Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our titles for My Special Valentine!
New Release
Want to read the story teasers?

Previews

Dreams Café (Book 1 of 4): Dreamcatcher
Carla Giopaolo

     “May reunion ang buong pamilya next month at doon balak ganapin sa old house,” tukoy ni Jeff sa mismong bahay na gusto nilang upahan ng mga kaibigan para sa business na itatayo nila—ang Dreams Café.
     “We’ll wait until after the reunion. Mga three months pa naman bago kami magbukas and—”
     “Hindi iyon ang concern ko, Ivy. Kailangan ko ng fiancée…”
     “Well, puwede ka sigurong mag-propose sa girlfriend mo. Normally, ganoon ang ginagawa para magka-fiancée, di ba?
     Sa unang pagkakataon mula noong magkakilala sila, Jeff smiled. At hindi masyadong maganda ang epekto niyon sa heartbeat ni Ivy. “Pero wala akong girlfriend.”
     “Oh,” tanging nasabi ng dalaga. Naalala niya ang sinabi sa binata na gagawin niya ang kahit ano makumbinsi lang ang lalaki na iparenta sa kanila ang bahay….

Dreams Café (Book 2 of 4): Dream Weaver
Carla Giopaolo

     “Lance, pareho lang tayong napapagod. Pirmahan mo na lang ang divorce papers natin para matapos na,” pakiusap ni Mylie.
     “I can’t,” hirap na sagot ng lalaki. “I still want to be married to you.”
     “Ang tagal naman bago mo naisipan na iyan pala ang gusto mo!” asik niya. Limang taon silang hiwalay; limang taon nitong pinaramdam na hindi siya importante sa buhay nito. At ngayon nito sasabihin iyon? “Naipangako ko na ang kinabukasan ko sa iba. I want to move on with my life. So please, Lance, I beg you…”
     Matagal siya nitong tinitigan bago nito sinabi, “You’re free.”
     Dapat masaya na si Mylie. Nakuha na niya ang gusto niya, pero para siyang namatay. Her heart ached upon seeing the intense hurt on his face….

Dreams Café (Book 3 of 4): Dreamscape
Carla Giopaolo

     Nang buksan nilang magkakaibigan ang DreamsCafé, kasabay niyon ang desisyon ni Lexie na tuluyan nang iwan ang modeling career. Pero napilitan siyang gawin pa ang isang soap commercial dahil sa kanyang ambisyosang ina.
     Ang ngitngit ay ibinunton niya sa shooting ng commercial. Isang rotten spoiled brat na Alexis Nicholas ang nakasama ng mga tao sa set. Sa isip ay nag-diriwang siya. Dahil sa bratty model image niya, her career would soon be down the drain. Makakaalis na rin siya sa para sa kanya ay superficial na mundong iyon.
     Too bad mukhang si David Ortaleza—ang macho alpha male jerk na mismong director ng commercial—ang sisira sa mga plano niya….

Dreams Café (Book 4 of 4): Dream Master
Carla Giopaolo

     Sa halip na ang pinaplanong muling pag-alala sa bittersweet memories ng una niyang pag-ibig, pagsusungit sa kasama sa bahay ang ginawa ni Isabel nang makarating sa Angel’s Cove. Hindi niya inasahan na may aabutan siyang isang estranghero sa bahay-bakasyunan ng kanilang pamilya. Granted pinapantasya ito ng buong Pilipinas dahil sa talent nito sa pagkanta at nakakakilig na kaguwapuhan, wala siyang pakialam. Hindi pa rin niya gustong nagugulo ang mga plano niya.
     For a control freak like her, sakit sa ulo ang dulot ng mga sorpresa—and yes, kahit pa kasing-guwapo ni Jude Escalante ang surprise na iyon!

Safe In Your Arms
Edith Joaquin

     “Gusto ko lang sanang magpakilala sa ’yo nang pormal,” anang lalaking humabol kay Ina.
     Tanda pa niya ang kapreskuhan nito noong una silang nagkaengkuwentro kaya nagtaray siya. “At bakit, sa palagay mo, magkakainteres akong makilala ka? Na guwapo….” Natigilan siya nang tumambad sa paningin niya ang nakaburdang pangalan sa uniporme ng lalaki: Lt. Kyle Magdayao.Napatayo siya nang tuwid at masama ang loob na sumaludo rito. “Begging your pardon, Sir.”
     He gave her a disarming smile. “I will accept your apology kung papayag kang mag-date tayo.”
     Bukod sa bawal tumanggi sa isang senior officer, hindi niya rin iyon magagawa dahil sa mga mata nitong napakalagkit tumingin. “Sir, yes, Sir,” aniya.
     Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki….

