Posted on

Release For My Special Valentine!

Here are our titles for My Special Valentine!
Release
Want to read the story teasers?

Previews

Makuha Ka Sa Tingin
Yumi Sagara

     Dahil parehong gipit sa pera, nagkasundong magpakasal sina Forest at Isla para makuha ng lalaki ang mana nitong pera mula sa namayapang lolo.
     Hindi sila magnobyo. At lalong hindi rin nila gusto ang isa’t isa. It was just a marriage for convenience.
     Isang taon ang kasunduan nilang pagsasama sa iisang bubong. Ngunit paano sila tatagal sa isa’t isa gayong unang pagkikita pa lamang nila noon ay bad trip na si Isla sa lalaki? Mantakin mong tinawag siya nitong ‘Boy’ noon!
     Lalo pang naging komplikado ang kanilang sitwasyon nang sumulpot ang stepsister niyang si Gwyneth na ginawa na yatang misyon sa buhay ang pang-aagaw ng lahat-lahat ng pag-aari niya.
     But this time, dadaan muna sa ibabaw ng kanyang bangkay si Gwyneth bago nito maagaw ang asawa niya.

Lost Love Letters (Book 1 of 6): Faithful Love
Jean Mae Oryza

     Isang misteryosong love letter ang naging sanhi kaya minalas na nakilala ni Mya si Tristan. Hinahanap ng kanyang boss at malapit na kaibigan, ang babaeng gumawa ng sulat at pinakiusapan siya nitong magpunta sa address na umano ay tinirhan ng hinahanap nitong tao.
     Sa halip na isang babae, isang ruggedly handsome pero ubod ng aburidong painter ang nagbukas ng pinto pagdating ni Mya sa bahay na sinasaad ng address. Sa pagsusuplado nito sa kanya at pagsasagutan nilang naging dahilan para iwanan niya ito ng isang sampal, hindi na sana gugustuhin ni Mya na bumalik pa roon at makita itong muli.
     Pero hindi pala iyon posible dahil ang binata ang tanging lead nila para matagpuan ang babaeng gumawa ng pahamak na love letter….

Lost Love Letters (Book 2 of 6): Thoughts Of Love
Jean Mae Oryza

     Dahil hindi inabutan ni Charm ang babaeng umagaw sa nobyo niya sa apartment nito, ang kapatid nitong si Iver Olivares ang napagbuntunan niya ng galit. Silakbo ng inis, napagbantaan niya pati buhay ng karibal, na ikinabahala ng binata. Sa gulat niya, binitbit na siya ni Iver pasakay sa sarili nitong auto at agad niyang nadiskubre, kidnapping ang nangyayari!
     Ngunit hindi maipaliwanag ni Charm kung bakit sandali lang siyang nagwala at agad tinanggap ang sitwasyon, maging ang ideya ni Iver na kuhanin ang pagkakataong iyon para tulungan ang sariling makakalimot. Na siya ngang nangyari.
     Pero paano niya naman kaya aalisin sa isip ang kanyang abductor na mahal niya na, sa sandaling pakawalan na siya nito?

Lost Love Letters (Book 3 of 6): True Love
Jean Mae Oryza

     “Listen, alam kong nahihirapan na si Mama sa ating dalawa. Siguro dapat tigilan na muna natin ang away for her sake. Let’s be civil at least, for now. Okay lang ba sa ’yo?”
     For the first time, hindi magkasalubong ang mga kilay ni Nate nang kausapin siya. Simula nang ampunin si Yara ng ina nito at patirahin siya sa mansyon, walang araw yata na hindi sila nagsasagutan. Ngayon nga lang bumait sa kanya ang binata, pilit pa pala. Kumbaga ‘ceasefire’ lang ang inaalok nito; pahinga lang muna sa barilan, pero magkaaway pa rin sila.
     Na-solve na sa wakas ang puzzle sa loob ng isip niya kung bakit biglang bumait sa kanya si Nate. Kasabay niyon ang pag-usbong ng lungkot at disappointment sa puso ni Yara….

