Posted on

Release For My Special Valentine And My Special Valentine Bestsellers!

Here are our titles for My Special Valentine and My Special Valentine Bestsellers!
Release
Want to read the story teasers?

Previews

Bestsellers: Innocent Temptress
Angie Montalban

     “Napakaganda mo para hindi malaman na naaakit sa iyo ang mga lalaki,” sarkastikong pahayag ni Alfon.
     “Bakit, naaakit na ba kita?” balik ni Bettina.
     “For God’s sake, leave me out of it! Huwag mo akong isama sa laro mo, okay?” iritadong tugon nito.
     “Why? Do I bother you?” Hindi ito sumagot. “Kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin, nagkakamali ka. I am only here to do my work.”
     At iyon dapat ang ginawa niya. She had no business falling for Alfon. Dahil kahit pa may katugon ang damdaming iyon, she would always be his second priority….

Bestsellers: Hearts At War
Suzette Villareal

     “Gugustuhin ko pang sabihin na dinukot ako ng alien kaysa aminin na kasama kita buong gabi,” ani Bernice sa katabi.
     Tumawa lang nang malakas si Fernan.
     “Buti naman at may nag-e-enjoy sa atin dito,” irap niya.
     “Kalimutan mo kaya muna ang alitan ng mga pamilya natin?” suhestyon ng guwapong heredero.
     “What? Forgive and forget?” sarkastikong balik niya.
     Bilang sagot ay inangkin nito ang kanyang mga labi.
     Nag-ipon siya ng lakas para ilayo ang sarili sa binata. “Umalis ka sa kumot ko, Borromeo.”
     “Nakakalimutan mong nasa bahay kita. At kumot ko ang gamit mo,” saad nito bago siya muling kinabig.

Seasons Of Love (Book 1 of 4): Winter Storm In My Heart
Leira Carlos

     Beatrice felt like a storm was brewing nang makita si Arnold sa training niya sa Chicago. Marahil dahil alam niya na naroon pa rin ito sa puso niya ilang taon man silang hindi nagkita. Pilit niyang pinipigilan ang damdamin para rito habang magkasama sila pero imbis na matuwa, nalito siya nang aminin ng binata na mahal siya nito noon pa man.
     Kung ganoon lang kadali ang lahat, wala sanang problema. Pero paano naman ang fiancé niyang nasa Pilipinas? Paano niya iiwan ang mismong lalaking tumulong para maghilom ang mga sugat sa puso niya na dulot ni Arn?
     It was like being caught in the middle of a raging snowstorm, but Bea knew she had to weather it all… at mamili ng isa sa dalawang binata….

Seasons Of Love (Book 2 of 4): Love Springs
Leira Carlos

     Sa pagkakaalam ng mga kaibigan niya, hopeless romantic lang si Belle at masyadong mataas ang standards kaya hindi pa rin nagkakaroon ng nobyo sa edad niya. Ang hindi alam ng mga ito, hinihintay niyang sumibol ang pag-ibig para sa kanya sa puso ng lalaking matagal na niyang minamahal. Unfortunately, malapit na kaibigan lang ang designation niya sa buhay ni Julius.
     Ngayong muli silang nagkita at single na uli ang binata, nabuhayan si Belle ng pag-asa na magkakaroon na siya ng puwang sa puso nito. She should get to work para makuha ang atensyon ni Julius at ipaalam ditong hindi siya one of the boys.
     At kailangan niyang simulan iyon sa wardrobe niya—oras nang ipakita sa binata ang itinatago niyang physical assets.

Seasons Of Love (Book 3 of 4): Heat Of The Summer
Leira Carlos

     Unti-unti nang natutupad ni Alarice ang mga pinangarap niya. General manager na siya sa isang hotel sa Chicago at ngayon, matutuloy na rin niya sa wakas ang plano niyang i-treat ang sarili sa isang Caribbean cruise.
     Pero unang araw pa lang sa cruise, parang gusto na niyang pagsisihan ang pagtungo roon matapos makita si Bradley—ang kauna-unahan niyang crush, love at heartache. Gustuhin man nilang maging civil sa isa’t isa at umaktong magkaibigan gaya noon, mukhang mahihirapan sila pareho—masyadong masakit para kay Rice ang nakaraan na pinapaalala ng pagsasama nila ng binata, at summer fling naman ang hanap ni Brad sa kanya….

