Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

X My Heart (Book 1 of 4): Kenneth
Edith Joaquin

     Sa kabila ng pag-ayaw niya noong una sa sinumang man in uniform, hindi napigilan ni Veda Enriquez na umibig kay Kenneth Xenaki. Alam niya kung ano ang maghihintay sa kanya—ang pag-aalala at takot—pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya pakasalan ang minamahal. She has promised to be with him, no matter what.
     Pero isang aksidente ang magbabago ng lahat sa pagitan nila at kahit determinado si Veda na pangatawanan ang pangako niyang manatili sa tabi ng mister no matter what, mukhang si Kenneth naman ang gusto nang sumuko….

X My Heart (Book 2 of 4): Armand
Edith Joaquin

    Ang sabi ng matriarka ng mga Xenaki kay Armand, “Ayus-ayusin mo ang disposisyon mo sa mga babae. Kapag ikaw ay nakahanap ng katapat, luluha ka ng asin! At ’wag kang tatakbo sa akin para humingi ng tulong.”
    Lihim na sinisibangutan na lang niya ito. Hindi siya haliparot, okay? Mahal niya lang masyado ang pagiging sundalo. Pinaghirapan niya ang puwesto niya sa Scout Rangers, ipagpapalit ba niya iyon para lang sa isang babae?
    Subalit tama yata ang mommy niya. Dahil noong makilala niya si Jade Jardin, naiisip niyang gawin ang isa sa dalawang bagay na talaga namang ikadudurog ng puso niya—iyong magbitiw sa tungkulin bilang sundalo, o ang dalaga ang isuko para hindi ito kailanman madamay sa masalimuot na mundo ng isang unipormadong tulad niya….

X My Heart (Book 3 of 4): Fernando
Edith Joaquin

     He is a man of few words. Iyon ang reputasyon ni Fernando mula pa noong kadete siya sa PMA. Hindi lang iyon, ni minsan ay hindi rin siya nakipag-girlfriend. Pero hindi ibig sabihin ay suplado siya o kaya ay may itinatagong sekreto. Dahil kung bakla siya, bakit nang sandaling nasilayan at nakilala niya ang isang Nadine Ramos ay wala na siyang inasam kundi ang maging bahagi ng buhay nito?
     Siya itong sniper pero mukhang na-bull’s-eye siya ni Kupido.
     Mabuti na lang, tinamaan din nito ang puso ng dalaga. At tulad ng pagkakaalam niya sa pag-iibigan ng mga magulang, tama nga na parang may koro ng mga anghel na kumakanta ng Nessun Dorma habang buong pagmamahal siyang nakikipagtitigan sa babaeng laman ng puso at isip niya.
     Pero hanggang saan at hanggang kailan sila pasasayahin ng pagmamahalang iyon? Lalo pa at naroon sila sa isang lugar na tila isinumpa nang maging lupain ng giyera at kahirapan….

X My Heart (Book 4 of 4): Brent
Edith Joaquin

     May ranggo man na sa Army si Brent, duwag pa rin yata siya. Kung ano ang tapang niya sa pagsugod sa mga terorista, siya namang bahag ng buntot niya kapag si Tabitha Caraig na ang pinag-uusapan. Kahit minsan hindi siya natakot manligaw. Correction, hindi niya kinailangang manligaw buong buhay niya dahil madalas na siya ang nilalapitan ng mga babae.
     Pero pagdating kay Beth?
     Hindi na siguro talaga siya mapapansin nito. Unang-una, mas bata siya sa dalaga. Pangalawa, masyado itong seryoso sa pagiging fighter pilot. At pangatlo, ano ba naman ang panama niya sa ‘kaibigan’ nitong si Edward Cabrera?

Kiss Me In My Sleep
Precy Dizon-Kohl

     “Don’t use another man again to make me jealous.”
     Nabiglang humarap si Lauren sa lalaki. “Y-you are jealous?”
     “Of course!”
     Dumagundong yata ang puso. She did not expect him to be so direct. “But why?”
     “This is the reason why.” Hinila siya ni Carlo at hinagkan nang mariin sa labi. She was not prepared for the attack on her senses. Kumapit siya sa lalaki nang mahigpit at magpatianod sa sensasyon.
     She lost all concept of time. Ang tanging alam niya ay pamilyar ang halik nito, na tila ginawa na nila ito noon pa. There was a sense of coming home. At isa iyong napakalaking misteryo; dahil paanong nagkaganoon gayong ilang araw pa lang silang magkakilala….

You Belong To Me
Alesia Marquez

     “Getting married to you is the biggest mistake I’ve done in my whole life,” ngitngit na deklara niya kay Gilbert.
     Ngumisi ito. “I know you’re lying, Xinia. I feel it in my bones that you want me as hell.”
     Lalong nanlisik ang mga mata niya. “Ikaw ang pinakamayabang na lalaking nakilala ko! I hate you so much!”
     He moved a little closer. “Sinasabi mo lang iyan. But I know that once I get inside you, Wife, you won’t be able to love me enough. At alam kong nalalapit na ang oras na iyon.”
     Galit niya itong itinulak palayo. But his eyes raked hungrily over her form. Her anger was still evident, but so was her desire. Alam niyang napapansin iyon ng asawa sa kanya dahil nakita niyang ngumiti ito.
     Damn her body for betraying her pride….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!