Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Sakura Series (Book 1 of 4): ‘Til There Was Kaede
Yumi Sagara

    Guwapo sana ang Filipino-Japanese na si Kaede Takamura, ngunit malamig pa sa North Pole ang pagkatao nito: matigas, tahimik, hindi palangiti. But beneath the coldness and obduracy lies a warm heart that is both kind and sweet. Kaya hindi naiwasan ni Dr. Malaya Magtanggol na mahulog ang loob dito.
    Ngunit may lihim si Kaede. Huli na nang malaman niya na nakipaglapit lamang ito sa kanya because of business matter. He is bound to persuade her para ibenta niya rito ang animal clinic nila at maisakatuparan ang plano nitong magtayo ng isang mall.
    Natalo man ang puso niyang umibig nang di-oras sa binata ay hindi magpapatalo ang pride niya bilang isang Magtanggol.
    World War III na ito….

Sakura Series (Book 2 of 4): Desperately Chasing Casper
Yumi Sagara

    Nag-umpisa ang lahat sa isang hula. Ngingiti raw kay Rianne sa Biyernes a Trece ang lalaking makakatuluyan niya balang-araw. Ngunit ayaw niyang maniwala roon. Paano kasi, naipangako na niya sa sarili na ang lalaking magbibigay sa kanya ng cherry blossoms ang pakakasalan niya.
    Ang siste, parehong natupad ang hula at ang kanyang sakura fantasy sa iisang lalaki: si Casper, the unfriendly ghost, este—ang mahaderong lagi niyang kaaway!
    At paano magiging ang binata ang makakatuluyan niya, eh, may iba itong mahal? At iyon pala ang babaeng nginitian nito noong Friday the Thirteenth—hindi siya, kundi ang kaibigan niya na noon ay katabi niya.
    Paano na iyan, matagal na siyang in love sa lalaki?

Sakura Series (Book 3 of 4): Keeping Up With Traven
Yumi Sagara

     Para kay Traven Ortega, life is short. Kaya wala siyang sinasayang na mga sandali. Ginugugol niya halos lahat ng oras sa trabaho at hindi uso sa kanya ang mag-relax. Opinyon naman ni Kendra Madrigal, maikli nga talaga ang buhay kaya kailangan i-enjoy ito to the max. She always takes time to bask in the glory of her surroundings. She owns a tattoo shop, likes rock music and dresses up as goth. He is a workaholic na laging naka-business suit at may baon na cellphone at netbook.
     They are two different people. Their only common denominator is an aging Japanese man, na ayon sa binata ay siyang tunay niyang ama… and a steamy sex they shared one cool autumn night in Nagoya.
     Pero may ‘lasting’ effect pala ang maliit na koneksyon nilang iyon: Kailangan nilang magpakasal and deal with their differences para sa kabutihan ng magiging baby nila….

Sakura Series (Book 4 of 4): Along Came Riley
Yumi Sagara

     Hindi sinasadyang nabato ni Akane ng mga sapatos si Riley sa una nilang pagkakakilala. Ngunit hindi niya pinagsisihan iyon pagkalaon dahil nuknukan pala ng presko ang mokong at ninakawan pa siya ng halik!
     Ang muli nilang pagkikita ay nangyari noong kasalukuyang nagtatago siya sa kanyang mga magulang na gusto siyang ipasok sa isang arranged marriage. Mabilis na nakaisip si Akane ng solusyon. Ipinakilala niyang asawa si Riley upang hindi siya maipakasal sa lalaking pinili ng mga ito para sa kanya.
     Ngunit hindi niya alam kung anong klaseng mundo ang pinasok niya nang sumama siya kay Riley sa Pilipinas. Panganib at pag-ibig ang sabay niyang natagpuan….

Dangerous Love
Edith Joaquin

     Ryan is not planning on looking for Angelica Paraiso kahit pa nga aminado siyang attracted siya sa dalaga noon pa lang una niya itong nakita. Kabe-break lang nila ng kanyang nobya at ang pangyayaring iyon ang nagpa-realize sa kanya na sa klase ng trabaho niya, walang babaeng makakayang tagalan siya.
     Unless, tadhana ang magtakda na magsalubong ang mga landas nila ng babae.
     Pero heto, ayon sa debriefing nila, si Angel mismo ang kanyang susunod na assignment. Pinagbigyan nga yata siya ng pagkakataon. Ngunit hindi iyon nakakatuwa. Dahil bukod sa mga halang ang bitukang gustong tumapos sa buhay nila ng babae, kasama sa mga kailangan niyang labanan ay ang matinding damdamin na nagtutulak kay Ryan para kumuyusin ng malalim na halik ang dalaga….

Friends With Benefits
Lorry Virgo

     Modern woman si Iyah. She has a reputation of being a woman of the world, pero ang totoo ay virgin pa siya—isang bagay na gusto na sana niyang baguhin. Kaso bago pa niya nagawang ibigay ang sarili sa nobyo, natuklasan niya ang kataksilan nito. Agad tuloy niya itong hiniwalayan.
     Noon niya nakilala si Tristan, ang cool, funny and uber charming niyang bagong kapitbahay. Naging magkaibigan sila, at kung paanong hindi niya nagawang ibigay ang sarili sa boyfriend niya nang ilang taon, siya namang bilis na isinuko niya kay Tristan ang sarili, hindi pa naman niya ito kilala nang husto.
     Ngunit imbis na matuwa, mukhang hindi nagustuhan ng lalaki ang ideya na ito na kaibigan niya, ang nag-‘binyag’ sa kanya….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!