Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Haring Walang Reyna
Sheryl Mouri

     Matapos ang mapait na kinatapusan ng huling pakikipagrelasyon ni Jasmine, ang mga lalaking tatlong M na ang pinakaiiwasan niya: Mapusok, Manloloko, Manggagamit. At hindi man niya gaanong kilala ang kanyang boss-slash-landlord na si Bret Gamboa, nahuhulaan na niyang pasok sa kategoryang iyon ang binata. Ang dami kasi nitong babae!
     Hindi naman niya siguro kailangang problemahin ito dahil ang planta lang ng kompanya nito ang intindihin niya. Ngunit nang araw-araw na siya nitong pinadadalhan ng bulaklak, nag-panic na siya.
     Aba’t, balak pa yata siyang isali ng walanghiya sa mga babae nito!

Honeymoon Blues (Book 1 of 3): Secrets And Red Bliss
Yumi Sagara

    “Lasing lang tayo kagabi, Linus!” giit ni Maeve. “Hindi tayo dapat nagpakasal!”
    “Hey, let me just remind you, ikaw ang nagsabing gusto mong makasal muna kagabi.”
    “I didn’t ask you to marry me. Ikaw ang nagyayang pakasal sa akin!” Hindi pa rin nito ibinababa ang boses.
    “Pumayag ka naman!” nanggagalaiting sigaw niya pabalik.
    “We need to annul this marriage at once,” sabi nito. “We can’t just stay married!”
    Ngumiti si Linus nang nakakaloko. “Why not? We’re compatible, I think. Sexually.”
    Pinamulahan ng mukha ang babae. And that alone was enough to turn him on big time. Shit. Kailangan niyang ikadena ang mga lintek niyang hormones. Nang dahil sa mga iyon, nasa magulong sitwasyon sila ngayon ni Maeve….

Honeymoon Blues (Book 2 of 3): Kisses And Yellow Roses
Yumi Sagara

     Nagsimula ang lahat sa ilog. Muntik nang nalunod doon si Jedi minsan kung hindi siya sinaklolohan ni Iwa. At noon nagsimula ang kalbaryo ng lalaki. Paano, lagi na lang siyang hinihingan ng mga pabor ni Iwa para ‘bayad-atraso’ daw.
     Pero ngayon, sobra-sobra na yata ang hinihinging pabor ng dalaga. Gusto raw siyang maging asawa nito for one year para makuha ang mana mula sa namayapa nitong lolo. Gaya noong dati, pumayag siya para tuluyan nang makabayad sa ginawa ni Iwa na pagliligtas sa buhay niya noon.
     Pero nawala sa isip ni Jedi ang tungkol sa pagbabayad ng utang-na-loob nang mapansin niyang maganda rin pala ang kaibigan niya at sexy. Saka parang masarap halikan nang paulit-ulit ang mga labi nito….

Honeymoon Blues (Book 3 of 3): White Lies And Promises
Yumi Sagara

     Perfect choice si Savannah Arcilla para sa mga plano ni River. Kagaya ng kanyang mga pinsan, kondisyon din bago niya makuha ang mana mula sa abuelo na manatili siyang kasal sa loob ng isang taon. Pero tinanggihan ng kanyang nobya ang marriage proposal niya kaya nawalan siya ng future bride.
     Kailangang-kailangan naman ni Ava ng pera para sa inang may-sakit. Hindi ito mukhang abusado o oportunista; sigurado ring hindi siya nito aakitin so walang problema kahit magsama sila sa iisang bubong.
     Kaso siya yata ang hindi makakatiis na hindi ito i-seduce. Sa kabila kasi ng simpleng ayos at pananamit ni Ava, na-realize ni River na isang silent temptress ang asawa. Her subtlest movement is enough to blow his mind away….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!