Posted on

Release For December 2009

Here are our titles for My Special Valentine!
Release for December 2009
Want to read the story teasers?

Previews

Crowned Beauties (Book 1 of 3): Miss Fortune
Hannah Wabe

     Fortune Delgado was wondering how someone with her name could find herself stuck in a series of misfortunes.
     Sa lamay ng kanyang ama, natuklasan nila na second family lang pala sila nito. At nang mahikayat siyang sumali sa Miss Philippines pageant, pinangakuan siya ng lalaking inakala niyang magugustuhan niya na papanalunin siya. Pero ang kondisyon? She would have to sleep with him. Hah, ang kapal!
     To top it all, she found herself dreadfully disappointed nang malaman niyang naghahanap na ng ibang mamahalin ang best friend at dati niyang manliligaw na si Richard. Binasted niya ito noon at sinabihang mas okay na manatiling friends lang sila, but here she was wondering why he got over her so easily.
     Kung hindi man bunga ng kamalasan niya ang huli, siguro ia-attribute na lang niya sa kaengotan….

Crowned Beauties (Book 2 of 3): Miss Understanding
Hannah Wabe

     Unang kita pa lamang ni Minnie kay Stephen, hindi na maganda ang vibes niya sa binata. Aba, muntik lang naman siyang sagasaan ng Mercedes-Benz na dina-drive nito. From a case of misunderstanding, parang gusto na niyang magdeklara ng World War III nang tawagin siya nitong ‘Tibo’. Ngunit bago pa man niya iyon magawa, nakalayo na ang sasakyan ng lalaki.
     Dahil may meeting pa siya with a congressman about the relocation of a squatter community, pinilit niyang ikalma ang sarili. Ganoon na lang ang gulat ni Minnie nang marating niya ang Batasang Pambansa at malamang si Aroganteng Driver pala at si Congressman Arellano ay iisa. Ito pala ang sikat na kongresista na madalas ma-link sa mga beauty queens.
     Eh, pasado pa naman siya sa final screening ng Miss Philippines pageant….

Crowned Beauties (Book 3 of 3): Miss Matched
Hannah Wabe

     Dahil lumaking isang kahig, isang tuka at ngayon ay sole breadwinner ng pamilya, unang-una sa priorities ni Bree ang pagkita ng pera. Kaya marami siyang raket—parlor girl, direct selling agent, waitress, bikini girl contestant at iba pa. Iyon din ang pangunahing rason kaya siya sumali sa Miss Philippines pageant. Ambisyon niyang yumaman at past time na niyang mangarap ukol sa mayamang prinsipe na magbibigay sa kanyang pamilya ng komportableng buhay.
     Kung bakit naman ang tanga niyang puso ay kay Lambert Robles pa tumibok! Sa maliit na kita nito bilang waiter, malabong maisalba ng binata ang pamilya niya mula sa kahirapan.
     Masakit mang tanggapin, it only showed that they were a mismatch. And hers was a typical case wherein she must use her head instead of her heart….

Don’t Steal My Heart
Precy Fontanilla

     “You are a mystery to me, Gina. Hindi ko alam kung paanong nahulog ang loob ko sa ’yo sa napakaikling panahon,” seryosong ani Marcus, gamit ang pangalang ibinigay niya. Nakatitig ito sa kanya.
     “Please, Marcus. Mas mabuti kung gawin nating impersonal ang ating pag-uusap. Kapag may nakakitang iba sa atin ay baka iba ang isipin—”
     “I never cared about what people think of me.”
     “Well, I do!” malakas na sagot ni Yegana. Bagaman sigurado siyang mahal na niya ang lalaki, mas gugustuhin niyang magalit ito sa kanya ngayon. Dahil tiyak na higit pa roon ang makukuha niya oras na malaman nito ang totoo—that she was a professional thief at ang mismong pamilya nito ang nanakawan niya….

Under Your Spell
Jean Mae Oryza

     Dahil sa dami ng pinagkakautangan ay tinanggap ni Kim ang alok ng isang kaibigan na magbakasyon muna sa probinsya nito—sa Siquijor. Nasisiguro niyang hindi na siya susundan doon ng mga naniningil. Hah! Takot lang ng mga ito sa mystical island.
     Okay na sana ang bakasyon/pagtatago niya kung hindi lang sumulpot ang lalaking nagngangalang ‘Galvin Madrigal’. Inakusahan nitong mangkukulam ang pamilyang kumupkop sa kanya sa bayang iyon. Dahil malaki ang utang-na-loob niya sa kaibigan ay tinulungan niya itong itaboy ang lalaki at bigyan ng leksyon.
     Pero mukhang siya ang nahulog sa spell ng binatang iyon.
     Nalintikan na!

