Posted on

Release For October 2009

Here are our titles for My Special Valentine!
Release for October 2009
Want to read the story teasers?

Previews

The Ibarra Legacy (Book 1 of 4): Playing For Keeps
Elise Estrella

     “Alam mo, tuwing magsasalita ka, nadadagdagan ang inis ko sa ’yo,” nakairap na sabi ni Mios kay Dominic, ang lalaking napili ng kanyang pakialamerong ama para mapangasawa niya. “Kung meron lang akong choice, ikaw ang huling lalaking pakakasalan ko.”
     “You know what,” napahalukipkip na sagot nito, “I think you’re scared of me because you might end up liking me.”
     “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.”
     “Care to bet on that?”
     There was confidence in Dominic’s eyes at siyempre, hindi siya patatalo. “Pag nauna kang ma-in love sa akin, ibibigay mo ang Ibarra Suites sa Ortigas.”
     “If not, ibibigay mo sa ’kin Elysian Makati,” tugon nito.
     Nagngitian sila; both playing to win….

The Ibarra Legacy (Book 2 of 4): Waiting To Fall
Elise Estrella

     Labag man sa kalooban niya, sinunod ni Miguel ang utos ng kanyang lolo. Nag-assume siya ng ibang identity at nag-apply na driver kay Amerie Benavides. Handa na rin siyang ligawan ito kahit hindi pa niya ito nakikilala at siya mismo ay dudang magkakagusto ito sa isang gaya niyang ‘driver’—all that in the name of his inheritance.
     Pero may nalimutan silang i-consider. At na-realize niya lang iyon nang makaharap niya ang dalaga. Paano niya gagawin ang lahat ng nasa plano nila ng abuelo kung ganitong engaged na pala si Amerie sa iba?
     Napailing si Miguel at napabuntong-hininga. But definitely, hindi ang mamanahin niyang department store ang pinanghihinayangan niya….

The Ibarra Legacy (Book 3 of 4): Learning To Breathe
Elise Estrella

     Alam ni Anton, siya na ang susunod na bibigyan ng challenge ng kanyang Lolo Crisostomo. Naisipan niyang unahan ito.
     Kinuntsaba niya ang best friend na si Georgina na mag-pretend silang magnobyo para hindi na siya utusan ng abuelo ng kung anu-ano para makuha ang mana niya. Mabilis naman niyang napapayag ang dalaga.
     Soon, he realized he was falling in love with his best friend. And everything in the world turned beautiful—aba, he found his match in Georgina, naisahan niya pa ang lolo niya.
     Pero mali pala. Dahil si Anton pala ang pinagtulungang imanipula ng lolo niya at ng babaeng inakala niyang kilalang-kilala na niya….

The Ibarra Legacy (Book 4 of 4): Raising The Stakes
Elise Estrella

     “Alam mo, gusto ko lang ikasal. Gusto ko ’yung wedding gown, ’yung flowers saka ’yung guwapong groom. Pero ayoko n’ung what comes after. Madali ang ikasal, pero mahirap ang mag-asawa.”
     Matagal na tahimik si Benedict bago nagsalita, “Will you marry me?” Napakurap siya. “Sabi mo, you want a wedding but not a marriage. I can give you that. We’re here in Vegas. We can have a fake wedding,” paglilinaw nito. “See? The wedding without the marriage. Para ma-experience mong magpakasal.”
     Katuwaan lang nila iyon, dala lang ng alcohol na nainom. Akalain ba naman nina Benedict at Sabrina na legal at binding pala ang kasalan nila?

Make Me Yours
Roma Nympha

     Seven years after a painful heartache, bumalik si Trisha sa Pilipinas looking very different from the Plain Jane she used to be. She had learned her lessons at ngayon, wala nang makakapanloko muli sa kanya. Sa halip, alam na alam na niya kung paano makipaglaro sa mga lalaki ngayon.
     But some things about her remained… gaya ng attraction niya kay Jaiden Fillan, ang mismong lalaking dumurog sa puso niya noon. Kunsabagay, sino bang babae ang hindi ma-attract dito—handsome, mayaman, educated. And still a heartbreaker, gaya niya ngayon.
     An idea flicked inside Trish’s mind. Why wouldn’t she test her charms on the man who broke her heart? Baka kapag napagsawaan na niya si Jaiden, matanggal na rin ito nang tuluyan sa sistema niya. Well, baka sakali lang naman….

