     Eight years na nagtago sa Amerika si Carlos para patunayan sa ama na hindi niya kahit kailan tinanggap ang pagpapakasal nito kay Clara. Ngayong patay na ang kinasusuklamang babae, umuwi na siya para makipag-ayos sa ama. Gayon na lamang ang shock niya nang isalubong sa kanya ang balitang muli raw itong nag-asawa. At sa isang babae na mas bata pa sa kanya!
     Hindi matiyak ni Carlos kung sino sa kanila ng ama ang mas hibang—ito na nagpapakaloko sa isang kagaya ni Abigail na obvious namang kayamanan lang nila ang habol… o siya dahil umiibig siya sa asawa nito.

My Heart Belongs To You
Estrella Montenegro

     Napahumindig si Fatima nang makapa niyang may kasiping siya sa kama. Napamulagat siya sa nakita—lalaki! Katabi niya sa kama ang isang lalaki! Oo nga’t lasing siyang umuwi kagabi pero wala siyang natatandaang may nakita o nakilalang lalaki sa bridal shower na dinaluhan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili… at wala naman siyang nadamang kakaiba sa kanyang katawan. Upang masagot ang katanungang kumakatkat sa kanyang isip, inangat niya ang kumot sa ibabang parte ng katawan ng estranghero para silipin kung may suot ito. Noon ito nagising….

Prisoner Of Love
Janelle Gomez

     “Let me remind you, Mr. Jake Roxton, that the purpose of my being here right now is strictly business,” lakas-loob na sabi ni Claudia. “Isa pa, girlfriend ako ng kapatid mo kaya tigilan mo na ’yang pang-se-seduce mo dahil walang effect ’yan sa akin.” Matapang na nanghamon ang mga mata niya. Pero mukhang hindi niyon tinablan ang binata.
     “You’re not in love with Chase, Claudia,” tukoy nito sa kasintahan niya. “And don’t deny you want me…” Hinawakan nito ang baba niya while his other arm encircled her waist. “…as much as I want you,” bulong nito habang palapit ang nanunuksong labi sa kanya.
     It’s useless to deny it kapag ganitong angkin ng lalaki ang mga labi niya, pero hindi pa rin dapat hinahayaan ni Claudia na mangyari ito….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!