Posted on

Release For My Special Valentine Bestsellers!

Here are our titles for My Special Valentine Bestsellers!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Bestsellers: Love Trap
Averiz Gale

     Dati ay kontento na si Natalie na binabasa lamang sa libro ang tungkol sa adventure at mystery. Now, she is deeply involved in one such situation.
     Ang malupit, murder and passion ang temang nasuungan niya. At siya ang idinidiin sa krimen.
     Then there was Julian Miguel Villareal III. Pamangkin ito ng taong makapagpapatunay na wala siyang kasalanan. Ang problema, wala sa bansa ang tiyuhin nito.
     There could be something between them. Something sweet, romantic and real. Iyon ay kung maniniwala ang kanyang Knight in Shining Armor na inosente siya.

Bestsellers: Never Meant To Hurt You
Dream Giban

     Napakalamig ng boses ni Travis habang pormal na tinatapos ang relasyon nila.
     Pepper really believed na minahal siya ng binata sa buong panahon na magkasama sila. He was right. She was being stupid. How could he have loved the girl that caused his mom so much pain? That’s all she’d ever be to him…
     Pero kung iniisip nitong magpapakasira siya o maglulunoy sa self-pity, he had another thing coming. Hihintayin niya ang pagkakataon na maipamukha niya sa binata ang mga sinabi nito sa
kanya.
     And it seemed like hindi niya kailangang maghintay nang matagal….

Bestsellers: It Had To Be You
Jade Laurice

     Hindi kaagad nakapag-react si Ericka nang bigla siyang kinabig ni Dave at siniil ng halik sa labi.
     Tama bang pumayag siya sa ginagawa nito?
     Well, bakit hindi? She was supposed to be Eloise, right? At fiery and daring ang kakambal niya. Ganito marahil ang inaasahan ni Dave mula sa nobya.
     Nang maalala si Eloise, ang damdamin ng kapatid para sa lalaking kayakap niya at ang katotohanang naipagkamali lang siya ni Dave sa kakambal ay nakaramdam siya ng napakatinding
guilt.
     At ng hindi maipaliwanag na selos.

Bestsellers: Proposal At Sunset
Carla Giopaolo

     “You’re beautiful, Karen.” Andrei was looking at her intently.
     Bigla siyang nailang. “Alam mo, ito ang pinakapaborito kong lugar,” iwas niya.
     “I could see why.” A smile was tugging at his lips.
     “Kahit anong season, parating presko dito.” Hindi siya mapakali sa mga titig nito.
     “I noticed that, too. At Karen, may isa pa akong napansin.”
     “Ano iyon?” Nag-angat siya ng tingin.
     Ngumisi ito.“Dumadaldal ka pala pag ninenerbyos ka.”
     She blushed. Wala talaga siyang maitago sa lalaking ito. Malamang alam na rin nito ang laman ng puso niya.

Bestsellers: Finding Prince Charming
Krystal Marie

     “Wala sa usapan natin na ipapadiyaryo mo ang pekeng engagement na ’to,” naiinis na sabi ni Marie.
     “I asked you to be my fiancée and you agreed,” walang anumang paliwanag ni Aidan.
     “Paano naman ako pagkatapos?”
     “Marry me. For real.”
     Kung normal ang relasyon nila ay baka tumatalon na ang puso niya sa galak. Heck, ito ang unang pagkakataong nakatanggap siya ng marriage proposal! Mayaman at guwapo pa ang fiancé niya.
     But she knew that it would never be for real….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!