Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Owner Of My Heart
Andrea Miguel

     Ang tanging pakay ni Rick sa pagtungo sa lugar na iyon sa Baguio ay upang kumbinsihin personally si Charito Maravilla na ibenta sa kanila ang transient house na pagmamay-ari nito. Balak kasi niyang gawin iyong isang leisure complex.
     Subalit hindi ang inaasahan niyang matandang babae na madali niyang mararahuyo ang natagpuan niya sa bahay na iyon, kundi isang napakagandang babaeng kaagad umakit sa kanya, ang nakilala niya.
     Bago pa niya napagtanto, nawala na sa pag-angkin ng property ang kanyang intensyon kundi sa dalagang kaagad bumihag sa puso niya….

Kapag Handa Na Ang Puso
Gel Dalisay

    “I wish I was as lucky as Gary,” sabi ni Gino.
    Napangiti si Mela. Ang tinutukoy nito ay ang kanyang yumaong ex-boyfriend. Sa isang memorial park kasi sila nagkakilala ng bagong kaibigan.
    “Sa hitsura mong ’yan, I’m pretty sure maraming babae ang nagkakandarapa sa ’yo,” sabi na lang niya.
    “Actually, may nagugustuhan ako.”
    Hindi niya alam kung bakit tila may kirot siyang nadama sa narinig. “Tell me about it.”
    Mataman itong tumingin sa kanya. “She’s someone like me, actually. Pareho kaming mapagpahalaga sa mga mahal sa buhay kahit pumanaw na sila.”
    Natigilan si Mela. Hindi niya alam kung paano magre-react ngayong dama niyang siya ang pinaparinggan nito. Hindi pa niya sigurado kung kaya na ba niyang magmahal muli, pero parang hindi rin niya kayang biguin si Gino….

Picture Perfect
Iris Bloom

     Lumapit sa kanya si Kahlil at hinaplos ang mukha ni Kira bago pa niya ito napigilan. “Have I seen you somewhere, Miss Vence?” tanong nito.
     “I don’t think so,” pagsisinungaling niya.
     “Weird. You remind me of this girl na na-meet ko noon.”
     Kinabahan si Kira. Naaalala kaya siya nito? Pero imposible, ‘invisible’ siya sa lalaki noon. She suddenly turned cold. “Sigurado akong tanga siya.”
     “Hindi,” siguradong sabi nito. “Siya lang ang babaeng hindi naghabol sa akin.”
     Muntik na siyang mapaubo. Kung alam lang nito ang tungkol sa picture nito na pinakatatago pa rin niya hanggang ngayon….

My Gypsy Love
Sefah Mil

     Naimbyerna si Faye sa gabi ng kanyang engagement party nang makita niyang kaparehong-pareho ng kanyang red gown ang suot ng pinakamatindi niyang karibal. Ang masama pa, ito ang mas inatupag ng kanyang fiancé kaysa sa kanya.
     Mabuti na lang at may isang guwapong estranghero na sumagip sa kanyang gabi. Pero paano kung ito pala ay isang hitanong magtotolda o gypsy sa Ingles? Kaya bang tanggapin ng kanyang sosyalerang sarili na matsismis dito?
     Pero teka… pakialam ba niya sa binatang iyon, eh, may fiancé na nga siya!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!