Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Elements (Book 1 of 4) Fire Of Deception
Carla Giopaolo

     Extended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress ng ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niyang pagtitig sa mga mata ni Kane dela Cuesta dahil nang sandaling gawin niya iyon, she was lost.
     May bahagi ng pangyayaring alam niyang hindi na niya kailangang gawin at lagpas na sa tawag ng kanyang tungkulin. Ginagawa na lamang niya iyon because she couldn’t help herself. Imbis na pigilan ang sarili ay itinaas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki.
     “Sino ka?” bulong nito. “And what are you doing to me?”
     His voice was like warm aphrodisiac to her already muddled senses. At hindi na niya sigurado kung siya ba ang nangse-seduce o siya ang na-seduce….

Elements (Book 2 of 4) Rain Of Passion
Carla Giopaolo

    Isang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon.
    Nagkaroon siya muli ng pag-asa matapos siyang i-hire ng ELEMENTS at maging si Agent Rain. Still, she never stopped loving and missing Jordan.
    Hindi niya inasahan ang muli nilang pagkikita. She was working as an IT specialist at si Jordan mismo ang kliyente niya. Galit na galit siya nang itanggi ng lalaki na kilala siya nito. Hanggang sa ma-realize niyang hindi ito umaarte lamang; hindi talaga siya nito maalala.
    Then fear sets in. Kung malalaman ni Jordan ang totoo, hindi pa rin siya nakasisiguro kung siya ang pipiliin nito o ang bago nitong asawa….

Elements (Book 3 of 4) Tempting Earth
Carla Giopaolo

     Long before naging si Agent Earth ng ELEMENTS si Aira, patay na patay na siya kay Jim Alvarez. Noong high school, parati niyang iniisip na kung papansinin lang siya nito, magiging okay na ang lahat sa buhay niya. Pero hindi nangyari iyon dahil pangit siya noon at maraming babaeng nagkakagusto sa classmate niya. Nang bumalik siya sa Pilipinas na may mas magandang mukha at lalong magandang pananaw, hindi pa rin niya naiaalis ang ilusyon niyang iyon kay Jim. Kaya nang sa wakas ay pansinin siya nito at kausapin, bumalik yata uli siya sa teenager na in love na in love dito. She gave in to her feelings and spent an unforgettable night with him.
     Pero pagkagising niya sa umaga, sumambulat sa kanya ang totoo. Matagal niyang kinumbinsi ang sarili na ibang tao na siya. But it took just one night with Jim for her to feel butt ugly again….

Elements (Book 4 of 4) Taming Wind
Carla Giopaolo

     Klaro ang instructions ng boss niya kay Camille. Kalilimutan muna nilang sila si Adam na may-ari ng ELEMENTS at siya si Agent Wind, aakto silang mga simpleng tao, i-explore ang attraction nila sa isa’t isa at pagkatapos ng tatlong araw, babalik sila sa normal na kalakaran sa trabaho at kalilimutan ang pangyayaring iyon.
     Sa lahat ng mga bagay na hiniling ng boss na gawin niya, iyon siguro ay isa sa pinakamahihirap. Sa kabila niyon, kahit natural pang pasaway ang dalaga, willing siyang sumunod sa rules this time. Unang-una na, wala namang choice si Camille. Kahit ano pa ang mangyari, nunca na pipiliin siya ni Adam kaysa sa pinakamamahal nitong kompanya.
     She would forget. She really should.

Together Forever
Dior Madrigal

     “What the hell do you think are you doing?” untag ni Jarred nang maabutan siyang nag-eempake.
     Iniwas ni Katherine ang tingin dito. “Isn’t it obvious? I’m moving, lilipat na ’ko ng bahay. Di ba ito ang gusto mo? Ang tigilan na kita? I’m doing it now.”
     “Ang sabi ko lang, hindi tayo p’wedeng magkaroon ng relasyon na gusto mo. Kahit kailan hindi ko sinabing umalis ka sa buhay ko!”
     Marahas niya itong itinulak nang yugyugin nito ang mga balikat niya. “Well, that’s the same to me! I’m serious; I really don’t need you now—”
     “Really?” asik nitong nagngangalit ang mga ngipin. “Then, I’ll make you need me.” Bago pa siya makapagsalita, hinila na siya ni Jarred sa batok at marahas na siniil ng halik….

It’s Just Goodbye
Terri Dizon

     Hindi makapaniwala si Alex nang makaharap ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Isang beses pa lang silang nagkita, they never even had the chance to have a conversation. Ni hindi niya alam ang pangalan nito. Pero nang matulog ito sa balikat niya sa loob ng ilang oras na biyahe, hindi na ito nawala sa isip niya.
     He swore to himself he will ask her to marry him the moment they meet again. Ngunit hindi niya inasahan ang sitwasyon nang magkrus muli ang mga landas nila.
     She is getting married—and to his best friend.

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!