Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our titles for My Special Valentine!
Release
Want to read the story teasers?

Previews

Lovesick MDs (Book 1 of 4): Antidote For Heartache
Elise Estrella

     Modern-day fairy tale princess ang tingin ni Dr. Oliver Legaspi kay Emma—beautiful, sweet, delicate, pero may strong and feisty side na lumalabas especially at times na kailangang protektahan ang mga estudyante nito. Noon pa mang una niya itong nakilala, he was already wondering kung puwede pa siyang magkaroon ng happy-ever-after. After his ex-fiancée’s death, inakala niyang kasama ring namatay ang pangarap niyang iyon, ngunit nang makilala niya ang pre-school teacher, tila na-revive ang puso niya.
     Ngunit natatakot siya. Alam ni Oliver, there were still parts of his heart that time had not yet healed. At hindi iyon nararapat para kay Emma. She deserved a Prince Charming. Kaya dapat manatili na lang na platonic ang relasyon nila.
     But it was too darn difficult to stay away from her….

Lovesick MDs (Book 2 of 4): Symptoms Of Affection
Elise Estrella

     Parang virus na mabilis na kumalat sa sistema ni Dr. Gareth Legaspi ang epekto ni EleanorBallesteros. He liked her the very first second he set his eyes on her, at lalong yumayabong iyon sa bawat pagkakataon na nagkikita sila—na madalas mangyari dahil bilang nag-iisang kapatid ng kanyang hipag, halos kapamilya na ang turing nilang mga Legaspi sa dalaga.
     Ang hindi alam ng iba, he was dreaming of building a family with her. At nang makipag-break si Eleanor sa nobyo nitong siyang tanging hadlang kaya hindi niya mapormahan ang babae, hindi na siya nagpaliguy-ligoy.
     He had every intention of charming his way into her heart….

Lovesick MDs (Book 3 of 4): A Dose Of You
Elise Estrella

     Kung hindi lang niya mahal ang Ninong Larry niya, hindi gagawin ni Dr. Sam Legaspi ang makipaglapit sa anak nitong si Sophia. Mula noong mga bata pa, para na silang mga gamot na contraindication ng isa’t isa. Gayon pa man, dahil concerned siya rito bilang kinakapatid, hindi niya gustong mapariwara ang dalaga. So he did what his godfather asked him to do: bantayan ang babae parati para masigurong hindi ito nagda-drugs at hindi magagaya sa best friend nito na namatay dahil na-overdose sa ipinagbabawal na gamot.
     Pero habang nakikilala si Sophia, parang nalilito siya sa nalalaman tungkol dito. Bakit parang hindi ito iyong sophisticated, party girl, spoiled brat na kinaiinisan niya? Bago pa napansin ni Sam, nalimutan na niyang hiling lang ng ninong niya ang dahilan ng pagsama-sama niya sa dalaga.
     Tinamaan yata siya ng ‘Sophia fever’….

Lovesick MDs (Book 4 of 4): Immune To Love
Elise Estrella

     It could be hormone-induced; puwede ring nahawa lang siya ng love virus mula sa kanyang mga kapatid; or totoo lang talaga ang love at first sight. Iyon ang mga naiisip ni Dr. Jordan Legaspi na mga posibleng rason kung bakit gusto niya si Gracie Garcia.
     Pero hindi pa man, basted na siya kaagad sa dalagang NBI agent. Mabuti sana kung broken heart ang dahilan nito kaya ayaw magnobyo, puwede niya pa sanang resolbahan iyon, him being a cardiologist. Ang kaso, hindi. Para kay Gracie, pakikipagrelasyon ang pinakahuling bagay na iisipin nitong pasukin sa dami ng mga bagay na iniintindi nito—namely, ang lola nitong may-edad na, ang pamangkin nitong may autism at ang mga panganib sa buhay nito dahil sa trabaho nito.
     Hindi naman papayag si Jordan na dahil lamang doon ay babastedin na siya ng babae. He was determined—as serious as a heart attack—na mapasagot ang magandang binibini.
     So Gracie should better brace herself….

Teach Me To Love
Ella Gualvez

     He could be a leading man in her next erotica novel. Ito ang unang pumasok sa isip ni Marjorie nang masilayan si Nigel Alejo, ang bagong chairman ng school na pinagtuturuan niya. Nangangati tuloy ang mga daliri niya na tumipa sa keyboard at umpisahan ang plot line na naisip niyang gamitin dito.
     Naputol ang perverted imagination niya at nauwi sa horror ang ideas niya nang ipakita nito ang notebook niya na ilang araw na niyang hinahanap. Sa pag-iisip ng paraan para malampasan ang sitwasyon, naalala niya ang usual plot lines ng mga nobela niya at nagpasyang gamitin ang isa roon. She told him she would do anything, huwag lang nitong ipaalam kahit kanino ang natuklasan nito. In short, para siyang napasok sa sarili niyang kuwento.
     Nang hagkan siya ng binata, nadiskubre niyang hindi lang pala ang kaguwapuhan ni Nigel ang maaari niyang mapulutan ng ideas para sa mga nobela niya….

