Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Working Girls (Book 1 of 4) The Other Side Of Nina
Doreen Laroya

     Ayon sa pinsan ni Nina, repressed desire daw ang dahilan kaya madalas niyang mapanaginipan ang kanyang boss na si Collin Jacobs—at Rated R ang tema ng mga iyon. Hindi niya maaming attracted siya sa amo dahil kasama sa working contract niya ang clause na maaari siya nitong i-terminate basta-basta sakaling magpakita siya ng pagkagusto rito.
     So minabuti niyang i-express ang sarili sa ibang paraan. Dressed in a haltered top and miniskirt, nagpunta siya sa bar at hinayaan ang sariling maging moderna at liberated for the first time.
     Laking-gulat ni Nina nang makita sa bar si Collin. Hindi siya nito nakilala at sa matiim nitong tingin, natiyak niyang nahalina ito sa ‘other side’ niya….

Working Girls (Book 2 of 4) A Shot At Miranda
Doreen Laroya

    Sa dinami-rami ng taong matityempuhan ni Miranda, si Marlowe Agoncillo pa ang nagmamaneho ng kotseng hinarang at sinakyan niya upang makatakas sa masasamang-loob na humahabol sa kanya. They had a couple of embarrassing and unpleasant meetings before, pero heto at magkasama sila ngayong tinutugis ng isang drug syndicate. At kahit mistula silang aso’t pusa, hindi siya iniwan nito hanggang sa huli.
    Kaya paano ba namang hindi siya ma-i-in love dito? Hindi lang ito isang naging knight-in-shining-armor sa kanya, tinupad din nito ang ultimate dream niya bilang isang photographer—ang magkaroon ng isang no-holds-barred nude photography session. Ang maganda pa, si Marlowe mismo ang nagprisintang modelo….

Working Girls (Book 3 of 4) Adie’s Baby
Doreen Laroya

     Hindi akalain ni Adie na magbabago ang buhay niya sa isang iglap lamang. Nang atakehin sa puso ang kanyang ama, nagsimula ang paghihirap nila. Tuloy pati pagiging yaya ay pinatos niya dahil malaki ang pasahod ng kakilala ng tita niya. Gayon na lang ang gulat niya nang malamang hindi pala isang pasaway na bata ang aalagaan niya, kundi isang twenty-nine-year-old na binata na pagkaguwapu-guwapo.
     Hindi ito kumporme sa ginawa ng abuela na pag-hire kay Adie. Hindi nga naman nito kailangan ng yaya—o ‘espiya’ sa termino nito. Kung kaya desidido itong pahirapan siya at i-bully. She refused to be manipulated by him, though. Pero kung charms ang gagamitin ni Chase sa kanya, pihadong malaki ang magiging problema niya….

Working Girls (Book 4 of 4) Franchesca’s Dilemma
Doreen Laroya

     “Sa ’yo na ang buong islang ito. Sabihin mo lang ang lahat ng gusto kong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo!”
     “N-nasabi ko na noon ang lahat ng nakita ko. Kahit ano pa ang
ipansuhol mo sa akin, wala na akong idadagdag pa!”
     Nagtagis ang mga bagang ni Drake. Umalpas ang galit na tinitimpi niya. Kung hindi makukuha si Chesca sa magandang pag-uusap, may isa pa siyang alas na hawak.
     Ibinalya niya ito sa dingding, inipit ng sariling katawan upang hindi ito makakilos. He pulled her against him and let her feel his reaction to her. Nanlaki ang mga mata ni Chesca sa pinaghalong gulat at takot.
     At mukhang alam na niya kung paano paamuin ang dalaga….

Unchanging Love
Dorothy Kim

     Kung si Samantha Alonzo lang ang masusunod, wala na siyang balak bumalik pa sa kanilang hacienda sa Ilocos. Nagawa na niyang mamuhay independently sa loob ng pitong taon at hindi na rin niya nais na makita pa uli ang mga taong nanakit sa kanya seven years ago.
     Pero desidido si Duke Allegro na ibalik siya sa poder ng kanyang ama at ipaalala sa kanya ang mga bagay na ilang taon niyang pinagsikapang kalimutan—including her unchanging love for him….

I Love You Anyway
Marion Grace

     Ruth is on her way to the top of her career. Organisado ang buhay niya at wala na siyang pakialam sa anumang walang kinalaman sa kanya. Tanggap na rin niyang tatanda siyang dalaga.
     May isa lang panggulo—si Knight Hontiveros. Wala itong trabaho at mukhang nakawalang wild animal dahil sa hitsura nitong pulos bigote at balbas. Ngunit malayo naman sa pagiging wild animal ang ugali nito; he is actually sweet and very nice—not to mention he also possesses the hottest body on the planet. Natuliro pati bangs niya lalo na nang magtapat itong crush siya nito mula noong mga bata pa sila.
     Pero para sa isang career-driven na taong tulad niya, mahirap tanggapin sa pride na mahalin ang isang binatang wala yatang magandang kinabukasan….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!