Private Arrangement
Mia Shyrene

     Bagaman nasaktan sa rejection ng lalaki sa proposal niyang bigyan siya nito ng anak, pilit nagpakatatag si Sharynn. “Okay lang. For sure may ibang lalaking papayag—”
     “Pumapayag na ’ko,” mabilis na tugon nito.
     Natulala ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng pagpapalit nito ng isip. Totoo nga kayang nagustuhan siya nito sa ganoon kaikling panahon ng pagkakakilala nila?
     “Your place or mine?” His intense and smoldering eyes bore into hers. “Kung seryoso kang magkaanak, we better start now. Baka magbago pa ang isip ko.”
     Napalunok si Sharynn. Parang gusto na niyang mag-back out, pero hindi maaari. “Y-your place,” sagot niya sa nanginginig na tinig.

Stolen Moments
Nathalie Julian

     “You made it.”Hindi tunog nangko-congratulate ang tono ni Eric nang sabihin iyon.
     Binale-wala ni Ava ang sarcasm sa tono ng pananalita nito. “Wala akong pakialam sa kung anumang iniisip mo. I worked hard to get to this position, Eric. I deserved it,” salat sa emosyon na tugon niya.
     He laughed mockingly; malice in his eyes. “Right. Sabihin mo sa akin, ilang gabi mong pinagpaguran ang lahat ng iyan, Miss Ramirez?”
     “How dare you!” Akmang sasampalin niya ito, pero napigilan iyon ng paghawak nito sa braso niya. She felt the familiar shiver down her spine.
     This is so not good, aniya sa sarili. Mahihirapan si Ava na patunayang hindi siya corporate slut gaya ng iniisip ni Eric kung ganito ang reaksyon niya sa simpleng pagdidikit lang nila….

Nobody But You
Jan Paulette

     “Bilib din ako sa fiancé mo, pumayag siya na ihatid ka ng ibang lalaki,” ani Joaquin.
     Hindi niya kasi alam na ex kita, gusto sanang isinghal ni Karen dito. “Malaki ang tiwala namin sa isa’t isa.”
     “Kung ako ang fiancé mo, wala ka sa kotse ng may kotse.”
     “Puwes, nasaan ako?” asik niya.
     “Nakatali sa kama ko. Nasa ilalim ko at isinisigaw ang pangalan ko.”
     Delicious shivers traveled down her spine.
     Karen was convinced she was over him. Ngayon niya napagtanto na mali siya. He was under her skin. And everything—including unwanted emotions—ay bumabalik sa muli nilang pagtatagpo….

Home At Last
Mika Edelstann

     Mahirap man, masaya pa rin ang buhay para kay Dr. Alexandra, isang veterinarian. Hanggang sa mahuli niyang may kasamang iba ang kanyang boyfriend. Imbis na umamin ito at humingi ng tawad, ito pa ang unang nagalit.
     Umandar ang katarayan niya. Sa harap nito, gumawa siya ng charade at ginawang props ang kotseng nakaparke at ang lalaking pasuray-surayna dumarating. Tinawag niyang ‘Sweetie’ ang huli. Nakita niyang gulat na gulat ang soon-to-be ex-boyfriend niya kaya itinuloy na niya ang pagdadrama. Hanggang sa siya na ang nag-drive ng kotse ng lasenggong umiiyak.
     Nang ihatid niya ang pobre sa isang pang-mayamang subdibisyon, hindi niya akalaing wala na iyong uwian….

Till I Met You
Angeli Vera

     “Jayson, kung ako ang magnakaw ng halik sa ’yo, ano’ng gagawin mo?” nakapangalumbabang untag ni Maia na bumasag sa katahimikan sa pagitan nila.
     Bahagyang napangiti ang binata. So the angel wanted some lessons in flirting, eh? He was willing to give her first-rate instructions in the art of baiting a man, free of charge—more than willing, as a matter of fact. Nangalumbaba rin siya at inilapit pa ang mukha rito.
     “Bakit hindi mo gawin para malaman natin pareho? Hindi ko rin alam ang sagot.”
     She blushed at lalo siyang na-attract dito.
     Sadly, in his current state of mind, pakiramdam niya ay hindi pa siya handa para sa isang relasyon—not even with this angel from heaven….

Flight Of Love
Leira Carlos

     Ashton could not believe what he was doing: he was actually flirting with his flight buddy!
     Maganda si Kirsten, oo, but not his type. At takot siya sa mga babaeng pang-long term relationships—something he was not ready for. Wala rin sa rules niyang makipagrelasyon sa sinumang kasama niya sa trabaho. Isa pa, she seemed unaffected by his charms. Hindi siya makapaniwala na for the first time in his life, someone found him resistible. Pero parang ganoon nga ang ipinapahayag ng mga kilos ng dalaga.
     So ano pa ba ang ginagawa niya? Dapat tigilan na niya ito… kung hindi baka tuluyan na siyang magkagusto sa babaeng hindi interesado sa kanya….

