Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Song Of Love
Jessey Villagomez

     After over ten years of pursuing music, Lala gets caught up in trouble. Pinahihinto na siya ng mga magulang sa pagbabanda at inuutusan siyang pagyamanin ang negosyo ng kanilang pamilya.
     Decided to choose her music, minabuti niyang lumayas at makitira sa bahay ni Iago, ang lead guitarist ng kanilang banda. Yet again, another dilemma arises. She finds herself spellbound to the magic of his charisma.
     Okay na sana ang lahat, dahil inamin ng binata na mahal din siya nito. Ngunit nangyari ang isang malaking trahedya, at nalimutan ni Iago ang mga ipinangako sa kanya. Ang masakit pa, tuwing inilalapit niya ang sarili sa binata ay lalo itong lumalayo….

Her Indecent Proposal
Arianne Cole

     Infamous si Jasmine dahil sa tsismis na kumalat. Ayon sa mga gawa-gawang balita, pumapatol siya sa kahit kaninong lalaki na makapal ang bulsa. Sa mata ng mga hindi nakakakilala sa kanya, iyon siya.
     At hindi naiiba si Alex Montareal sa mga iyon. Kumbinsido ito na mistress siya ng sarili nitong ama. Matapos siyang insultuhin, pinagbawalan siya nito na lumapit pa sa matanda. Udyok ngpangangailangan, agad niya iyong sinang-ayunan… for a price.

Next To You
Aki Salcedo

     Anja wants to get married—and soon. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya bago pa siya mag-treinta. But from the way things are going, mamamatay pa yata siyang virgin. Ang saklap!
     Hindi nakatulong ang pagbabalik sa village nila ng kanyang kababatang si Ice Madrigal. Guwapo ito, mayaman, successful sa buhay. Ang payo pa ng isang kaibigan niya, kung talaga raw gusto niyang mag-asawa na, ang lalaki na lang umano ang i-seduce niya.
     As if marunong siyang mang-akit… At sa hitsura ng mokong na iyon, baka siya pa ang maakit, ano!

Third Chance To Love
Faith A. Teodoro

     Namatay dahil sa cancer ang unang nobya ni Cuatro. Iyong ikalawa naman, inindyan siya sa altar matapos ma-realize na ang kuya niya ang tunay nitong mahal. Matapos noon, wala na siyang interes sa pag-ibig.
     Matagal siyang nag-hibernate at kung saan-saang panig ng mundo nagtutungo para ‘hanapin ang sarili’. Hindi niya akalain na matatagpuan niya ang kanyang hinahanap sa mismong hotel ng sarili niyang tiyahin sa Sagada. His third chance at love came to his life disguised as a petite woman with sexy uncombed hair and seriously pissed at him.
     Ayos na sana, hanggang sa malaman niya ang relasyon ni Sunday sa Kuya Tres niya.
     Tsk, tsk… Mauulit pa yata ang sad history ng love life niya.

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!