Someone To Love
Edith Joaquin

     Ang common denominator nina Eric at Lei, pareho silang naapektuhan ng pag-iibigan nina Kyle at Ina. Pareho rin silang medyo nagpapahinga pa sa pakikipagrelasyon dahil nga sa emotional blow na natanggap nila.
     Pero iba ang epekto ng binata sa kanya. Para siyang sundalong naagawan ng sandata dahil tila sinasabi ng ngiti ni Eric: ‘I came, I saw, I conquered’ at siya ang kaawa-awang biktima. His stares were always leaving her breathless at natagpuan niya ang sariling nag-i-imagine kung paano ito humalik.
     They were both looking for someone to love, pero walang sapat na patunay na sila na nga ang para sa isa’t isa….

Bayarang Puso
Satine Ortega

     “Gusto kong kunin ang serbisyo mo sa loob ng isang buwan,” malamig na deklara ni Nick. “Gawin na nating dalawa o tatlo kung hindi pa ako nagsasawa sa ’yo.”
     “Take your itch somewhere, Nick. Maraming babae ang gagawa ng gusto mo nang walang kapalit,” tiim-bagang na sagot ni Anna.
     “You don’t understand.” Umiling ito. “Ikaw ang gusto ko. Kaya samantalahin mo na habang nababaliw pa ako sa ’yo.”
     Naningkit ang mga mata niya. “You are a monster. Katawan ko lang pala ang gusto mo!”
     “Pera ko lang rin naman ang gusto mo so we’re even.”
     Mas simple nga siguro kung tama ang binata sa sinabi nitong iyon. Pero dahil ni hindi sumagi sa isip ni Anna ang pera noong una siya nitong inangkin, it made everything a lot more complicated….

Bad Boy’s Kiss
Ally Falcon

     For Andrea, beauty is her gift and her curse. Alam niyang pinagbibintangan siyang mistress ng kung sinu-sinong mayayamang tao. Ang mga kabaro niya ay kontrabidang homewrecker at mang-aagaw ng boyfriend ang tingin sa kanya.
     Naloloka man ang mga lalaki sa alindog niya, alam niyang sa likod ng mga isip ng mga ito ay ang kaisipang easy lay siya o two-timer kaya. They might be lusting after her but they were thinking she did not deserve to be respected.
     At hindi naiiba si Philip Aldeguer sa mga binatang iyon. Ang kaibahan lamang nito, his opinion mattered to her so much….

Simulan Natin Ang Wakas
Tarra Buluran

     Sa lahat ng pinakainiiwasan ni Alice ay ang magaya sa kapatid at magmahal ng isang mayaman. Ginawang libangan ng isang affluent bachelor si Sandra; na siyang naging dahilan ng kasawian nito sa pag-ibig at buhay.
     Ngunit mahirap para sa kanyang pigilan ang damdamin, lalo pa at ramdam niya ang sinseridad ni Russel nang magpahayag ito ng damdamin at hindi niya maitatanggi ang ligayang idinudulot nito sa kanya. Natatakot man, pinalis iyon ni Alice at nagpatianod sa kung ano ang tinitibok ng kanyang puso.
     Para lamang matuklasan ang kaugnayan ni Russel sa mismong lalaking nanakit sa kanyang kapatid….

Keep Me In Your Arms
Carla Giopaolo

     “Huwag kang mag-alala, Michael. I don’t mind. We’re two consenting adults and people do it all the time,” ani Cate. Stupid her, inakala niyang may espesyal na namamagitan sa kanila ng binata noong una silang magkakilala, pero ginamit lang pala siya nito para sirain ang political career ng kanyang ama.
     “Of course, Cate. I’m glad to have been of service to you.” Tila nagpipigil ito ng galit na siyang ikinapikon niya.
     “You’re one cold-hearted bastard.”
     “And you’re a self-centered little bitch. Ngayong malinaw na ’yan, mas makabubuti siguro sa ating pareho na hindi na magkita ulit.”
      Tama ngang iwasan siya ni Michael. Ganoon ang dapat gawin sa mga babaeng pinangakuan ng pangarap at pagkatapos ay iniwan….

