Posted on

Release For My Special Valentine Bestsellers

Here are our titles for My Special Valentine Bestsellers!
New Release for My Special Valentine Bestsellers
Want to read the story teasers?

Previews

Substitute Husband
Marta Encarnacion

     “I knew you would be this soft and desirable the first time I laid eyes on you,” bulong ng lalaki sa tainga ni Mylene, his mouth moving gently and brushing light kisses on her neck. “Don’t you want to know my name?” tanong nito.
     “No. And I have no intention of giving you mine, either,” pormal niyang sagot. Kinakabahan siya pero nadaig iyon ng pangangailangan at matinding pangungulila.
     “You’re the most secretive woman I’ve ever met in my entire life. But don’t worry. I prefer it this way, too. We don’t ask questions. But you know I want you, don’t you?”
     Hindi man lang pumalag si Mylene o nag-atubili nang kabigin siya nito at hagkan sa labi….

Give Me Back My Heart
Pearl Pascua

     “Ano ba talaga ang gusto mo?” tanong ni Nina.
     Lumawak ang ngiti ni Lance saka lumapit sa kanya. “You know what I want, Nina,” bulong nito.
     Kaagad siyang lumayo rito. “You’re disgusting! Kung iniisip mong maikakama mo ako, nagkakamali ka.”
     Tumawa lang ito. “Masisisi mo ba ako kung sabihin ko sa lola mo ang pinaggagagawa mo sa Maynila? Malalaman lang naman nila na ang kanilang mabait at inosenteng Nina ay isang—”
     “Okay, you win! Kung gusto mo ang katawan ko, sabihin mo kung kelan para matapos na ’to.”
     “Excited, Nina?”
     “Dream on….” Ano ba ang mayroon kay Lance at nagagawa nitong pag-alabin ang kanyang damdamin sa isang tingin lang? At sa isang ngiti ay malimutan niya ang mapait na karanasan dito?

A Love To Last Forever
Bernadette Alexandra

     “Bakit hindi ka mawala sa isip ko?” bulong ni Justin. “What did you do to me? I want to own you… to take you right now!”
     Hindi sumagot si Lauren pero ang luha ay nagbadyang tumulo sa kanyang mga mata. Tinangka niyang paibigin si Justin pero siya ang nagkamaling magmahal at nahulog siya sa sariling bitag. Ibibigay ba niya ang kanyang pagkababae kay Justin kahit hindi siya nito mahal?
     Justin Matienzo was a gorgeous yuppie na iniilusyon ng mga naggagandahang babae dahil guwapo ito, matangkad, mayaman, responsable, mabait at matalino. Mahal niya si Justin at handa siyang ibigay ang sarili… kailangan na lang niya itong paibigin.

Labis Kitang Minamahal
Connie C. Causing

     “I will look for my one special woman and when I find her, I will love her for the rest of my life,” naalala ni Marjorie ang sinabi ni Tristan.
     Oh, how I wished to be that one special woman in his life! piping dalangin niya sa sarili. Pero alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Best friend. Best buddy. No more, no less.
     Lalo pa nang itakda ang kasal nito sa iba!
     Pero nang naaksidente ito at magka-amnesia bago ito tumulak sa Amerika para sa kasal nito, hindi siya nagdalawang-isip. Dinala niya si Tristan sa isang isla sa Iloilo para itago sa fiancée at pamilya nito.
     Mahal niya si Tristan at gagawin niya ang lahat makuha lamang ang pag-ibig nito….

Hintayin Mong Ibigin Kita
Mary Ann Castillo

     “Let me get this straight: tumakas ka sa wedding natin sa simbahan pero gusto mo ngayong sumama sa honeymoon natin?” nalilitong tanong ni Christian.
     Inirapan ito ni Katrina. “Correction. Hindi ako sasama sa honeymoon mo. Kailangan ko lang ng ticket para makarating sa Boracay.”
     “In your wedding dress?” Natatawa pa ito.
     “At least, hindi ako nakahubad,” sagot niya.
     “That I would love to see,” anito.
     Namula ang mga pisngi siya. At ang nakakainis pa, parang nagdiriwang ang bawat himaymay ng kanyang katawan sa nakitang paghanga sa mga mata nito… at ang matinding pagnanasang binuhay niyon sa dibdib niya.
     Iisa lang ang ibig sabihin niyon—kung kailan huli na ang lahat, umiibig siya kay Christian….

Mad About Love
Akane Cutamora

     “You’re drunk,” ani Francis.
     “Oh, no, no. Medyo tipsy lang but I’m not drunk,” kaila niya. “I-celebrate natin ang pagiging matagumpay mo,” mapakla niyang ngiti.
     “Mas mabuting magpahinga ka na lang.”
     “Make love to me, Francis, here… now.” Siya ang kusang tumawid ng distansya nila. Siya ang humalik dito kasabay ng paglunok ng kanyang pride.
     “Stop it, Melissa,” pigil nito. Naramdaman niya ang marahas na paghinga nito bago lumayo sa kanya.
     “Why, Francis? Aren’t you interested in me?”
     “Get some sleep, Melissa. Let’s see tomorrow if you’llstill have the guts to make the same invitation.”
     Pagkatapos ay iniwan na siya nito. Kung puwede lang sanang bumuka ang lupa at lamunin siya nang mga sandaling iyon.

