Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Business And Pleasure
Dream Giban

     “Can’t sleep?” narinig niyang untag ni Andrew. “Hindi din ako makatulog.”
     “B-bakit?” tanong ni Meg.
     “It’s hard to think of sleeping when there’s a beautiful woman lying on the bed just above me. Normally, I should be there with you instead of lying here on the cold, hard floor—alone and lonely, badly in need of a warm body next to me.” Nanghihibo ang tono nito at nasapo niya ang dibdib.
     Pekeng relasyon lang ang inalok ni Andrew sa kanya at hindi parte ng usapan na may physical intimacies na mangyayari sa kanila kapag ikinasal sila. Malamang pa nga, hiwalay sila ng tulugan kapag nangyari iyon.
     Kaya kung mamalasin siya, ngayon lang ang pagkakataong mabistahan niya ang ‘hubad na katotohanan’ nito. Dapat samantalahin na niya dahil kung mabibigo siyang mapaibig si Andrew, imposibleng bigyan pa siya ng isa pang pagkakataong tulad nito….

Fallen Angel
Joan Mariano

    “I’ve been dreaming of this since we met,” anang estrangherang tinulungan ni Bren, bago ito unti-unting lumapit sa kanya.
    Nais sana niyang kuwestiyunin ang sinabi ng dalaga dahil ni hindi nga niya alam ang pangalan nito; technically, hindi pa sila nagkakakilala.
    Ngunit hindi niya kayang tanggihan ang mga labing iyon na inaalay sa kanya. He gave in body and soul… and was ecstatic when he learned he was her first. Nanlumo siya nang kinabukasan ay hindi na niya ito naabutan sa silid niya. Gusto niya itong makita muli at makilala nang husto.
    Pero laking dismaya ni Bren nang makita muli ang dalaga. Eurie happened to be his brother’s girl at napagkamalan lang siya nito bilang ang nobyo nito na kamukha niya, kaya ibinigay sa kanya ang sarili….

His Flame Lily
Jessica Gayle

     “Saan ka pupunta, Sab?” seryosong tanong ni Sloan.
     “K-kailangan kong umalis dito.” Puno ng takot ang puso niya.
     “Give me one good reason para payagan kitang umalis nang dis-oras ng gabi to God knows where.”
     She shivered despite the humid night air. “I’m being hunted, Sloan. And for all I know, ang kliyente mo pala ang taong mismong tinatakasan ko.”
     “That may be true but I promise to help you.” The private investigator’s eyes turned suddenly gentle.
     “Paano mo ako matutulungan, Sloan, kung ikaw mismo ay hindi ko magawang pagkatiwalaan?”
     Matalim ang mga salita niya pero totoo. Kahit gustung-gusto na niyang maniwala sa lalaki ay hindi niya magawa.
     Pero iba naman ang dinidikta ng katawan at puso niya….

Deep And Burning Love
Charita Gil

     Hindi alam ni Marciana kung ano mismo ang motibo ni Marco Aurelio el mas Regio sa pag-aalok ng kasal sa kanya, pero tatlo ang naiisip niyang dahilan: Una, siguro balak nitong gumanti sa kanya dahil pinahiya niya ang best friend nito noong hindi niya sinipot ang dating nobyo sa dapat ay kasal nila. Pangalawa, nahuli kasi sila ng kanyang ina sa hindi magandang tagpo at kahit wala naman talagang nangyari sa kanila, he must be feeling noble kaya nag-propose. At pangatlo, he must have noticed the burning chemistry between them and he did not want it to end just yet.
     Nagsimula siyang umasa na iyong huli ang totoo. Iyon lang din kasi ang nakikita niyang rason kung bakit niya tinanggap ang proposal nito….

Wild Act
Shahani Siblawan

     Si Dustin ay tila katulad ng mga prinsipeng nababasa lamang ni Miranda sa mga aklat ng kanyang Tito Mario: matangkad, masarap pagmasdan, parang hindi totoo, lahat perpekto. Ang mga mata nito ay tila nangungusap. At ang mga labi nito, parang ang sarap hawakan. Habang tinititigan niya ito, gusto niyang haplusin ang kabuuan nito. Maging ang boses nito, tumatagos sa kanyang kaluluwa, ang ganda sa pandinig.
     Nayakap niya ang sarili. At malungkot na napapikit.
     Hanggang doon na lang iyon. Hindi na siya mapapalapit dito kailanman. Dahil bukas, kailangan na nitong lisanin ang lugar na iyon na malamang ay habambuhay naman niyang magiging kulungan….