My Lucky Charm
Arlene Faye

     Hindi sana gustong maniwala ni Ginny na may dala ngang suwerte ang heirloom bowl na minana niya sa mga magulang. Pero sunud-sunod ang kamalasang dumating sa buhay niya mula nang mabasag iyon: nasangkot ang pangalan niya sa drugs, namatay ang isa niyang kamag-anak at nalaman niyang nalulugi ang kompanya ng pamilya niya. Parang totoo nga yata ang mga kuwento ng ina tungkol sa maalamat na mangkok.
     At dumagdag pa sa listahan ng kamalasan niya: para mawalan ng bisa ang malas na dulot ng pagkabasag ng bowl, kailangan niyang magpunta sa Beijing, China kung saan naroon ang libingan ng kanyang ninuno at ialay ang heirloom, kasama ang nakabasag—walang iba kundi ang kaaway niya mula pa noong ten years old siya at perpetual taga-dala ng malas sa buhay niya—si Yuan Lee….

Kung Ako Ang Mahal Mo
Lily Ann Muñoz

     “Gusto mo ba talagang makabayad?”
     “Siyempre,” turan ni Myra sa seryosong tanong na iyon ni Tom. Bukod sa malaking halaga ang pinautang sa kanya ng lalaki, baon din siya sa utang-na-loob dito.
     “I mean… sa mabilis na paraan.” Kumunot ang noo niya kaya nagpatuloy ito, “Just one kiss and you’re paid.”
     Hindi niya masabi kung nagbibiro pa rin ito dahil nakatitig sa kanya. Dahil para siyang natulala, si Tom na ang naglapit ng mukha nito sa kanya. Sa marahang mga kilos nito, tiyak niyang binibigyan siya nito ng pagkakataong iiwas ang sarili. Ngunit hindi niya ginawa.
     This was the chance Myra had been waiting for so long—ang maranasan niyang mahalin ng lalaking ito….

You’re The Only One
Lorry Virgo

     Pakiramdam ni Sidney, nakakasakal na ang overprotection ng pamilya niya sa kanya. Habang ang mga kaedad niya kung hindi man married ay engaged na, siya ay ni hindi pa nakakaranas na magkaroon ng boyfriend.
     So at the age of twenty-four, she tried to escape from that comfortable cage.
     Aakalain ba niyang nakakabuntis pala ang pagtakas sa kalinga ng kanyang pamilya? Had she known that her pursuit of independence would change the course of her life, hindi na niya sana ginawa iyon.
     She hardly knew Ethan. And no matter how hot he is, he is still a stranger….

Forget Me Not
Megan Serrano

     Napalitan ng kalituhan ang kasiyahan ni Marga sa pagbabalik ng malay ni Anghel, nang magsalita ito, “W-who are you?” tanong nito.
     Napamulagat siya. Nanginig ang buong katawan niya. “A-ako si Marga, Anghel. Ako ang girlfriend mo. Hindi mo na ba ako natatandaan?”
     Napakunot ang noo nito. “I’m sorry, Miss, ngayon lang kita nakita.”
     Parang latigong lumalatay sa kanyang puso ang binitawang salita ng katipan. Tila mapupugto ang kanyang hininga nang mga sandaling iyon.
     Dumating na ang oras na kinatatakutan ni Marga na hindi siya makilala nito. Nakalimutan ng binata ang kanilang pag-iibigan na tila hindi iyon nangyari kailanman….

Second Chances
Monica Bautista

     Of all possible outcomes, it was what Nancy feared the most: ang muli siyang ma-in love kay Lawrence.
     Isinumpa niya sa sariling hinding-hindi na magpapaloko muli. It was more than enough that she had once believed in her own happy ending. Sapat na rin na malaman niya na ang inakala niyang Prince Charming ay hindi pala totoo. Sapat na magising siya mula sa mala-panaginip na panahong minahal niya si Lawrence Ileto, at minahal—o napaniwalang minahal—siya nito.
     Tawagin nang duwag at makasarili ang ginagawa niya, pero ang layuan si Lawrence ang tanging nakikita niyang paraan upang hindi na maulit ang trahedyang dinanas niya limang taon na ang nakakaraan….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!