Posted on

Release For My Special Valentine And My Special Valentine Bestsellers

Here are our titles for My Special Valentine and My Special Valentine Bestsellers!
Release
Want to read the story teasers?

Previews

Bestsellers: Fighting With Destiny
Angela Alfonso

     “I’d bet you’re starting to miss your daily dose of lovemaking,” uyam ni Carlos.
     “You’re right,” kunwa’y sang-ayon ni Lauren. “And much as I would like to make love with you, hindi mo naman kakayanin, di ba?” He was incapable—for now.
     “Hindi ko rin gugustuhin kahit na kaya ko. You’re not my type,” tahasang sagot nito.
     Dinaan niya sa pagtawa ang kirot na naramdaman.
     “Too bad, I really like you. But don’t worry, hindi kita pipilitin. I can satisfy myself elsewhere.”
     She was looking elsewhere, kaya hindi niya nakita ang pagdilim ng anyo ni Carlos o ang pagtiim ng mga labi nito.

Bestsellers: Will I Get Over You?
Pearl Pascua

     Katatapak pa lamang ni Drew sa Pilipinas nang binulabog siya ng isang text message mula sa abuela. Ipinapasundo nito ang assistant na si Anne sa presinto dahil nasangkot ang dalaga sa isang bank robbery.
     Malayo sa inaasahan niya ang hitsura ni Anne ngayon. She looked so delicately lovely that he appointed himself as her bodyguard right that moment.
     It was just brotherly concern, he reasoned. Gusto lang niyang siguruhing ligtas ang dalaga. Isa na lang ang problema—kung paano niya ito poprotektahan laban sa kanyang sarili. Because suddenly, Drew didn’t feel too brotherly toward Anne anymore….

Bestsellers: Mine Alone
Jen Yaneza

     “T-this isn’t right…” ani Chantal sa pagitan ng paghalik ni Duncan.
     “This is the very right thing I’ve ever done…” anas nito.
     “S-si Gilbert—”
     “If he’s really important to you, you won’t go out with me even on a friendly basis. No, there is nothing between you and him.”
      Sukat doon ay natauhan siya. “G-girlfriend ako ng kapatid mo. You shouldn’t be doing this to him!”
     “You don’t belong to my brother, Chantal… not ever. You belong to me. I was hoping you know it by now.”
      Iniwan siya nitong nalilito, nangangapa sa kahulugan ng huling sinabi nito.

Bestsellers: Estranged Fiancée
Alexis Navarro

     “Why not kiss me? Don’t you want me?” tanong ni Monica kay Jude, trying her best to seduce him.
     “You’re wrong, Monica. I want you damned too much I don’t think I’ll be able to stop. And you only asked for a kiss.” Bakas ang panghihinayang sa tinig ng binata.
     “Make love to me then,” she dared.
     “You’re just drunk,” patuloy na tanggi nito.
     “You talk too much,” inis na sabi niya bago hinagip ang mga labi nito for a long drugging kiss.
     Kung alam lang niyang kay Jude din siya babagsak, she would have gladly married him five years ago whether he loved her or not….

Bestsellers: Pare, Mahal Kita
Mari Calingayan

     Unang paghaharap pa lang nina Maxine at August ay nayabangan na ang dalaga rito. But because she was at his mercy, pumayag na lamang siyang mag-share sila sa inuupahan niyang bahay.
     Tutal, lalaki rin naman siya—nagpapanggap nga lang. At hindi niya ito kailangang kausapin dahil isa rin siyang kaawa-awang ‘pipi.’ Kaya malabong mabuko siya.
     Or so she thought. August was pretty civil nang akala nito ay lalaki siya. But he treated herabominably nang matuklasan na isa siyang babae.
     Particularly when he stumbled upon that fact in the most embarrassing way….

Beloved Stranger
Lorry Virgo

     As Madison assessed her heart, na-realize niyang hindi pa siya handang pakasalan ang kanyang nobyo.
     She wanted to think, and she needed time and space to do that. Kailangan niya rin ng makakausap, preferably iyong hindi nakakakilala sa fiancé niya, para hindi nito kakampihan ang lalaki.
     Noon siya nilapitan ng isang estranghero. Halatang sinsero ang concern nito sa kanyang pinagdadaanang problema na kita nito sa kanyang mukha. CJ was the best candidate for a companion dahil sensible ito at hindi siya kilala. So kinausap niya ito at hiningahan ng sama ng loob. Pinilit pa niya ito na isama siya sa bakasyon nito.
     Kamukat-mukat ni Maddie, ang lalaki pala ang estranged brother ng groom niya!

