Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Ladies Gone Wild (Book 1 of 4): Girlfriend For Rent
Tarra Buluran

     “May nakasulat ba sa kontrata na kailangang magkahiwalay tayo ng kuwartong tutulugan?” tanong ni Xamuel.
     “Wala,” mabilis na sagot ni Yen.
     “Wala naman pala. So puwede kang tumabi na lang sa akin. Tutal, malaki ang kama ko.”
     “Ano!” Nanlaki ang mga mata niya.
     He smiled sarcastically. “Don’t tell me you still have something to protect.”
     Ang mga butas na ng ilong ni Yen ang nanlaki sa narinig. At ano ang gusto nitong palabasin? Na kaladkarin siyang babae? Dahil lang tinanggap niya ang trabahong ito para maisalba ang munting negosyo nila?
     Nagngalit ang mga ngipin niya. Dapat yata kinilala muna niya ang binata bago siya pumayag na maging girlfriend for rent nito….

Ladies Gone Wild (Book 2 of 4): Love At Stake
Tarra Buluran

    Bata pa lamang si Alessa, sinasabi na niya sa sarili na si Tristan ang kanyang ideal man. At kahit may ngitngit pa siya para sa ama nito, hindi iyon naging dahilan para magalit din siya sa kababata. Sa halip, mahal niya ito hanggang ngayon, kahit pa may girlfriend ito at nilinaw ng lalaki noon pa na kaibigan lang ang turing nito sa kanya.
    However, one passionate night between them sends her hopes soaring. Pinili siya nitong pakasalan at iwan ang nobya.
    Pero hindi pala nangangahulugan na dahil kasal na sila ay kanya na rin ang buong puso ng kababata….

Ladies Gone Wild (Book 3 of 4): Stumbled Heart
Tarra Buluran

     “A-about what happened between us,” panimula ni Joyce, “s-sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko itatanong ang bagay na ito. Pero gusto ko lang malaman.” Sinulyapan niya ang lalaki. Mula sa kinatatayuan ay dinig na dinig niya ang buntong-hininga nito. “A-ano nga ba ang dahilan at nangyari iyon, Jim?”
     “Because you mean something to me…” Bagaman nagustuhan niya ang sagot na iyon, ramdam niyang parang may kulang doon.
     “Pero ayokong masira ka dahil lang sa akin.” Tiningnan siya nito.
     “Joyce, I don’t want you to get hurt…”
     Parang piniga ang puso ng dalaga.
     Sinabi na nga ba niya. Iniligoy lang ni Jim, pero ang bottom line: walang kahulugan ang mga halik nito. Wala ring pagmamahal sa puso nito noong gabing angkinin siya…

Ladies Gone Wild (Book 4 of 4): Masquerade Lover
Tarra Buluran

     Kahit ano yata ang gawin ni Mitch, hindi na mababago pa ang masamang tingin sa kanya ni Adrian Dela Vista dahil na rin sa nakaraan nila. Natural lang na hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pamamahiya rito noong college sila at patay na patay ito sa kanya. At ngayon, gumaganti yata ang buwisit. Iyon ang posibleng dahilan na naiisip niya kaya madalas siya nitong ginagalit sa trabaho, samantalang sweet naman sa ibang babae. Mas lalong nakadagdag sa desperasyon niya ang realization na mahal niya pala ito.
     Kaya nang gabing iyon, baon ang lakas ng loob na bunga ng alak na tinungga ni Mitch, hinagkan niya si Adrian at ipinaramdam ang pagmamahal niya rito.
     Huli na nang madiskubre niya ang kamalian sa ginawang desisyon na iyon….

The Sweetest Fling
Elise Estrella

     Kasalukuyang palihim na iniiyakan ni Paige ang kataksilan ng kanyang boyfriend nang gabing nakilala niya si Wesley Ontiveros. Mabait ang binata at mukhang sinsero ang concern para sa kanya. The next thing she knew, she’s asking to go home with him.
     It was supposed to be just a one-night stand. Pero masyado silang interesado sa isa’t isa para maputol lang doon ang ugnayan kaya nauwi sila sa pagkakaroon ng isang fling.
     Pero habang kasama niya ang binata, napagtanto ni Paige na hindi na pang-casual affair lang ang nararamdaman niya. Hindi na sakop ng definition ng salitang ‘fling’ ang damdamin niya para kay Wesley.
     She then realizes she’s in for another heartache.
     Because she wants something permanent and lasting—from someone who admitted he is only a fling kind of guy….

Charmed And Dangerous
Helene Del Mundo

     “Kailangang maging komportable tayo sa isa’t isa, Sarah. We’ll be working closely together, sa ayaw mo man o sa gusto. At mag-asawa ang cover natin. Newly-weds, if I may add. Pero kung kagaya ngayon ang arte mo mamaya, baka akalain ng mga tao, maghihiwalay na tayo.”
     “Wala pa tayo d’un, Jude,” matabang niyang sagot.
     “Siguro you don’t want to work with me.” She heard anger in his tone. “Bakit, dahil naalala mo kung paano mo sinagot lahat ng mga halik ko n’ung isang gabi?”
     Pangit talagang ideya na pinagsama sila sa assignment na ito. There is combusting chemistry between them from the outset, and working together is like fanning those banked flames. At hindi kailangan ni Sarah ng distraction sa trabaho—no matter how hot this particular distraction may be….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!