Dream Man
Aira Felicity

     Isa sa mga dahilan si Redge de Guia kung bakit matagal nang hindi nauuwi sa probinsya si Bienne. The man hated her for reasons she had no way of knowing. Hindi niya naalalang naging mabait ito sa kanya noon; sobrang opposite ng pinsan nito na siyang itinuring niyang ideal man.
     Nang muli silang magkita, nabigla siya sa mga pagbabago ng binata; masyado itong mabait at masayahin. Hindi naglaon, nalaman niya ang dahilan ng mga pagbabagong iyon. Pinagpalit ito ng fiancée nito sa ibang lalaki sa mismong gabi ng announcement ng engagement ng mga ito.
     Napalitan ng awa ang inis ni Bienne dito. She suddenly wanted to make Redge smile—iyong tipong genuine at umaabot hanggang sa mga mata….

Lost In Love
Yumi Sagara

     Kahit inis pa rin si Stacy kay Jake dahil sa pagkaka-expel niya noong high school dala ngkagagawan nito, minabuti niyang makipagtulungan sa lalaki para mabawi ang nobyo niyang inagaw ng kanyang pinsan. Pumayag ang binata, matagal na kasi itong nanliligaw sa huli.
     Somewhere along the way, natagpuan ni Stacy ang sarili na nalilito. Bakit parang siya ang naaakit sa lalaki gayung ang pinsan niya dapat ang sine-seduce nito?
     She knew she should push him away; ang makipagbalikan sa ex-boyfriend niyang naagaw ang tanging nais niya. But Jake’s irresistible kisses were clouding her reasoning….

Fall In Love With Me
Audrey Torres

     Malinaw kay Adoracion Estella Aragon ang pakay ni Engineer Enzo Martinez sa pakikipaglapit nito: he was doing everything to persuade her into selling her property—na hinding-hindi naman niya gagawin. Iyon lang ang natatanging naiwang alaala ng kanyang mga magulang. Bukod pa roon, ang mga Ferraren, na siyang amo ng binata, ang dahilan ng maagang kamatayan ng kanyang ama.
     Pero hindi madaling pigilan ang umuusbong na paghanga sa puso niya para sa lalaki. Soon the feeling intensified and she realized she had fallen for the engineer—big time.
     Noon naman nalaman ng dalaga kung sino talaga si Enzo at kung gaano kaimposible na tunay ang lahat ng ipinakita nito sa kanya….

Each Day With You
Elise Estrella

     Mahigpit na magkalaban sa pulitika ang ama ni Alexandria at ina ni Robinson. Sila man noon ay hindi makapag-usap nang mahinahon; parati silang nagbabangayan. Until the three-day Sagada trip na nagbigay sa kanila ng pagkakataon para makilala ang isa’t isa nang mas malalim. Naging magkaibigan sila, then they fell into a mutual attraction.
     Gayunpaman, hindi nila maiwasang mag-alala kung paano na sila pagbalik nila sa Maynila. Paano kung hindi tanggapin ng kanilang mga magulang ang ugnayan nila?
     Having spent three days with him, Alex knew for certain she needed Rob by her side all the days of her life….

How To Win Him Back
Mari Calingayan

     ‘Mark my word, Randal. I’ll win you back.’ Iyon ang desididong sabi ng isip ni Ellie. She was past the denial stage at natanggap na niya sa sarili na mahal pa rin niya ang dating nobyo.
     The day they met again and she saw rage in his eyes, nasagot ang nine years nang tanong sa isip niya. Maganda man ang motibo niya, maling-mali pa rin ang ginawa niyang pang-iiwan sa binata noon.
     But this business of winning Randal back was not easy after all. Si Ellie ang old flame na pumaso rito noon and he made it obvious he did not want to be burned by love again especially—make that,most especially, not with her….

