Posted on

Release For My Special Valentine and My Special Valentine Premium!

Here are our new titles for My Special Valentine and our new series, My Special Valentine Premium!

New Release
Premium New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Arranged Marriage
Sandy Ly

     “Hindi ko alam na takot ka palang mamatay,” natatawang saad ni Bryan.
     “Hindi ako takot mamatay, ayoko lang mamatay na hindi man lang nahahalikan.” Huli na nang ma-realize ni Louella ang kanyang nasabi. Namumula ang mukhang tiningnan niya ang ngiting-ngiting lalaki.
     Ngumisi ito. “Naku, baka mamatay tayo dito nang hindi mo man lang nararanasang mahalikan. You want me to do something about it?”
     Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya, but definitely not in a bad way. She found the thought of her husband being her first kiss… huwag lang niyang iisipin ang panganib na kinasusuungan nila sa kamay ng mga kaaway ng asawa….

My One Great Love
Terri Dizon

    Para iyong kasagutan sa matagal na niyang pangarap. Ipapakasal si Charlotte ng kanyang ama sa binatang tanging minamahal niya sa nakalipas na walong taon, si Chad Herrera. Purely business move lamang para sa lalaki ang pagpapakasal nila pero hindi niya iyon alintana. Tuturuan niya ito na mahalin siya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa.
    It took a painful incident para ma-realize ni Charlotte na hindi iyon mangyayari. Minabuti niyang palayain ang asawa at magpakalayo.
    Kung kailan desidido na siyang ipa-annul ang kasal at simulan ang isang bagong pag-ibig, noon naman nagpakita ng interes si Chad….

The Stolen Ring
Sefah Mil

     Sino ang mag-aakala na pagkatapos kuskusin ni Mayet ng piso ang pa-raffle ng isang instant noodles ay makakapunta siya sa India para sumakay sa isang magarang cruise liner, makasakay ng elepante sa isang jungle safari at makatulog sa palasyo na nasa gitna ng isang lawa? Engrande na sana ang bakasyon ng dalaga nang naakusahang siya ang nagnakaw ng nawawalang engagement ring ni Rafat Gahir, isang half-Filipino, half-Indian businessman at ng girlfriend nito. Mabuti na lang, panig sa kanya ang guwapong may-ari ng barko at kaibigan ng mag-kasintahan.
     Mabubulok ba si Mayet sa kulungan sa India o makakabalik siya sa Pilipinas bitbit ang puso ng isa sa mga multimillionaires? Sa may-ari ba ng barko o sa may-ari ng antigong singsing?

Truly, Madly, Deeply
Leira Carlos

     Normally, pasensyosa si Calli sa mga tao kahit pa roon sa mga rude sa kanya at pilit niyang tingnan ang sitwasyon mula sa viewpoint ni Justin para malaman kung bakit masungit ito sa kanya. Siguro dahil hindi bahagi ng trabaho nito bilang lawyer ng kuya niya ang ginawa nitong pagsundo sa kanya sa airport. Or masyadong mabigat ang mga bagahe niya. Pero napatid na ang pisi niya nang magpatuloy itong supladuhan siya kahit nagpakababa na siya.
     “Ano ba’ng problema mo? Kung makasimangot ka parang gusto mo ako laging ihagis palabas ng kotse!” sikmat niya rito.
     “The problem is you’re too attractive!” singhal nito.
     Hindi malaman ni Calli kung magagalit o kikiligin. Ibang klase rin namang magbigay ng compliment ang lalaking ito, ano?

And introducing My Special Valentine Premium!

Sentinels (Book 5): Dark Warrior
Elise Estrella

     Interesado na si Cameron Joseph Herrera sa babaeng may codename na ‘Chameleon’ bago pa niya ito nakilala nang personal. Maganda ito base sa mga larawang nakita niya. But she’s also dangerous. Ayon sa files nito, anak ito ng isang terorista at ngayon ay contract agent ng CIA. Hindi na siya nagdalawang-isip, siya mismo ang humawak ng kaso nito imbis na ibigay iyon sa ibang miyembro ng Sentinels.
     Ang hindi niya napaghandaan, she’s more than a pretty face with a dangerous profession. Bigla nitong ipina-realize sa kanya na gaya ng kanyang pinsang si Mac, tipo niya rin pala ang mga astig na babae.
     He wants Mallory… at kung susuwertehin, gusto niya rin sana itong mahalin….

Sentinels (Book 6): Immortal Beloved
Elise Estrella

     Sa isang gaya ni John Mackenzie Herrera—ang isa sa pillars ng Sentinels Securities Inc., at boss ng mga matitikas na Sentinels—failure is never an option. Kaya naman ganoon na lang ang respeto sa kanya ng mga tauhan nila ng pinsan.
     Pero iba ang laban na kinaharap niya nang makilala niya si Bryce Fuentes, ang babaeng na-assign para i-train niya sa weapons at hand-to-hand combat.
     Hindi siya maaaring gumamit ng baril o explosives, bale-wala rin ang lahat ng trainings na pinagdaanan niya dahil hindi naman itinuro roon kung paano gamutin ang sugat sa puso. At iyon na pinakanakakatakot na gagawin niya kung sakali: ang mahalin ang dalaga.
     He has to watch himself and keep his distance. Best of all, he needs to remember that he is not the right man for her….

Until Forever
Carla Giopaolo

     Olen thought that she and her present boyfriend would always be together. Pero kung kailan pa ito nag-propose saka pa siya na-confuse sa damdamin niya. Parang bigla siyang naging hindi sigurado sa sarili niya.
     Minabuti niyang magbakasyon habang pinag-iisipan ang proposisyon ng kasintahan at hinahanap kung ano iyong kulang sa buhay niya na hindi niya matagpuan.
     Sa isang ancestral home, sa isang tahimik na bayan sa Quezon siya napadpad. At unti-unti niyang nahanap ang sarili at ang klase ng pag-ibig na matagal niyang inasam na maramdaman mula nang magdaop ang mga palad nila ni Dr. Samuel Francisco.
     Then and there, alam na niya—sigurado siya—na hindi iyon ang unang pagkakataon na nakilala niya ito o minahal kaya….

Seducing The Heiress
Dior Madrigal

     “Marrying me is the best way out of all your money problems, Laura,” confident na sabi ni Brent Julian Gomez. “Hindi mo kailangang magtrabaho, mapapagamot mo ang mama mo at mababayaran ninyo ang utang n’yo. You can even finish your studies. You can finally get out of your pathetic life, matutulungan mo pa akong makuha ang mana ko.”
     Naiintindihan niya ang sitwasyon nito. Imbis kasi na si Brent, siya ang piniling pamanahan ng ama ng binata. Gayunpaman, nainsulto siya sa panghahamak ng kaharap. “I’m sorry about your inheritance, but I’m going home.”
     Hinagip nito ang braso niya bago pa siya makalayo. “Magpakatotoo ka, Laura. I can give you a better life.” Sarkastikong ngumiti ito. “Hindi lang material na bagay ang kaya kong ibigay sa ’yo, I can give you physical pleasures as well.”
     Wala siyang alinlangan sa huling bagay na iyon. Kanina lang, napatunayan ni Brent na kaya nitong ipalimot sa kanya ang lahat sa pamamagitan lamang ng mga halik. But still, hindi siya martir para magpamanipula nang gayon sa binata….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!