Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Cross My Heart
Ianne Lei Lauren

     Sa tingin ni Bella Valencia, tama lang na parusahan ng mga magulang nito si James Bermudez. He was the most selfish man she had ever known. Sa halip na tumulong sa magulang sa negosyo, pulos pambababae ang inaatupag ng herodes.
     Pero bakit naman sa dinami-dami ng maaaring gawing parusa, ang maging Marketing Director ng Advercom pa ang ibinigay sa binata? That meant she would be working directly with him! Close man sila noong kabataan nila, hindi niya gustong makasama sa isang lugar ang lalaking wala yatang salitang ‘responsibilidad’ sa bokabularyo. Ni hindi nga ito marunong tumupad sa pangako.
     Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso when James started to openly tease her….

Cupid In Love
Monica Bautista

     Perfect candidate si Isay para sa plano ni Marco. Dahil maasikaso, malambing at loyal ang dalaga, sigurado siyang ito ang kailangan ng kanyang pinsan na si Francis para tuluyang malimutan ang ex-girlfriend nito at maharap na nang tuluyan ang career bilang sikat na mang-aawit. Malaking tulong pa na kahawig ni Isay ang babaeng nang-iwan sa pinsan niya. Kaya kinontrata niya si Isay para maging ‘perfect girlfriend’ ng singer. Hindi naman na kailangan pa ng pahirapang paliwanagan para kumbinsihin si Isay; agad itong pumayag dahil diehard fan ito ni Francis.
     Everything that Marco had planned went out well, pero nagsimula siyang mairita nang tila nagkakagustuhan na nga ang dalawa. Then he realized the hitch in what he thought was a perfect plan: siya mismo ay nahulog ang loob kay Isay—that same woman he wanted his cousin to fall in love with….

Heal My Heart
Doreen Laroya

     Totoong naiinis si Grey kay Dani. Hindi niya gusto ang kaprangkahan nito, ang hayag na pagpapakita ng pagkagusto sa kanya, ni ang masyadong moderno nitong pagdadamit. Kumpiyansa rin ang dalaga na mutual ang atraksyong iyon sa pagitan nila at may lakas pa nga ito ng loob na hamunin siya para itanggi iyon. Ang mas nakakainis, they both knew she was right.
     Pero wala sa plano niyang i-indulge ang anumang damdaming iyon na pinupukaw ni Dani sa kanya. Nagbalik-Pilipinas siya para makalimot sa naunsyaming engagement, at walang-wala sa plano niyang muling isuong ang sarili sa panibagong sakit ng kalooban. At iyon ang siguradong mapapala niya kapag hinayaan niyang mahulog ang loob sa dalagang kagaya ni Dani….

Sweet Disguise
Lily Ann Muñoz

     Naghimagsik ang kalooban ni Carlene nang muling buhayin ng mga magulang niya ang ideyang ipagkasundo siya kay Riggs, ang pilyong kababatang labis niyang kinaiinisan noon. Nakakaasar na ngang hindi siya ang pipili ng mapapangasawa niya, iyong lalaking hindi pa niya gusto ang pinili ng mga ito!
     Pero malayo na si Riggs sa noon ay batang kinayayamutan niya. Now she found him likeable, funny and sweet. Pasado itong husband material dahil bukod sa guwapo ay matalino at mayaman pa. She could swear she could fall in love with him—kung nagkataong hindi umiimbay ang balakang nito kapag naglalakad at hindi ito parang Eba na naligaw sa katawan ng isang Adan….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!