Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!
New Release
Want to read the story teasers?

Previews

Sasha’s Romance
Johanna Zeya

     Kontento na si Sasha na ang tanging romance na mayroon siya ay iyong sa mga librong sinusulat niya. Masaya na siya basta masaya ang ending ng characters niya. Parang in love na rin siya kapag nai-in love ang heroines niya sa mga heroes na nilikha niya. Hindi niya naisip na siya man ay kailangan ng magandang love story… until she met Dan.
     Sa paghahanap ng bagong environment na conducive sa pagsusulat, napadpad siya sa isang malaking bahay at nakilala ang binata. Feeling real-life heroine siya sa kilig kapag kasama ang lalaking pasadong-pasado na maging hero sa mga nobela niya. Pero iyon nga ba ang romance na inaasam niya?
     Hangga’t hindi siya sigurado sa tunay na relasyon ni Dan sa babaeng mukhang buhay na Barbie doll, duda si Sasha na happy ang ending ng love story niya….

If Your Heart’s Not In It
Audrey Torres

     “Ikaw ang kaibigan ni Janine,” ani Arild na sinipat ang kanyang mukha.
     “At ikaw ’yung pervert na humalik sa akin sa tabing-daan!” maasim na tugon ni Brigitte.
     “So, you still remember me.”
     “Hindi ko nakakalimutan ang mukha ng mga pervert na katulad mo,” irap niya.
     “I want to apologize sa pangyayaring iyon,” anang binata. “I can’t bear somebody thinking that way about me.”
     “Does it matter what I think?” tanong niya.
     “Ikaw lang ang hinalikan ko, Miss Ledesma,” protesta nito. ”I am afraid, magkikita tayong muli, sa ayaw mo’t sa gusto mo.”
     “Huwag kang mag-alala,” maasim niyang tugon, “I will definitely avoid you.”
     Iyon ay kung ganoon lamang iyon kadali, him being her best friend’s fiancé….

Mahal Kong Alipin
Satine Ortega

     Matapos ang tatlong taong pamamalagi sa Amerika ay bumalik si Carlo sa bayan ng Valladolid para asikasuhin ang libing ng pumanaw na ama at halinhinan ito bilang panginoon ng Hacienda Armendariz.
     Labag man sa loob ni Annabel dahil galit siya sa pamilya ni Carlo, kinailangan niyang ibigay ang sarili sa kababata para makaiwas sa pinsan nitong si Roman.
     Minsan sa nakaraan niya ay inibig niya ang binata at somehow, naniniwala siyang minahal din siya nito.
     Pero kaya bang ibalik ng isang gabi ng mainit na pagniniig ang kanilang naunsyaming pag-ibig?

Mismatched Lovers
Nicole Stephanie

     Nang tanggapin ni Sabina ang pagtuturo sa mga high school dropouts sa ilalim ng programang Alternative Learning System, hindi niya akalaing magbabago ang ikot ng kanyang mundo. Karamihan sa mga estudyante niya ay ilang taong nang hindi nakapasok sa eskuwela. But she had to admit there was something about these students that touched her heart—especially the tall, dark and handsome thirty-four-year-old guy who would always sit in the second row. Alam niya, hindi imposible kung mahulog man ang loob niya sa misteryosong si Sylvester Anonuevo.
     Pero hindi niya pa alam kung magagawa ba niyang isaisantabi ang nag-iisa nitong kahinaan at tuluyang ipaubaya sa lalaki ang puso niya….

Lost Love Letters (Book 4 of 6): Beautiful Love
Jean Mae Oryza

     Dahil sa pamimilit ng mga kapatid, napilitan si Lyc na pansamantalang pamahalaan ang long-running family business nilang flower farm. Sa pamilya nila, siya lang ang lumihis ng landas ng career kaya siya ang kinukulit ng mga ito. Dahil sa pagiging martial arts instructress siya magaling at wala siyang ka-talent-talent sa pagnenegosyo, kaya nag-hire sila ng magiging assistant niya. Inaasahan niyang isang babae ang kukuhanin ng kanyang mga kapatid, pero laking gulat niya nang makitang hindi babae kundi isang guwapo at matipunong lalaki ang makakasama niya sa farm!
     Nalaglag ang panga ni Lyc. Bading ba ito? Feeling the erratic beating of her heart at the masculine sight of him, parang ayaw niyang maniwala….