Romance At Work
Vivi Hernandez

     Yasmin was acting like a petulant child. Naiirita si Seth dito dahil sa simpleng rason na siya lamang ang nakakaalam: he found her adorable.
     Hindi niya alam kung gaano pa niya katagal maitatago ang nararamdamang iyon. Ang paghangang sumibol labindalawang taon na ang nakararaan, at naudlot dahil sa pagkawalay sa babae sa loob ng mahabang panahon.
      All along, inisip ni Seth na nawala na ang damdaming iyon. Pero nang muli niya itong makita–in such proximity–all grown up and beautiful, na-realize niya how in love he still was with her.
      That realization had just made his job even more complicated. Kung bakit ba kasi siya pa ang in-assign para mag-train sa spoiled brat na anak ng kanyang boss….

There’s More To Love
Hannah Wabe

     Buong buhay ni Merridy Beltran, palagi niyang naririnig ang mga katagang, “Alam mo, ang ganda ng mukha mo. If you’d only lose a little weight, you’d be perfect.” Gayunpaman, Merry, with her ever sunny disposition, was just happy to accept her fate.
     Hanggang sa makilala niya si Perfekto Zaragoza III. Kagaya ng pangalan nito, he was perfect. Isa itong modelo na nangailangan ng tulong ng isang gaya niyang dowdy CPA. Nagsimula siyang mangarap tungkol sa kanila.
     But reality came in the form her gorgeous cousin, and Merry came crashing back to earth on her fat bedimpled butt. Bakit nga ba magkakagusto ang isang perfect model sa isang tulad niya, kung naroon ang kanyang pinsan sa harap nito?

Oplan: End NBSB
Isabel Margarita

     Hindi naman sa pihikan si Luanne. At lalong hindi siya pangit. Nagkataon lang na wala siyang magustuhan sa mga lalaking nagpapakita ng interes sa kanya. Wala siyang maramdamang ‘spark’.
     Contrary to what her friends thought, sigurado siyang walang kinalaman doon ang dati niyang best friend na si Melvin. Kaibigan niya lang ang lalaki. Iyon lang. Period.
     Pero may kung anong tumusok sa puso ni Luanne nang makumpirmang nagbabalak na itong mag-asawa.
     At hindi iyon dahil nag-alarm na naman ang biological clock niya….

Guns And Kisses
Apple Jacinto

     Bilang cover sa kanyang ginagawang pagmamatyag, pumasok si Dominique na martial arts trainer ng sikat na artistang si Aidan Sy. May mga reports silang natanggap na nagkakaroon ng gun smuggling sa airline company na pagmamay-ari ng pamilya ng binata.
     Hindi kasama sa job description ang ma-attract siya sa charm ng actor at kung pinoprotektahan man niya ito, iyon ay dahil bahagi iyon ng trabaho niya. Pero paano niya pipigilan ang sarili kung ang lalaki mismo ang lumalapit at nagsasabing gusto siya nito? Gusto niyang sagutin ang binata na pareho sila ng nararamdaman ngunit nag-aalala si Nicky na makompromiso ang kanyang undercover job.
     Isa pa, siguradong walang kapupuntahan ang anumang relasyong simulan nila dahil pihadong magagalit din si Aidan kapag nalaman ang pagtatago niya rito….

Wishes And Promises
Jessica Gayle

     Bien had always considered himself a very sensible man. Subalit sa itinatakbo ng mga pangyayari, parang hindi ganoon ang lumalabas. Matapos siyang i-hold-up ng babaeng nag-disguise na binatilyo, mabaril niya ito at nakonsyensyang iuwi ito sa sariling bahay, nakuha na ni Kismet Mercado ang buo niyang atensyon.
     Alam niyang hindi niya ito dapat pagkatiwalaan, pero binago pa niya ang kuwento sa kanyangtiyuhin para protektahan ang imahe ng dalaga. At ngayon, ini-encourage niya ang pagkaaliw ng uncle niya sa babae at ang kagustuhan nitong ampunin si Kismet.
     Nabigla siya nang malaman kung bakit masyado itong pamilyar sa kanya—she was his very first love….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!