Seasons Of Love (Book 4 of 4): Fall For You
Leira Carlos

     Trip to Boston. Iyon ang pangako ng Daddy Manny ni Lainey sa kanya. Simula nang makita siya nitong gumuguhit ng bahay, naging parang ama na niya ito at mentor na rin nang i-hire siya ng matanda na mag-trabaho sa pag-aari nitong architectural firm.
     Ang kapalit? Sa trip na iyon ay susubukan niyang baguhin ang isip ng nag-iisang anak nitong lalaki na si John Paul para huwag na itong pumasok sa seminaryo. Naniniwala ang matanda na vocation of marriage ang para sa anak nito at hindi ang inaakala ng binata na vocation of priesthood.
     Takot mang tamaan ng kidlat ay napapayag na rin si Lainey. Ang problema, hindi man tinamaan ng kidlat ang dalaga, pana naman ni Kupido ang tumusok sa puso niya….

His Secondhand Heart
Camryn Morrell

     Hindi puwedeng basta na lamang kalimutan ni Devin ang motto niya: Smart people stay single. Sa loob ng dalawang taon, matapos ang isang matinding heartache mula sa one great love niya, iyon na ang definition niya sa relationships: isang malaking sakit ng ulo. Pangako niya sa sarili, hindi na siya muling papayag na kontrolin ng isang babae ang emosyon niya. Pero mukhang kailangan niyang bawiin ang mga ipangako sa sarili nang makilala niya si Vivienne. He thought she was one
of a kind. Hindi niya maitanggi na masaya siya kapag kasama ito—ecstatic pa nga, actually. And he was in big trouble.
     Ang hindi niya lang maintindihan, parang excited pa siya sa pagkakataong ito, na magpakatanga at sumugal sa pag-ibig….

One Fateful Ride
Aira Felicity

     Ang hinahanap lamang ni Kaye sa bakasyon na iyon ay sandaling kalayaan. Pagkatapos ng ilang linggo ay babalik siya sa Maynila at haharapin ang kinabukasang pinili para sa kanya ng lolo niya—ang pakasalan ang apo ng matalik nitong kaibigan.
     Pero may ibang plano ang tadhana. On that one fateful ride, nakatabi niya sa bus si Ranz Javier and her life changed. She fell in love at felt loved. Wala na siyang ibang hiling kundi ang manatili sa piling nito.
     Gayunpaman, alam ni Kaye na gustuhin man nilang magkasama habang-buhay, it would not change a thing. Maghihiwalay pa rin sila at ipapakasal pa rin siya sa iba….

A Charming Accident
Liana Sky

     Aksidente. Iyon lang ang maaaring irason ni Olivia kung bakit naloka siya nang isang gabing iyon at ibinigay ang sarili sa kaibigan ng kuya niya, na iilang araw pa lang niyang nakikilala at nakikitira lamang sa bahay niya. Unang-una, hindi sila nagmamahalan. Pangalawa, hindi niya puwedeng idahilan ang alak na nainom dahil malakas ang alcohol tolerance niya. Pangatlo, may ibang mahal si Travis Yu, na siyang dahilan kaya ito umuwi ng Pilipinas.
     Pero ngayong nadiskubre ni Oli na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila, masakit man at alam niyang wala siyang panalo, kailangang mamili ni Travis sa pagitan niya at ng nobya nito….

When Love Comes Along
Mari Calingayan

     Noong una, gusto lang ni Jared na magkawanggawa. Nakikita niyang kailangang-kailangan ni Raven ng driver kaya nang maipagkamali nito na siya ang aplikante para sa nasabing posisyon ay nagpatianod na siya sa sitwasyon. Ngunit habang tumatagal, nababago na ang rason niya sa pananatili sa bahay na iyon. Gusto na niyang tulungan ang dalaga sa pangangalaga sa mga batang kinukupkop nito; ayaw niya itong makitang nahihirapan.
     Maaari niyang itama ang maling akala ni Raven at magpakilala bilang kaibigan ng kapatid nito but it would end there. He would have to say goodbye and be on his way.
     At parang kinatatakutan ni Jared na dumating ang araw na iyon….

Ready For Love
Terri Dizon

     Inaasahan ng lahat na mamayagpag ang career ni Kara sa musika, subalit nang pumanaw ang nobyo niyang si Michael ay kasabay rin nitong nailibing ang gana ng dalaga na ipagpatuloy ang pangarap.
     Ni wala sa hinagap niya ang pagpasok sa isa pang relasyon nang makilala niya si Ross Trinidad. Bagaman mayabang ang una niyang impression dito, nabago iyon nang makilala na niya nang husto ang lalaki. Bago pa niya namalayan, pinuno na nito ng galak at inspirasyon ang puso niya. She wanted to sing again. At pakiramdam niya, she was ready for love—handa na siya para kay Ross.
     But for reasons not clear to Kara ay hindi sumipot ang binata noong gabing pinangako niyang aawitan niya ito….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!