Posted on

Release For September 2009

Here are our titles for My Special Valentine!
Release for September 2009
Want to read the story teasers?

Previews

Tres Marias (Book 1 of 3): Maria Concepcion
Katrina Ramos

     Pakiramdam ni Maria Concepcion Mamaril ay naisahan siya. Iniwan niya ang dalawang nakababatang kapatid at ang kanyang negosyo para sa isang trabaho. Akalain ba naman niyang hindi pala one-day affair lang iyon.
     She was blackmailed and forced to spend days in the middle of the sea. At ang mas nakakakaba, makakasama niya sa yate ang lalaking sa unang pagkikita pa lang ay kanya nang kinainisan… at siya ring dahilan ng madalas niyang pagba-blush, kasabay ng pagrigodon ng puso niya na para bang
iyon ang unang beses na nagka-crush siya. She was afraid the situation might make her fall for him deeper… na nangyari nga.
     Umuwi si Coney na in love na in love kay Amir. Ngunit walang malinaw na katugunan mula sa binata ang damdaming iyon….

Tres Marias (Book 2 of 3): Maria Cristina
Katrina Ramos

     Dahil masyadong mataas ang standards, sa edad ni Maria Cristina Mamaril ay hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend minsan man.
     Ngunit nang gabing magkakilala sila ni Daniel Sebastian, nakita niya sa wakas ang dream guy niya—guwapo, mabango, mukhang matalino, gentleman. Idagdag pang mayaman ang binata.
     Panira nga lang ang isip niya. ‘He’s a heartbreaker,’ palaging paalala nito sa kanya.

Tres Marias (Book 3 of 3): Maria Czarina
Katrina Ramos

     Sa magkakapatid, ang bunsong si Czai ang itinuturing na black sheep. Walang nakakaalam kina Coney at Cryzta kung bakit mula sa mabait at sweet na dalagita ay bigla siyang naging rebelde at cold.
     Walang kamalay-malay ang dalawa na ang dahilan ng kanyang pagbabago ay isang lalaking malapit sa pamilya nila—si Jax na para na rin nilang tunay na kapatid. Hindi naging madali ang pagtatago niya sa mga ito ng malalim na sugat na idinulot ng lalaki sa kanyang batang puso.
     At sa muling pagtapak nito sa bahay nila tatlong taon matapos siya nitong iwan, mukha ring mahihirapan si Czai na patunayan sa binata na wala na ang dating damdaming iniukol niya para rito….

Heart Trekking
Jean Mae Oryza

     Ayon sa kuwento ng matatanda, may hiwaga raw na bumabalot sa bundok ng Mount Kanlaon. May unicorn daw na nagtatago roon at susuwertehin umano ang taong makakakita sa mailap na hayop.
     Misyon ni Claire na hanapin iyon upang maambunan ng suwerte ang minamalas niyang career at love life. Nagkrus ang landas nila ni Lander na noon pa ay fascinated na sa mystical mountain. Unang kita pa lang dito ay crush na niya ang binata kaagad. Kaso mukhang bad shot sa lalaki ang gaya niyang frank and liberated dahil sa mga karanasan nito sa mga ganoong babae.
     Puwes, patutunayan niyang ang gawain ni Pedra ay hindi gawain ni Juana. Baon ang lakas ng loob, Claire started trekking toward Lander’s elusive heart….

My Serendipity
Yumi Sagara

     It was perhaps serendipity. Muling nagkrus ang landas nina Leia at Kian, ang kinaiinisan niyang kapit-bahay noon at ang nagbigay sa kanya ng di-malilimutang first kiss. This time though, hindi na sila magkaaway. They became close—so close that he even gave her a passionate kiss to welcome the New Year.
     Ngunit hindi niya inasahan na babalik din sa buhay nila si Charisse, ang kaibigan niya na first love ni Kian. At mukhang hindi pa natutuldukan ang romansa ng mga ito.
     Suddenly, feeling out of place na siya sa buhay ng lalaki.
     Had fate worked this way para bigyan ng second chance ang pag-ibig ng dalawa? Paano ang puso niyang lihim na nagmamahal sa binata?
     Now she knew why true love also means letting go….

