Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Sentinels ( Book 7 ) Midnight Sun
Elise Estrella

     “I hate being helpless,” sabi ni Kate bago pa napigilan ang sarili. Nahihiya man siya, na-appreciate niya ang tulong ni Gage sa kanya. Kita rin niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.
     At naisip niya, may kidnapper, mamamatay-tao, o kontrabida bang magpapakita ng concern sa biktima nito?
     Sa pagkakaalam ng dalaga, kung normal ang isang tao at walang Stockholm Syndrome, hindi dapat matuwa ang isang hostage sa kanyang hostage-taker.
     Puwera na lamang siguro kung ang kagaya ng sa sitwasyon niya ngayon ang kalagayan ng hostage….

Sentinels ( Book 8 ) Uncharted Heart
Elise Estrella

    Hindi alam ni Baste kung ano ang mararamdaman nang unang makita sa personal si Capt. Bettina Santander. Para itong masungit na old maid teacher mula sa ayos nito hanggang sa tila iced water na nananalaytay sa dugo nito. Kahit ganoon, hindi niya maalis sa sarili ang maging protective sa dalaga. He cares for her at kung pagbabasehan ang napapadalas na niyang pagtitig dito, mukhang attracted na rin siya rito physically.
    Pero hanggang doon lang siguro iyon. Uncharted area ang puso niya pagdating sa pag-ibig.
    Isa pa, malalagot siya kay Boss Mac kapag nalamang isa nilang kliyente ang ‘nilalandi’ niya….

Kung Ikaw Ay Isang Panaginip
Charisse Pamela

     Ang hanap ni Carlo sa isang babae ay iyong tipong kayang palaputin ang dugo niya at palundagin ang kanyang puso sa isang tingin pa lamang. Kaso sa panaginip niya nakilala ang dalagang nagbigay ng ganoong epekto sa kanya—at malamang, hanggang doon na lang iyon.
     Kaya parang gusto niyang magpamisa araw-araw nang makilala niya si Princess. Ito mismo ang babaeng maraming beses niyang pinakasalan sa panaginip niya. He promised himself she will be his—kahit kumontra pa ang nanay niya at ang buong pamilya ng dalaga….

Project: Archangel
Vivi Hernandez

     “Let’s make a deal. Let us try to fall in love again.”
     Naramdaman ni Gabriel na umikot nang matulin ang kanyang kapaligiran. “What!”
     “People tell me it’s about time I open doors to other men. Tumanggap na raw ako ng mga manliligaw; to go on dates. Gagawin ko iyon kung gagawin mo rin,” anang dalaga na may bahid ng paghahamon ang tinig.
     “A-ano’ng gagawin ko?”
     “Eh, di manligaw ka! Find a woman who’s nice, beautiful, smart—whatever is your taste. Ligawan mo.”
     He sighed deeply. At saka siya kabadong nagsabi, “Okay. Then, go out with me.”
     Kakatwang panoorin ang pagkagulat na puminta sa mukha ni Patrice, but it is understandable. Ano nga ba ang malay ng babae na minahal na niya ito noon pa man?

Reaching You
Dior Madrigal

     “Pakakasalan mo lang ba ako dahil sa lineage ko? Dahil mayaman ako? Dahil sa apelyido ko?”
     Tinitigan siya ni Xander. “I’m not gonna lie to you, Kara. Yes, pakakasalan kita dahil mahalaga sa ’kin ang lahat ng iyon.”
     Hindi niya napigilan ang nanginginig na tawa. “God, you’re so brutally honest.”
     “Mas gugustuhin mo bang magsinungaling ako?”
     Muli niyang kinagat ang nanginginig na labi. Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib habang nakatitig sa mukha ng kaharap.
     She really wanted to stay. Gusto niya talagang manatili sa tabi nito. Gusto niyang maniwala na balang araw makikita rin siya ni Xander nang higit sa perpektong asawa na may perpektong pangalan at pamilya….

Simply Irresistible
Jade Anne Franco

     Matagal nang alam ni Rafael—dahil na rin sa karanasan niya—na peligro lang ang dulot sa kanyang mga babae. Pero ang panganib na dulot ni Claire sa kanya ay kakaiba. She is a combination of an innocent and a tease, and she is killing every bit of sanity within him. Ang mas nakakainis pa, hindi niya magawang lumayo sa dalaga kahit pa gusto niya. Tuloy, isa na lang ang natitirang option niya: scratch his itch for this girl and get this over with.
     It is a two-way win. He will get her… and get his revenge, too.

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!