The Warrior Of My Heart
Carmen Miraflor

     “Vi…” Hinawakan ni Lawrence ang baba niya. “Wala akong pakialam kung anuman ang mangyari sa ’kin matiyak ko lang na ligtas ka,” halos pabulong na saad nito.
     “Pero hindi mo naman kailangang gawin ’to para sa ’kin. Ni hindi mo ’ko kilala. Hindi ko na nga alam kung paano ako makakaganti sa ’yo.”
     His thumb caressed the softness of her lips. Napapikit siya. Parang may kuryenteng hatid ang dampi ng balat nito sa kanya. Itinaas niya ang kamay para idiin ang palad nito sa pisngi niya.
     Inaasahan niyang hahalikan siya nito, pero biglang natigilan ang lalaki. Hindi sa mga mata niya nakatuon ang pansin nito kundi sa engagement ring na nasa daliri niya. It was a cold reminder of why she should not let herself fall for him….

In Search Of True Love
Cynthia Cruz-Paz

     He never realized how sweet someone’s lips could be until that moment while he was kissing Celine. Ngayon lamang siya nakatikim ng ganoong halik. It was as if he couldn’t get enough of it. Nang sa wakas ay matapos ang halik ay habol nila ang kanilang hininga. Idinikit niya ang noo niya sa dalaga.
     Nakapikit pa si Celine nang idilat ni Marco ang mga mata. Na-realize niya nang sandaling iyon, nais niyang makasama pa ang babae.
     But could he trust himself? Could he trust this woman? Should he continue with this insanity? Naipilig niya ang kanyang ulo.
     It couldn’t be love. Dapat alalahanin niya ang mga kabiguang idinulot ng pag-ibig sa pamilya.
     Dapat na siyang lumayo habang maaga pa….

Reel Love
Camryn Morrell

     Si Grace Hernandez ang klase ng babae na nililigawan nang matagal at pinapakasalan. Siya naman, si Dave Silverio ay ni hindi marunong manligaw. She deserved someone normal. Isang lalaki na may ordinaryong trabaho sa isang opisina o sa kung saan; iyong simple lang. At malayo sa deskripsyong iyon ang buhay niya bilang isang sikat na matinee idol. Kaya kahit baligtarin pa niya ang mundo, hindi magiging siya ang lalaking iyon.
     Pero si Grace ang gumaganap sa role ng girlfriend niya sa harap ng publiko. At mas nahihirapan na yata si Dave dahil masyado siyang nadadala sa play-acting nila, na ayaw na niyang isipin kung ano ang tunay na sila kapag wala nang camera na nakasunod sa kanila….

A Love To Last
Jean Mae Oryza

     Kumbaga sa tinapay, pandesal lang si Alette; masyadong common. Kaya hindi kataka-taka na ang mala-diyosa niyang best friend ang nagustuhan ni River Domingo at hindi siya. Dahil alam niyang rejection lang ang makukuha niya, minabuti niyang isaksak sa isip ang kayabangan ng binata para hindi tuluyang mahulog ang loob niya rito. Numero uno siyang kontra rito para sa kaibigan niya.
     Pero dahil sa trabaho niya, kailangan niyang lumapit sa binata at hingan ito ng pabor. Para pumayag si River, nag-alok pa siya na ilalakad ito sa best friend niya.
     Lumaki ang problema niya nang mangyari ang noon pa niya kinatatakutan—ang tuluyang ma-in love siya sa lalaking ang tanging babaeng nakikita ay ang kaibigan niya….

Summer Solstice
Ella Gualvez

     Gusto ni Patrick na pumikit muli para sagipin ang kanyang retina nang mamulatan niya ang babaeng tila kabuuan yata ng pinakamasamang bangungot ng bawat fashion guru and makeup artist. At ang suot nito? Susme, puwede na itong gumanap bilang older sister ng multo sa pelikulang Sukob.
     “Thank you for waking up,” sabi nito. “I’m Lara Jimenez and in case you haven’t noticed, I kidnapped you.”
     Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang mga pangyayari. May mga goons ngang dumakip sa kanya kagabi bago siya nawalan ng malay.
     “Sorry if we scared you, but I want to ask you to date me for one month starting tomorrow night.”
     He stared at her in utter shock. Ganoon ba siya kaguwapo at ganito ang epekto niya sa babae?

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!