Nirvana Sa Puso Niya
Mika Edelstann

     Na-shock ang de buena familia ni Avalon nang kinalbo niya ang sariling ulo, tumira sa squatters’ area, at namalimos. Doon kung saan walang nakakaalam na isa siyang pamosong watercolor artist. Tiniis niya ang gutom at paghihirap, na tila ba isa siyang Buddhist na may vow of poverty. Ginusto niya iyon pansamantala hanggang maka-recover siya sa pagkamatay ng kanyang nobyo. Kaya niya sigurong tiisin ang kahit ano para lamang makalimot.
     Pero muntik nang maubos ang pasensya niya nang akusahan siyang magnanakaw ng isang mayamang estranghero. Kung hindi niya napigilan ang sarili, baka nasapak niya ang pang-Hollywood pa naman sanang mukha nito. Itinaboy ito ni Avalon, kasama ng masamang ugali nito palabas sa eskinita.
     Ngunit bumalik ang binata at sinabing kilala siya nito….

Love On Thin Ice
Leira Carlos

     Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nila noon bilang skating buddies, hindi magawa ni Breanna na tanggihan si Gabe nang magbakasyon ito sa Pilipinas at hilingin na samahan niya itong mamamasyal sa mga susunod na araw. Magkaibigan sila at ayaw niyang isipin nito na hindi niya talaga ito napatawad sa nangyaring injury niya noong huli silang makipag-compete sa skating. Hindi rin nito puwedeng malaman ang tunay na dahilan kung bakit pilit siyang lumalayo rito.
     Ayaw na niyang mahirapan at umasa pang hindi lang pang-skating rink ang chemistry nila ni Gabe. Nagawa na niya iyon noon at nasaktan lang siya. Engot na lang talaga siya kung hahayaan niyang maulit iyon ngayon….

Pasaway Kong Puso
Monica Bautista

     Dahil sa concern sa pasimula pa lang na career ng kanyang identical twin, pumayag na rin si Louisa na siya ang magtungo sa Singapore at sumama sa natanguan at hindi na maikakansela pang cruise ng kapatid.
     Pero nayanig yata pati bahay-bata ni Louisa nang imbis na female acquaintance, nobyo nitong si Adrian Buenaventura ang sumundo sa kanya sa airport paglapag ng eroplano. Lalo siyang nanigas nang batiin siya nito ng isang toe-curling kiss.
     Hindi sana mahirap magpanggap na nobyang in love dito dahil mahal niya talaga si Adrian mula pa noong una niya itong nakilala two years ago. Ang hindi madali ay ang gagawin niyang pagharap sa lalaki matapos nitong matuklasan ang panloloko niya….

Meant For Me
Aki Salcedo

     Nasaan na ba kasi ang ‘someone meant for her’ na iyon at ang tagal dumating? Naiinip na si Cyanne sa kahihintay. Sa edad niyang twenty-five, hindi pa siya minsan man nagka-boyfriend. Ang mas nakakainis, kahit maganda siya at matalino, walang magkamaling manligaw sa kanya.
      At ang lahat ay dahil sa buwisit na si Nathaniel na dikit nang dikit sa kanya at inaakala ng buong village na nobyo niya. Kung alam lang ng mga ito, kabi-kabila ang babae ng walanghiya at pinagtitripan lang siya.
      Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit parang may tila aspileng tumutusok sa puso niya dahil sa kaisipang iyon….

Promise Of Forever
Katrina Ramos

     Wala sa katinuan na tinanggap ni Charm ang pangahas na paghalik ni Monty sa kanya. Kahit alam niyang mali ang nangyayari, parang nahipnotismo na ipinikit niya ang mga mata at nagpaubaya.
     “Melai,” bulong ni Monty.
     “Hmm…”
     “Melai?” nalilitong banggit ng binata.
     Tigagal na natauhan si Charm. Nagawa na ba niyang ibigay ang lihim sa pamamagitan ng kanyang kilos? Alam na ba nito ang itinatago niya? Dapat talaga hindi niya hinayaan ang sariling maapektuhan muli ng mga halik ni Monty.
     Tama na ang minsan….

The Heart Never Forgets
Maristella Feliz

     Noon pa mang unang mamulatan ni Ericka ang guwapong mukha ni Harvey, madiskubre na ito ang nakatagpo at kumupkop sa kanya, minahal na niya ang binata. Ang mga kapamilya nito ay umaasa nang siya na ang babaeng magpapasaya sa buhay nito.
     Pero hindi puwedeng mapalapit siya kay Harvey at hayaang yumabong ang mga damdamin nila para sa isa’t isa hangga’t hindi pabumabalik ang memorya niya. She was wearing an engagement ring at hindi man niya maalala kung sino ang nagbigay niyon, alam niyang dapat manatili sa nalimutang fiance ang loyalty niya.
     Ngunit hindi man nararapat, pahirap nang pahirap para kay Ericka na pigilan ang puso niya na pangalan ni Harvey ang itinitibok….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!