Lost Love Letters (Book 5 of 6): Pure Love
Jean Mae Oryza

     Nang umalis ng bansa ang best friend niShawn, kasama si Fontaine sa negosyo at bahay nito na ibilin sa kanya. Unang beses pa lang nilang pagkikita ay hindi na nila gusto ang isa’t isa pero dahil sa sitwasyong iyon, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ito.
     At para pala itong may split personality! Ang isang persona ay iyong snobbish ‘it’ girl; iyongisa naman ay iyong simple, matulungin at kind-hearted.
     What’s even more fascinating was the fact that Shawn found both Fontaines likeable….

Lost Love Letters (Book 6 of 6): Perfect Love
Jean Mae Oryza

     Ang buong akala ni Aleana, tapos na ang misyon niya nang mahanap si Camelia—ang one great love ng lalaking nag-ampon sa kanya. Pero nagkamali siya.
     Kasunod ng pagkatuklas niyang may anak ang daddy niya sa babaeng matagal niyang hinanap, pinakiusapan siya ng una para tulungan itong kumbinsihin ang estranged son nito para tanggapin ito bilang ama.
     Mahirap sa kanyang gawin iyon dahil sa simula pa lang ay hindi na maganda ang impression nila ni Zeth sa isa’t isa. Pero habang sinusunod ang kanyang ama, unti-unti niyang nadiskubreng hindi naman pala ito masamang tao.
     At kasabay ng pagpipilit ni Aleana na tanggapin ng lalaki ang ama sa buhay nito, nagpipilit namang pumasok ang binata sa puso niya….

Rules Of Commitment
Leira Carlos

     “Do you?”
     “Do I what?” balik ni Alex na naguluhan sa tanong ni Brent.
     “You spent an entire night with me last night, and you’re spending a bit of your day with me today, so do you like me?” tanong nito na para bang sinusubukan siya.
     ‘Kapal din nito, ano!’ palatak niya sa sarili. ‘Here I was thinking na he’s not so bad iyon pala, eh, mataas din ang ere!’
     “Want to give me that one-year trial period so we’ll see kung ano talaga ang tipo mo?” Ngumisi si Brent. “O baka naman natatakot ka na bago matapos ang isang taon, you’ll be begging me to rape you?”
     Alex wasn’t exactly thrilled with the idea of marrying Brent, pero para sa kapakanan ng amang may-sakit, they agreed to pretend they like each other. Nag-aaway man, hindi naman nila maitatanggi ang physical attraction sa pagitan nila.
     But would it be enough to convince Brent into committing himself into a real relationship with her?

No Easy Way Out
Jade Phoenix

     “Look, Hara, I’m sorry. Okay?” habol ni Jibril sa kanya. Hindi siya kumibo. “Hindi ko sinasadyang saktan ka. But someone needed to remind you of what you have done.”
     “And you’re the right person to tell me, ganoon ba?” Nag-uuyam ang tingin niya rito. “Ang insultuhin at saktan ako ang paraan mo para makapaghiganti ka, because I dumped you on our engagement day.”
     Hindi maiwasan ni Hara na mag-isip kung anoang nangyari kung natuloy ang kasalan noon. Ano nga kaya ang naging buhay niya? Perhaps, she won’t be feeling so alone all this time. Siguro nga, natutunan niya rin itong mahalin—
     Gaya ng mabilis niyang naramdaman ngayon sa muli nilang pagkikita….

Come Back To Me
Dior Madrigal

     “Salamat. You don’t know how much this means to me,” sabi ni Amanda. Hindi niya akalain na tutulungan pa siya ni Edward para makaalis muli, matapos ang dalawang taon niyang pagtakas sa buhay na iyon at sa binata mismo.
     “No, Andy,” mahina nitong sabi. “I know exactly how desperately you tried to search for something you can call your own. Ngayon, ’eto na.” Huminga ito nang malalim. “Aim for the stars, Andy.” He kissed her lips. “Then come back to me. I’ll wait for you here on earth.”
     Parang nalusaw ang puso niya sa sinabi nito. But still, kailangan pa rin niyang gawin ang dapat gawin. Hindi niya gustong maikasal sa binata dahil lamang sa moral obligation… o dahil compatible sila physically.
     She wanted real love from Edward—that, or nothing at all….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!