Sa ‘Yo Lamang
Vivi Hernandez

     Nakaramdam ng matinding selos si David nang muli silang magkita ni Sabine after seven years. It was unfair. Paanong ito ngayon ay mayroon nang bagong nobyo, samantalang siya ay hindi pa nakaka-move on mula noong iwan siya ng babae? Ipinangako ng dalaga noon na siya lang ang tanging mamahalin, nalimutan na ba nito iyon?
     Then, he remembered it had been seven years since she made that promise. Pitong taon na silang magkahiwalay; pitong taon na siyang miserable. He never stopped loving Sabine all this time and he wanted her back. Gagawin niya ang lahat, whatever it takes.
     Isang plano ang binuo niya. Kailangan niyang maging cold and manipulating to pull this through. And Sabine might hate him for it.
     But hell, she was worth the try….

Undercover Date
Louise Dane

     Ang assignment ni Adam Caballero ay manmanan lamang at alamin ang activity ni Florence Anne Legazpi. Ang kanila kasing kliyente na si Mrs. Elizabeth Oreiro ay may anak na baliw na baliw sa babae at napansin umano ng ginang ang malakas na paggastos ng anak. Nais malaman ni Mrs. Oreiro kung karapat-dapat ba ang dalaga para sa anak o plano lang talaga nitong huthutan ang unico hijo nito.
     It was a dull job at katakut-takot na katuwiran ang ibinigay niya sa ama, na siya ring boss niya, para tanggihan iyon. Sa malas, hindi siya pinagbigyan nito.
     Pero mali pala. It was not a boring job at all. At mukhang mas matinding panganib ang kakaharapin ng puso niya—it’s on the verge of falling in love real hard and Adam was afraid it’d be more than he could handle….

Heal Me, Love Me
Aira Felicity

     It was the most ironic, not to mention the most foolish thing to do. Nagpakasal siya sa isang abogadong kakikilala niya pa lang upang hindi siya mahabol ng stepfather na balak siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya gusto. From one stranger to another? Nahihibang na nga yata si Ayesha Rose.
     To her defense, wala sa anyo ni Atty. Adrian Sandovina na masama itong tao, hindi gaya ng inirereto ng kanyang padrasto. At napatunayan niyang tama ang instinct niya habang magkasama sila. Soon, hindi na niya napigilan ang sariling mahalin nang totoo ang abogadong heartbroken.
     Ngunit hindi pala niya maaangkin nang ganap ang puso ng binata, dahil kahit kasal sila, bihag pa rin ng ibang babae ang puso nito….

Mali Man Ang Ibigin Ka
Carla Giopaolo

     Parang panaginip. Iyon ang pakiramdam ni Selena sa isang linggong ginugol niya sa isla ng Camiguin. It was fun, carefree and exactly what a workaholic like her needed. Sa loob ng maikling panahon, naging grand bakasyunista siya sa halip na events planner extraordinaire at self-appointed family ATM. To top it all, isang guwapong estrangherong papasang man of her dreams ang tourist guide niya.
     But like all dreams, it had to end.
     Tila nagising si Selena sa katotohanan nang bumalik siya sa Maynila. Wari ay hanggang panaginip na nga lang niya maaangkin ang ikakasal na palang si Dexter….

Sweet Lies
Carolyn Weber

     Hindi akalain ni Joana na ang unang beses niyang pagtapak si Pilipinas para hanapin ang kakambal ay mapapasabak siya sa deception. Ang nakakalungkot pa, siya mismo ang gagawa niyon… at siya rin ang magiging biktima.
     Dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan ni Jasmin,she had to take her twin’s place—including her place in Neo’s life. Iyon ang pinakamahirap. Nasasaktan siya kapag hindi maganda ang pakitungo ng fiancé ni Jasmin sa kanya.
     Pero lalo palang hindi niya kayang tanggapin nang pagmamahal na ang nasilip niya sa mga mata ng binata habang nakatitig sa kanya. It wasn’t for her. Hindi siya ang nakikita ng lalaki kundi ang kakambal niya.
     Ang mas masakit, walang halong pagkukunwari ang lahat ng pagmamahal na ipinaramdam niya rito….

Songs Of The Heart
Ella Gualvez

     Motivated by broken heart and ego, determinado si Victoria na makuha ang simpatya ng may-ari ng LV Records para isali siya nito sa all-girl band na binubuo nito. Kailangan niyang makabilang doon para matupad ang plano niyang pabagsakin ang career ng lalaking panloloko ang ipinalit sa pagmamahal na ibinigay niya.
     Pero mukhang hindi madaling mahanap ang kiliti ni Jaime Laurencio. For one thing, ang gusto nito ay umawit siya nang may emosyon, which she found difficult mula nang masaktan siya.
     Then one thing led to another at na-realize na lang ni Victoria na hindi lang tungkol sa career niya ang itinuro nito—Jaime also taught her the real meaning of love….

