Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Love And Marriage
Sasha Suarez

     “There’s only one thing in my mind right now…” mahinang sabi ni Ryan habang ibinababa ang mukha sa kanya.
     Angela, this is not right! paalala ng kanyang isip.
     Pero ano ba ang hindi tama? All was perfect in the situation. The stars, the moon, the breeze of the midnight air, the sound of the ocean and the magical moment. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na ito na makita siya ni Ryan bilang isang babae at hindi bilang isang nakababatang kapatid.
     Bumaba ang mukha nito at nagsalo sila sa isang mainit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. It felt so right to be in his arms. To be kissed by him… parang iyong isang panaginip na nagkatotoo.
     Nang gabing iyon, she freely let the passion consumed them both. Little did she know that this would make their lives a lot complicated….

Master Of My Heart
Mara Alegria

    Dahil sa isang mayabang na Aldrich Bryan Villanueva na napahiya umano niya, nagbago bigla ang buhay ni Thea. Kung dati ay finances lang ang problema niya at prente na siyang ga-graduate na summa cum laude pa, ngayon wala na nga siyang part-time job, mukhang nanganganib na ring mawala ang scholarship niya at mapalayas sa tinitirhang boarding house. Ang siste pa, kailangan niyang maging sunud-sunuran sa aroganteng blackmailer para maka-graduate nang maluwalhati.
    Akalain ba ni Thea, kamukat-mukat niya, nagising na lang siya isang umaga na in love na siya sa master-masteran niya!

What About Now?
Audrey Torres

     “I love you,” amin ni Lennox sa kanya, “and I know that you love me, too. Don’t punish us this way. I am here to make up for the lost time,” masuyong pakiusap nito. “Give me a chance.”
     “Anong chance ang ibibigay ko sa iyo?” ani Morgan na may mapait na ngiti sa mga labi. “At bago ka humingi ng chance, bakit hindi mo muna isipin kung bakit hindi kita puwedeng bigyan ng chance?”
     “Ano’ng nagawa kong masama?” naguguluhan nitong untag.
     For the past years, dala ni Morgan ang hinanakit at insecurity dulot ng pagkakasira ng kanyang mukha. Ang mas nakakainis, hindi naalis sa puso niya ang pagmamahal para sa binatang siyang may kasalanan kaya siya nagkaroon niyon….

My Grumpy Abcd
Larei Samaniego

     Abcd loved his father. Ina loved her wealth. Napilitan silang magpakasal dahil sa mga kamay nila nakasalalay ang mga pinakamamahal nila.
     “You’re fat and you’re noisy. Sino’ng magkakagusto sa iyo?” anang lalaki sa kanya.
     “You’re grumpy and you’re arrogant. Sino’ng gugustuhing magpakasal sa iyo?” ganti niya.
     A wicked smile curved his lips. “You just did, didn’t you?”
     Kung hindi lang talaga labag sa doktrina niya, tinigpas na niya ang ulo ng kumag na ito. She knew she could handle him—kung hindi lang nakialam ang pasaway na puso niya….

Forever In My Heart
Charlotte Dianco

     Iba ang nai-imagine ni Wani na hitsura ng kapitbahay niyang si Meg fourteen years matapos ang huli nilang pagkikita, pero napakalayo niyon sa dalagang nakaharap niya. Paanong nangyaring ang batang napakakulit at pinakaiiwasan niya noon ay isa nang pagkaganda-gandang babae ngayon? Malakas pa sa bagyong signal number three ang dating nito sa kanya.
     Lihim siyang nagdasal na sana ay nakalimutan na nito ang mga kasalanan niya rito noon. Pinagbigyan naman siya ng kapalaran, kaya lang, hindi siya makapaniwala na ni hindi siya maalala ni Meg at all. At kung dati ay solong-solo niya ang atensyon nito, ngayon ay kailangan pa niya yatang magpa-set ng schedule para maka-date ang dalaga.
     Ang dami na niyang karibal ngayon at parang ang labo-labo na ng tsansa na magustuhan siya nitong muli. At gusto na nga niyang mainis. Bakit ba kasi lumaki pa ito?

Love Affair In Laverna
Ally Falcon

     Cherish was very much attracted to Dagonet as he was to her. Kaya lang, hindi sila puwede. Una, dayo lang naman siya sa lugar na iyon ng Laverna. Pangalawa, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang paghahanap sa kanyang ina. At pangatlo, may nobyo na siya. Bagaman natuklasan niya ang kataksilan ng huli, hindi pa sila pormal na break kaya hindi pa niya maaaring hayaan ang sariling tuluyang mahulog ang loob kay Dagonet.
     Huli na ang lahat nang matuklasan niya kung gaano kalaki ang pagmamahal na tinatanggihan niya….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!