Excuse Me, Di Kita Type
Edith Joaquin

     Noong makasama ni Pia si James sa Vietnam, saka niya napatunayan na gentleman pala ito at palatawa. Noon kasing magkatrabaho pa sila, wala silang ginawa kundi magsagutan. Saksakan ng sungit ang binata at parang siya parati ang napapagbuntunan ng stress nito. Ang mas nakakaasar, she was finding him very attractive pero pinapansin lang siya ng lalaki para awayin.
     Ngayong mas magaang na itong kasama, muling nabuhay ang attraction na iyon sa puso ni Pia. Pero hantaran naman nitong sinabi na bagaman maganda nga siya sa tingin nito, hindi siya ang tipo nito.
     Well, excuse her, lalong hindi niya ito type—err, iyon ang kasinungalingang ipamumukha niya sa James na iyon!

Love Pact
Ella Gualvez

     Napilitan si Ceci na tanggapin ang alok ni Marcus na sa halip na mag-away, mas mabuting pagtulungan nila ang pagsira sa engagement nila. Ang mga magulang nila ang may pakana niyon at pareho nilang disgusto ang ideya dahil….
     Naman! He was everything she hated in a man! At sa tingin niya, the feeling was mutual. Kung hindi nga lang may punto ang binata, hindi siya makikipag-cooperate dito.
     Then fear and confusion set into her. Bakit ba ito umaakto na parang concerned sa kanya? Ayaw niyang maging sweet, concerned o mabait ang lalaki sa kanya. It was making her…
     Umiling si Ceci. For sure walang ibang meaning ang mga iyon sa isang gaya ni Marcus….

A Change Of Heart
Jessica Gayle

     Hindi alam ni Drew kung ano ang trip ni Raphael Pantaleon. Pulos kamalasan ang nangyayari kada nakakaengkuwentro sila pero tila wala naman itong balak lumayo sa kanya. Ang tanging rason na naiisip niya sa panggugulo nito ay ang kagustuhan nitong gumanti. Alam niyang malaking blow sa colossal ego ng lalaki ang pagbibigay niya rito ng black eye the first time they met. Other than that, wala na itong dahilan para sundan-sundan ang tulad niyang too ordinary for his taste.
     Sa kabila ng lahat ng mga hula niyang ulterior motives ni Raphael, Drew found herself so jinxed na kusa siyang nagpahuli sa trap na alam niyang hinanda ng binata para sa kanya….

Ikaw Ang Pinili Ng Puso
Carla Giopaolo

     Matapos hiwalayan ng kanyang nobyo, naisip ni Lisa na kailangan niya ng bagong buhay. Nag-walk out siya sa kanyang trabaho, nagpa-parlor, bumili ng mahal na damit at tumambay sa isang sosyal na bar. Nagkagulu-gulo ang buhay niya nang sa isang sandali ng kalukringan ay pumayag siya sa one-night stand kay Lex Olivares. Lalo pa itong nagulo nang malaman niyang ito ang boss sa bago niyang trabaho. At naging riot na ang lahat nang makilala niya ang pinsan nitong si Rem na tila na-in love rin sa kanya.
     Sa sitwasyong iyon, classic ang problema niya: should she choose the one she loves or the one who loves her?

Next Time I Fall
Vivi Hernandez

     Parang magnet na pilit humihila kay Louise. Iyon ang epekto ni Benjie Apostol sa kanya. What’s crazier was that she found herself French kissing him even before she learned his name. At ang isiping pareho silang attracted sa isa’t isa ay nagpapakilig sa kanya nang sobra. Hindi na siya nagulat nang madiskubre sa sariling mahal na niya ang lalaki.
     Ngunit gaano man kasidhi ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, hindi niya maaaring ibigay nang buo ang sarili rito—not when she still belonged to somebody else. Pakiramdam ni Louise ay nakatali ang mga kamay niya at wala siyang magawa.
     But she still believes love would find its way back to her if it’s really meant to be….

Always In My Heart
Nicole Stephanie

     Kinailangan ni Julia na mag-hire ng serbisyo ngbodyguard dahil sa banta sa buhay niya. She least expected na ang bodyguard na darating ay ang ex-boyfriend niya noong high school na si Drigo Vergara.
     Now that they met again, parang mas natatakot pa siya sa naramdamang pagbalik ng pag-ibig niya sa lalaki kaysa panganib na nagbabanta sa kanya. Paano niya pipigilin ang pusong dumadagundong sa tuwing mapapalapit dito kung tila katugong damdamin ang ipinahihiwatig ng mga palihim na titig ng binata sa kanya?
     Siguro kailangan lang ni Julia na palaging tandaan na committed na siya sa iba at si Drigo ay magpapakasal na rin sa fiancée nito….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!