Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Professor Torpe
Larei Samaniego

     Iniinis lang ni Reyena ang tatay niya kaya imbis na pamahalaan ang kanilang kompanya, minabuti niyang mag-apply na guro sa St. Alphonse University. Sa tingin niya, wala talaga siyang calling sa larangan na iyon at napilitan lang talaga siya. Pero sa kanyang unang araw na pineste ng kanyang ama, naihagis niya pabukas ang pinto patama sa mukha ng isang napakakisig na Adan.
     Mukhang bumabawi sa kanya si Kapalaran. Akalain ba niyang doon niya matatagpuan ang isang ganoon kaakit-akit na nilalang? Bakit kaya nagtatago lang si Nube sa school na iyon bilang isang professor? Mas bagay itong maging isang modelo sa palagay niya—modelo ng underwear. Iyong T-back.
     Lihim na napabungisngis si Reyena sa naisip.
     Hmm, gusto niyang bawiin ang naunang sinabi.
     Teaching isn’t a bad idea, after all….

The Estranged Wife
Jessica Gayle

    Kahit pa magkasama sila sa iisang barkadahan, Daphne never liked Topher. Babaero ito at mahilig sa good time. Wala rin sa intensyon niya ang mag-asawa sa edad na beinte. Subalit nangyari ang gabing iyon at nasira lahat ng mga pangarap niya. Sa pagpipilit ng mga magulang nila ay naikasal sila. Iniisip niya, matutunan din nilang mahalin ang isa’t isa habang magkasama sa ilalim ng isang bubong. Pero isang linggo matapos ang kasal, mukhang hindi na mapapangatawanan ng lalaki ang wedding vows nila. Dali-dali niya itong iniwan at lumipad patungong Amerika.
    Five years later, gusto na niyang putulin nang tuluyan ang anumang ugnayan nila ng asawa and make a fresh start. Pero mukhang pahihirapan siya ni Topher na ibigay iyon….

Lip Service
Hannah Wabe

     Allergic si Vladimir Cervantes sa mga klase ni Atasha Montesclaros—bratinella, prima donna at fashionista. Lalong pumangit ang impression niya rito nang maghasik ito ng lagim sa hotel na pinaghihirapan niyang i-manage, at inisip na madadaan siya sa matatamis na ngiti at pagpungay ng mga mata. Well, nagkamali ng inisip si Tash. Hindi siya tinatablan ng ganoon. Suwerte namang kinampihan siya ng ama ng dalaga at ninais din nitong turuan ng leksyon ang babae.
     Isinuhestyon ni Amir na magtrabaho itong chambermaid para mabayaran nito ang mga nasira nito sa hotel. Wala naman itong choice kundi sumunod. Habang pinagmamasdan itong magtrabaho, Amir cannot help noticing that she looks fine in her maid uniform. Parang gusto niya tuloy mag-order in. He does not want just any kind of room service though, but a lip service straight from Tash’s delectable lips….

The Heart Won’t Lie
Audrey Torres

     “I want to kiss you,” bulong ni Egil habang nakatitig sa kanyang mukha.
     “I am at work, remember?” sagot ni Paisley. “A kiss will cost you a lot.”
     Lalo nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Send me the bill…” He kissed her passionately at dagli niyang nalimutan na trabaho lang ang lahat sa pagitan nila.
     Aksidenteng naringgan ni Paisley na kailangan nito ng isang babaeng magpapanggap na nobya nito, at siya naman ay nangangailangan ng sideline job kaya nag-apply siya sa binata.
     Pilit niyang sinasabi na hindi siya desperada para suungin ang ganitong sitwasyon para lamang mapansin ng lalaking noon pa niya minamahal. Pero hindi niya maipagkakailang nasasaktan siya sa kaalamang ‘empleyada’ lamang ang tingin sa kanya ni Egil….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!