Noon Hanggang Ngayon
Edith Joaquin

     Tama ang mga kaibigan nila. April and Matthew had something going between them through all those years of friendship. Naroon iyon sa hindi normal na closeness nila, hindi pa man nila napapansin noon. Then came that one night when desire consumed them and they crossed the line from platonic friendship to passionate lovers.
     Noon nagsulputan ang mga problemang tila gustong magpamukha sa kanila na mas mabuti pa nga yata kung nanatili silang magkaibigan na lamang.
     But it was too late to go back now….

Nothing Else Matters
Elise Estrella

     “Kasi mayaman ka,” sagot ni Maja sa tanong ni GJ kung bakit ayaw nitong makipag-date sa kanya. “And I don’t date rich guys.”
     “Ano’ng ibig mong sabihin?”
     Sinulyapan siya ng dalaga. “Just that. Snob na kung snob, pero hindi ako komportableng kasama ang mayayaman.”
     “Masyado ka lang sigurong na-expose sa mga rich, spoiled brats. Pero madami rin sa ’ming mababait. Ako, hindi ako spoiled at lalong hindi ako brat,” paliwanag niya.
     Matagal siyang pinag-aralan nito. “Kaya mong patunayan sa ’king hindi ka katulad ng mga ’yun?”
     ‘Gotcha,’ gustong isigaw ni GJ. Sa halip, kumindat siya sa magandang dilag. “Kaya. But you would have to take the chance. You’d have to date me.”

Dreams Of The Heart
Carla Giopaolo

     Noon pa man, wala nang ibang dahilan si Bianca kung bakit gusto niya ang farm ng lola niya sa Isabela, si Hector lang. Unang kita niya pa lang sa tall, dark and handsome na binata, sigurado na siyang ito ang lalaking magiging asawa niya. Tuloy, ang dapat sana ay isang linggo lang na bakasyon doon ay tumagal nang halos isang buwan. Kaso, hindi tumatalab ang pagpapa-charming niya kay Hector. Kasi pala, may nobya na ito. Still, hindi siya natinag.
     Ngayong nagbalik ang one and only love ni Bianca mula sa Amerika at lalo itong naging lovable, inilagay niya sa full-blast ang pagpapapansin at lakas-loob na inamin dito na gusto niya ito noon pa man.
     Only to hear from Hector na kasal na ito sa iba at wala nang saysay ang lahat ng taon na pinaghintay niya….

Until You’re Mine
Dream Giban

     Kabaligtaran ng inaasahan ni Cheska, hindi galit si Desmond sa kanya sa muli nilang pagkikita. Sa halip, parang nagbalik ang dati niyang best friend na nawala dahil sa rejection niya. Marahil sa sobrang tagal ng panahong lumipas na hindi nila pagkikita, hindi na nito ikinokonsiderang mahalaga ang namagitan sa kanila noon. O kaya ayaw na nitong maalala ang minsang pag-ibig na inalay nito para sa kanya.
     Ngunit nadiskubre niya sa sarili na mahal na niya si Desmond nang maramdaman niya ang pananabik na muling banggitin ng binata ang mga katagang tinalikuran niya noon….

Heartless
Ella Gualvez

     Kung may matitirhan lang si Veronica na iba, hindi siya makikisiksik sa bahay ni Andrei at nang hindi iyon magamit na pang-blackmail ng lalaking kaligayahan yatang inisin siya dahil lang bad trip ito. Imbis na napapahinga siya dahil semestral break, ginawa siya nitong glorified alalay sa shooting ng pelikulang dinidirect nito. Naging frustration absorber siya ng topaking binata na siguradong landslide winner sa Pinakamasamang Ugali Award kung nagkataong mayroong ganoon. At sa malas, siya ang laging biktima
nito.
     Pero pakiramdam ni Veronica, nangalahati ang life span niya sa bago nitong paraan ng pangbu-bully: he was flirting with her—cornering her sa bawat pagkakataong makukuha nito, and teasing her with his nearness and attempts to kiss her.
     Mukhang nadiskubre na ni Andrei na tinatablan siya ng charm nitong hindi naitago ng sobrang kasungitan….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!