Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Untamed Heart
Satine Ortega

     Napakapribadong tao ni Luke Garchitorena, kaya kahit nabibilang siya sa pinakamayayamang pamilyasa buong Pilipinas ay hindi siya komportable sa harap ng media. Mas gusto rin niya ang payapang buhay sa probinsya. Kaya halos makalog ang utak niya nang malamang ipapakasal siya ng ina sa commercial model at kilalang fashionista. Ang plano niya ay makapag-asawa ng babaeng taga-hacienda pagdating ng panahon: maganda, mabait, marangal, maalaga at higit sa lahat ay simple. Ang layo ng Bianca Marie Mijares na iyon sa tipo niya! Well, napakaganda nito, sexy at masarap halikan pero…
     Bed partner siguro puwede pa, pero asawa?
     No way!

Marrying A Stranger
Terri Dizon

    Ang nasa isip ni Breanna, kakalimutan niya ang inhibitions niya sa gabing iyon at magpapakasaya para malimutan ang taksil na ex-boyfriend niya. She is thrilled to try something new, bold and daring. At perfect company ang ruggedly handsome artist na nakilala niya sa bar.
    Pero nasobrahan yata siya sa pag-e-experiment. Ang sumunod na natuklasan ni Breanna, dinadala na niya sa sinapupunan niya ang bunga ng pakikipag-one-night-stand niya sa isang estranghero….

My First, My Last
Annaliza Francisco

     Pinilit ni Arianne na kumalas at itulak ang binatang humahalik sa kanya. “I don’t think kasama sa trabaho ng personal secretary ang magpahalik sa boss niya. So kung wala ho tayong pag-uusapan, Mr. Fajardo, I have to go back to my post,” gigil na sabi niya. How dare him kiss her gayong kagagaling lang doon ng girlfriend nito!
     Sa halip na sumagot ay niyakap siya nito. “What if ligawan ka ng boss mo? Magagalit ka ba?”
     Nagpumiglas siya. “Ayoko sa may sabit. At hindi ako nagtrabaho para maghanap ng boyfriend!”
     Lalo siyang nainis nang marinig ang pagtawa nito. “Kung walang girlfriend ang boss mo, sasagutin mo ba?”
     Pinaglalaruan ba siya ng binata? Sa isiping iyon ay malakas niya itong itinulak. Hindi pinangarap ni Arianne na maging number two—kahit pa para sa tanging lalaking minahal niya….

Saving Grace
Katrina Ramos

     Masasabing mabait na anak si Gracie, kaya nang inalok siya ng kasal ng kanyang kababata na si Ruelay hindi niya ito tinanggihan, dahil sa kaalaman na malaking tulong ang pinansyal na kakayahan ng binata para sa negosyo ng kanyang ama.
     But one fateful day, she met an accident that caused her partial blindness. Habang nasa ganoong sitwasyon, si Danny ang nagsilbing mata niya at gabay.
     Nalilito siya ngayon, will she continue being the obedient daughter and marry Ruel, or will she choose the man who occupies her heart?

How Will I Know?
Mia Mirasol

     Ginagap ni Miguel ang kanyang kamay. “I’m sorry, pero kailangang sabihin ko ito. Hindi kayo magiging maligaya ng kapatid ko dahil you don’t love each other. You care for each other but that is not enough.”
     “Mahal ko si Francis at mahal din niya ako!” mariing tanggi ni Apple.
     “Nagmamahalan kayong tulad nang sa magkapatid. Mas mataas pa roon ang dapat na maging relasyon n’yo.”
     Iyon din ang kanyang paniniwala, pero kailangang panindigan ni Apple ang pagsisinungaling. Iyon lamang ang kanyang depensa para hindi nito malaman ang lihim niya: na ang mismong lalaking kaharap ang tunay niyang minamahal….

Wish You Were Mine
Leira Carlos

     Sinuklay ni Drew ng daliri ang sariling buhok dahil sa frustration. “Allie, stop it! I told you we need to talk.”
     Ni hindi niya ito tiningnan. “We’ve been talking for the past two hours. Sa tagal ng pag-uusap natin na-discuss na natin ang abortion, discrimination, election at lahat na ng ‘-tion’… kulang na lang constipation!”
     Naubusan ng pasensyang hinawakan siya ng binata sa magkabilang pisngi. “Damn it, Allie, will you at least look at me? I need to tell you that I’m in love with you!”
     Five years ago, nauwi sa wala ang pag-asam ni Allie na liligawan siya ni Drew. Ngayong heto’t nagkatotoo na, mukhang ang maniwala naman dito ang sunod na dilemma niya….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!