First And Forever
Aira Felicity

     Nasaksihan ni Neil ang pagdadalaga ni Jasmine.
     Mula noong maulila ito sa mga magulang, siya na ang tumayong magulang, kapatid, best friend, protector nito—he was practically everything she needed.
     Ngunit nagbago ang lahat isang gabi. Napansin niya, his little girl had grown into a very beautiful woman and it roused confusing and intense feelings inside him—na hindi tama.
     Kaya ginawa niya ang sa tingin niya ay nararapat: nang masigurong kaya na nitong hindi dumepende sa kanya, tinakasan niya ang sitwasyon at iniwan ang dalaga. He had to protect her from himself… and shield himself against the impending heartaches.
     Hindi akalain ni Neil na sa pagbalik niya ay matatagpuan niyang naroon pa rin ang damdaming iyon sa puso niya para kay Jasmine—and it was
much more potent.

Dean’s Kiss
Olivia Ray

     Isang lalaking pasuray-suray sa paglakad ang nakita ni Charlotte na dumaan sa bintana ng bahay na ipinamana ng kanyang abuela. Iyon ang unang pagtapak niya roon matapos ang ilang taon.
     Dapat matakot siya; walang kuryente at nag-iisa siya. But the stranger was too drunk to be feared. Nakita niyang humilata ito sa sahig at pagkatapos ay nag-pass out na.
     Marahan niya itong nilapitan. Nalaglag ang panga niya nang makilala ang estranghero—it was Dean, isang dating kaibigan.
     Kumabog ang dibdib niya nang maalala kung paano nagtapos ang ugnayan nila: She had asked Dean for a kiss, and that cost Charlotte her best friend and her first love….

Ayaw Ko Sanang Mahalin Ka
Leira Carlos

     “Look, Conner, whatever impression you have of me, it’s wrong. I have a boyfriend and… malapit na kaming ikasal,” tangkang paliwanag ni Lauren, hoping he would just give up on her. Pero sadya yatang determinado ito.
     Mataman siyang tiningnan ng binata. “Gusto kita at alam ko, the feeling is mutual. You only need to be honest with yourself and admit how you really feel about me.”
     Alam niyang kasalanan niya rin. Kung hindi niya tinugon ang halik nito, wala sana itong makakatuwiran.
     “I just want to have a peaceful life with my fiancé.”
     Nagdilim ang anyo ni Conner. “You will be mine, Lauren, no matter what it takes.”
     His tone frightened her—over and above, the too intense emotions she felt for him this soon….

Take Me To Your Heart
Faith A. Teodoro

     Ordinaryo lang ang buhay ni Zoe. May masayasiyang pamilya, maayos na trabaho. Hanggang sa maging kaibigan niya si Drake, ang misteryosong officemate nila. Napakabilis ng lahat, mula sa katrabahong ni hindi siya kinikibo, naging nobyo niya ito.
     Simula nang maging sila ay parang inulan siya ng grasya. Bukod sa naging magaan ang mundo niya, na-promote pa siya sa trabaho. Ang akala niya ay perpekto na ang lahat at wala na siyang mahihiling pa.
     Hanggang sa matuklasan niya na ang ‘perpekto’ na buhay niya ay isa lamang palang kasinungalingan—ang pamilya niya, ang promotion at… pati si Drake?
     Hindi niya halos mapaniwalaan ang huli. Hindi narin alam ni Zoe kung aling bagay tungkol sa kanila ngbinata ang totoo, at alin ang bahagi ng panloloko….

A Recipe For Romance
Mika Edelstann

     Ang kanyang vegetable garden, negosyo at ang trabaho niya bilang aikido instructress—iyon lang ang iniikutan ng mundo ni Hero. Walang social life ang dalaga so malamang boring ang tingin ng iba sa buhay niya, yet, she’s happy. Mas mabuti nang doon niya ituon ang panahon; ayaw na niyang maulit iyong naranasan niyang sakit noong indyanin siya ng kanyang nobyo sa altar.
     Ngunit tila biglang nagkaroon ng spice ang buhay niya mula nang matagpuan ang isang nilalagnat at dehydrated na estranghero na nakalupasay sa garden niya. Off-limits sa mga lalaki ang bahay niya, pero hindi kaya ng konsyensya ni Hero na ipagkait ang tirahan habang nagpapalakas ang binata na isa palang chef. At malaki ang maitutulong ng mga inimbento nitong luto sa negosyo niya.
     She had never guessed fate itself was cooking for them a recipe for disaster… or was it a recipe for love?

A Cup Of Love
Katrina Ramos

     Dahil sa kakaibang timpla ni Jersey ng kape, sigurado nang may panggastos siya hanggang sa maka-graduate siya ng kolehiyo. Naging mainit ang unang pagtatagpo nila ni Tristan Sarmiento—mainit literally, dahil natapon sa kanya ang laman ng coffee cup na bitbit niya nang magkabanggaan sila. Pagkatapos niyon ay ilang instances na nagkasagutan sila. Pero salamat sa kape niya, binili nito ang recipe niyon at binigyan pa siya ng trabaho. Unti-unti parang humahakbang na siya papalapit sa katuparan ng mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.
     Ang kaso, habang nakikilala niya ang binatang boss niya, panibagong pangarap ang sumibol sa puso niya: Jersey wanted his love. Pero sa layo ng diperensya ng mga mundo nila, mas tama yatang tawagin iyong ‘ilusyon’….