Should I Let You Go?
Laura Isabelle

     Sinuong ni Vienna ang masukal na kagubatan sa Mindanao hoping to find her long-lost brother. Pero hindi ang kapatid ang natagpuan niya kundi isang estrangherong pumukaw sa puso niyang matagal na niyang isinarado sa pag-ibig.
     Pilit niyang iwinaksi sa puso’t isipan ang lalaki. As a doctor, kailangan lamang ay tulungan niyang maibalik ang memorya nito. Falling in love with him was not part of her plan.
     Pero isang nakakaliyong halik lang ni Amir ay tuluyan na siyang nagpatangay sa damdamin. Mahal na niya ang lalaki. At handa siyang tanggapin ang kabuuan nito. Handa siyang magpaangkin dito. Bahala na ang bukas, at ang pagbalik ng memorya ni Amir….

My Wedding Planner
Maricel V. Galvez

     “Magkano ang kailangan mo para lubayan ang pambobola sa lola ko?” asik ni Joe.
     “Anong ‘pambobola’ ang ibig mong sabihin?” gulat na tanong ni Margot. “Ako na nga ang nagmamalasakit, ako pa ang pagbibintangan mo ng masama.”
     “Huwag ka nang magkaila. Nagpapataas ka lang ng presyo,” namumuhing sabi nito.
     Nagpanting ang tainga niya sa narinig at hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kamay. Pero bago iyon lumapat sa pisngi ni Joe, nasalo nito iyon. Hinapit siya nito at siniil ng halik—halik na puno ng galit at pagpaparusa—halik na di niya napigilang tumbasan ng kapantay na init at pagnanasa….

Poems, Wines And Roses
Betty Soler

     “Why did you make me feel like… I’m your girl? Ano ba ako sa ’yo?” Nangingilid na ang luha ni Reggie pero pinipigilan niyang umiyak.
     “Ikaw lang ang babaeng binigyan ko ng ganitong attention. And I wasn’t flirting. Well, sometimes, yes, pero sa ’yo lang,” pag-amin ni Dale.
     Napahinga siya nang malalim. “Bakit hindi ka nagsasalita? Why are you so afraid to tell me? Naloloka na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang intentions mo sa akin. Pinapahulaan mo pa sa akin ang meaning ng kindness and kisses mo.”
     Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga at, “I have a confession to make,” sabi nito. “I’m not really good with words, so hayaan mo akong ipakita na lang sa iyo ang nararamdaman ko,” anito bago siya gawaran ng halik sa labi….

Prinsesa
Sefah Mil

     Isang kakaibang bakasyon ang sinapit ni Maureen sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas.
     Pagtungtong pa lamang niya sa airport ay nakidnap siya at dinala ng mga di-kilalang tao sa malayong lugar.
     Mabuti na lamang at nakatakas siya at nakapagtago. Laging gulat niya nang magising sa isang di-pamilyar na cabin. Mas lalo siyang nagulat nang mabungaran ang isang guwapo at matipunong lalaki. Napagbintanganpa siya nitong isang espiya!
     Malupit ang naging trato nito sa kanya. Ipinapagawa nito ang mga gawaing-bahay na sa tanang buhay niya ay hindi niya nagawa. Bawat pagkakamali ay mayparusa—mga nakaliliyong halik na tumutunaw sa kalamnan niya….

Ikaw Na Lang Kaya?
Ashley Ocular

     “Napapansin ko na wala ka yatang girlfriend ngayon, kung kailan tumatanda ka na at kailangan mo nang mag-asawa,” tukso ni Elyssa.
     “Tigilan mo ako. Ikaw nga diyan hindi pa nagkaka-boyfriend kahit minsan. At ang mas malala pa, you’re a woman,” ani Martin
     “So what kung babae ako?” mataray niyang balik.
     “Siyempre, baka mahirapan kang magbuntis. Kung gusto mo, ako na lang ang pakasalan mo.”
     Natigilan si Elyssa sa sinabi ng kababata. She had been in love with Martin all her life at iyon ay mananatiling lihim forever kung hindi siya gagawa ng paraan… ngayon.

Love Me Tonight
Jasmine Han

     “Puwede bang makituloy sa inyo?” umpisa ni Paris.
     For a moment ay napatitig dito si Benjie. ‘Goodness, she’s beautiful!’
     “Pero kung may asawa ka baka magalit.” Parang noon lang naisip ng babae ang posibilidad.
     “Wala akong asawa. Puwede kang dumito muna,” sabi nito.
     Tumawa siya. “Ang bait mo naman! Salamat. Pero hindi ko puwedeng samantalahin ang kadakilaan mo.”
     Tumawa rin si Benjie. “Hindi ito ‘kadakilaan,’” anito. “Kailangan ko ng katulong.”
     Napanganga ang dalaga.
     “I mean kailangan ko ng someone who’ll take care of the house… like a house manager,” paliwanag nito.
     ‘At kailangan ko ng mapagtataguan,’ ani Paris sa sarili. Sa sitwasyon niya ngayon, wala na siyang kinatatakutang gawin… kahit pa ang makasama nang mag-isa sa bahay ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya….