Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Palikeros (Book 3 of 4): The Playboy And His Fiancée
Dior Madrigal

     Maaaring para kay Kevin ay lust lang ang lahat ng iyon na pinagsamahan nila. He was deprived of a female companion for two days, and Sasha was the only one available.
     Pero wala nang pakialam doon ang dalaga. Gusto niyang ibigay ang lahat ng kaya niyang ibigay dahil posibleng iyon na ang tanging pagkakataon para makasama niya ito. Hindi siya pakakasalan ni Kevin kahit pa ganoon ang orihinal na kasunduan ng mga magulang nila. Masyadong mahal ng binata ang kalayaan nito, para magawang magpatali sa iisang babae. She might never have another chance to be with him.
     So carpe diem, wika nga….

Palikeros (Book 4 of 4): The Playboy And His First Love
Dior Madrigal

    “Sabihin mo, ano’ng p’wede kong gawin para tulungan kang mapatawad ako?” mahinanong tanong ni Alyssa kay Ashton.
    “You want me to forgive you?” For some reason, nakaramdam siya ng kaba sa tono ng boses at sa matiim na titig sa kanya ng lalaki. “Fine. Sleep with me.”
    Nanlaki ang mga mata ng dalaga at napaawang ang mga labi niya. “What the hell!” Matalim niya itong tinitigan. “Sleeping with you won’t solve anything—”
    Nakakaloko itong ngumiti. “Can’t do it? I thought so. Sa susunod, ’wag kang magtatanong kapag di mo kayang tanggapin ang lahat ng posibleng sagot. Walang magbabago, I will always hate you.”
    Masakit ang tama ng mga salita ni Ashton, pero alam niyang makatuwiran lang iyon. She had hurt him then; ngayon, gumaganti ito….

Deal Of Hearts
Zoe De Jesus

     Hindi sa man-hater si Jade Fernandez. Masyado lang siyang independent at proud para mangailangan ng kung sino para sumaya. She believed she could be what she wanted to be, reach whatever she had been dreaming of—kahit pa tumanda siyang mag-isa. Leksyon niya iyon mula sa mga karanasan ng kanyang mga magulang.
     Pero masyadong persistent si TJ Arcaraz. Wala itong ginawa kundi ‘ibenta’ sa kanya ang FABs—or Features, Advantages and Benefits—ng pagkakaroon ng nobyo.
     At sa matatamis na ngiti nito at malalambing na tingin, mukhang hindi na kailangan ni TJ na mag-‘hard sell’ para kumbinsihin siya….

Una At Huling Mamahalin
Edith Joaquin

     Pihikan kung sa pihikan si Megan kaya naman sa edad niyang twenty-four ay hindi pa siya nagkakanobyo minsan man. Pero nang ipakilala sa kanya ng isang pinsan si Joseph Syjuco, nakita niya lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki—and more.
     He was totally every girl’s dream—matalino, mayaman, maalaga, guwapo, isang piloto at higit sa lahat, kasundo niya sa maraming bagay. Pasadong-pasado na ito para maging unang boyfriend niya.
     Kaya lang, may sabit ito—at Grace yata ang pangalan.

Something Stupid Like I Love You
Carla Giopaolo

     “Sa aming magkakaibigan, kami lang ni Justin ang naka-base dito sa Manila. Si Ron ay nasa Canada at si Jeff naman ay nasa UK. Uuwi silang dalawa para… well, naisipan naming mag-out-of-town,” kuwento ni Marc. Hindi pa rin ma-gets ni Yumi kung ano ang kinalaman niya sa pagbabakasyon ng mga ito sa hinihinging pabor ng lalaki. “Anyway, ang usapan ay kasama ang mga… well, partners namin. At gusto ko sanang i-invite ka.”
     Mabuti na lang tumigil na si Yumi sa pagsubo ng pagkain. Kung hindi, baka nabilaukan siya. Ito ba ang paraan ng pagsasabi ni Marc na gusto siya nitong maging partner?
     “Wala kasing date si Jeff,” dugtong nito na ikinalaglag ng mga balikat niya. Wala na nga yatang pag-asang magkaroon ng katugon ang mahigit isang dekada nang crush niya kay Marc Anzon….

Ibigin Mong Muli
Yumi Sagara

     Nang dahil sa isang aksidente, napilitan si Mandy na tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Atty. Zacharias Mendrano.
     Just hearing his name was enough to stir up mixed emotions deep inside her. They really could not stand each other’s presence. Pero sa malas ay wala siyang mahanap na lilipatang malapit sa universidad na pinagtuturuan kaya no choice siyang makipag-asaran sa binata. Sa kabila niyon, naging mas malinaw sa kanya na hindi kailanman nawala ang pagmamahal niya para sa ex-boyfriend.
     Pero mukhang naka-move on na si Zach at ibinaon na rin nito sa limot ang damdamin nito noon. At kung pinakikisamahan man siya nito, awa na lang yata ang dahilan niyon….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!