Loving You
Lady Lalaine

     Ang tanging layunin ni Sarah sa pagtungo sa balwarte ng kanyang abuelo sa Albay ay upang sumbatan ito nang harapan. Kung hindi sa pagtakwil ni Señor Enrico Salvador sa kanyang ina, hindi sana sila naghirap sa buhay… at marahil buhay pa ang nanay niya.
     Wala sa hinagap niya na isang sakiting matanda ang kanyang makakaharap at agad nawala ang hinanakit niya rito nang lubos itong makilala. Maging ang kanyang mga pinsan ay tinanggap din siya bilang kaanak.
     Bukod-tanging si Atty. Gabriel Villafuerte—ang abogado ng kanyang lolo—ang hindi niya makapalagayang-loob. Marahil duda ito sa dahilan ng pagtungo niya sa lugar na iyon.
     Sarah was not supposed to care anuman ang iniisip ng binata ukol sa kanya… Gabriel’s opinion should not matter to her.
     But it did….

Angel Of Mine
Doreen Laroya

     That Angelo Lacsamana was definitely inappropriately named, naisip ni Destiny.
     Malayo sa pagiging anghel ang ugali nitong nuknukan ng sama. Imbis na tulungan siya sa kanyang problema, parang natutuwa pa itong makitang nahihirapan siya at napapahiya.
     Saka may anghel bang ganoon kainit kung tumitig? Ganoon ka-wicked ngumiti? At may katawan na parang laging magyayaya na gumawa ng pagkakasala?
     Ang masama pa, ipapakasal siya ng ama sa Angelo na iyon ilang linggo mula ngayon….

Love On The Rebound
Alyanna Muriel

     Kumbaga sa basketball, zero ang field goal ni Mikaela pagdating sa pag-ibig. Sa tatlong relationships na pinagdaanan niya, tatlo rin ang nagtapos na siya ang sawi. Ang huli na inakala niyang sure ball nang sa altar ang ending, ay mintis din pala. Sobrang foul nang ginawa nitong pangtu-two-time sa kanya.
     Mabuti na lang, may Vince Talavera siyang kakampi. Ang dating nobya nito ang sinamahan ng kanyang ex-boyfriend. Kaya natural lang sigurong mag-teamwork sila para maka-move on.
     Ang kaso, dati na niyang pinagpapantasyahan ang matitigas na biceps at triceps, six-pack abs at nakangangalay ng leeg na katangkaran ng kanyang über hot neighbor at mahirap pigilan ang tila bolang dini-dribble na reaksyon ng puso niya kay Vince. But then, hindi sigurado si Mikaela kung makakapuntos na ba siya sa pag-ibig this time o rebound fling lang iyon. And the ball was not in her court….

My Lady Athena
Monica Bautista

     Siguro nag-aalala na ang lolo niya. Iyon lang ang naiisip ni Athena na rason para maisip nitong mag-set up ng blind date para sa kanya. Magte-treinta na kasi siya, pero pulos sa career bilang abogado nakatuon ang isip niya.
     Masyado yata siyang naapektuhan ng realidad ng buhay kaya hindi na siya naniniwala na may isang lalaking ka-perfect match niya. Sapat na ang edad niya para matanggap niyang hindi nag-e-exist sa tunay na mundo ang Prince Charming ng mga storybooks at fairy tales na dati niyang binabasa, o ang tall, dark and
handsome strangers na may busilak na kalooban at nagniningning na mga mata…
     Coincidental man o sinadya, it turned out na si Migs Linares ang kanyang date. Partners in crime sila dati noong high school.
     Subsequently, Athena was forced to revise her earlier statements about tall, dark and handsome Prince Charmings….

If Love Is Blind
Terri Dizon

     Matapos maaksidente, mawalan ng paningin at ipagpalit ng kanyang nobya, nawalan na ng kahulugan at direksyon ang buhay ni Derek Legarda.
     Until Ella. Ang kanyang matiyagang tagapag-alaga ang nagbigay ng ngiti at pag-asa sa puso niya. Dahil din sa dalaga, lakas-loob siyang nagpaopera upang muling makakita. She gave him a reason to live—and love—again.
     For Derek, Ella was like the dawn after the darkest night; the light that made him see the beauty in life once more.
     Kaya parang muling gumuho ang mundo niya nang malamang panloloko lamang ang lahat ng ipinaramdam sa kanya ng babae.
     Derek had sworn never to be blinded by his love for her again, pero nililito siya ng lungkot sa mga mata ng dalaga….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!