Scent Of Love
Hannah Wabe

     Nang mamatay ang ina ni Raphaelle, naiwan sa pangangalaga niya ang kambal na stepsiblings. Noon siya nakatanggap ng sulat mula sa ama ng kambal na matagal nang nag-alsa-balutan. Pinapupunta sila nito sa Bacolod para umano mapanagutan nito ang responsibilidad sa mga anak.
     Dahil gipit, minabuti niyang sundin ito. Ngunit pagdating doon, nalaman nilang pumanaw na si Mr. Dela Vega. Iniwan nito ang kalahati ng mga ari-arian sa mga kapatid. Sa kasamaang-palad, hindi sila magkasundo ni Christian San Jose, the chosen executor of the estate. She had this very strange feeling about him; parang mandurugas ito. Pero wala siyang ebidensya at hirap siyang patunayan iyon because he was driving her to distraction.
     He may not be the heaven-sent guardian angel Raphy had hoped for, but he sure smelled like heaven….

In Your Arms Again
Tarra Buluran

     “Ayokong nakikita kang malungkot,” sabi ni Alec na ikinakabog ng dibdib ni Caira.
     “It’s none of your business,” matigas na aniya.
     Sumeryoso ang mukha ng lalaki. “You remind me of someone.”
     Napalunok siya nang sunud-sunod. “Kaya gusto mo akong laging masaya dahil may naaalala ka sa akin. Iyon ba ang ibig mong sabihin?” Sinubukan niyang patatagin ang boses kahit parang salamin na nababasag iyon.
     Hindi ito kumibo, but his gaze was pinned on her face. Ramdam niyang sa ikalawang pagkakataon ay nasapol siya ng mapusok na pana ni Kupido. Nag-mistulang lason iyon na bumaon sa puso niya.
     She sighed helplessly; here she was again… falling in love with Alec for the second time around….

More Than Words Can Say
Maristella Feliz

     Mula noong una silang magkakilala isang maulang gabi, matalik na magkaibigan na ang turingan nina Denise at Kirby. At nang sunud-sunod na malas ang dumating sa buhay ng una, naroon ang binata para tulungan siya.
     Ngunit sa kagustuhang patunayan sa sarili na kaya niyang buhayin ang pamilya nang hindi umaasa sa tulong ng binata, iniwan ni Denise ang Pilipinas at nangibang-bansa para mag-aral at magpakabihasa sa pagiging ballerina. Nagtagumpay naman siya at unti-unti na niyang nakakamit ang mga pinangarap nang biglang sumulpot ang lalaki sa eskuwelahan. Sinundo siya nito dahil may sakit umano ang kanyang ama.
     At sa muli nilang pagkikita, napagtanto niyang higit na sa isang kaibigan ang pagtingin niya kay Kirby….

Love At First Sight
Edith Joaquin

     Unang beses pa lang nagtama ang mga mata nina Cezarah Guanzon at Lionel Almirañez, alam na nilang para sila sa isa’t isa. Kumbaga sa panonood ng pelikula, the moment where the camera slows down to the tune of ‘Love Moves In Mysterious Ways’. Love at first sight, wika nga. At hindi pa roon nagtapos iyon. Sobrang ideal din sila para sa isa’t isa. Lahat ay sang-ayon sa kanilang relasyon—pamilya, lalo ang mga magulang, mga kaibigan.
     It was perfect—well, almost.
     Until nalaman niyang siya pala ang sanhi ng malagim na aksidenteng nagdulot ng pighati sa pamilya ni Lionel. He would hate her for sure once matuklasan nito ang tungkol doon.
     Kaya bago pa iyon mangyari, si Ces na ang kusang lumayo….

Loved By An Angel
Jessica Gayle

     Bagaman grateful, hindi nagugustuhan ni Lucien ang atensyong ibinibigay ni Dana, ang dalagang nakatagpo sa kanya sa gitna ng kalsada nang gabing maaksidente siya habang nagmo-motor.
     Una, hindi siya sanay sa tenderness. Pangalawa, ayaw niyang mapalapit sa estranghera. At pangatlo, hindi niya gusto ang damdaming unti-unting sumisibol sa dibdib niya para rito. And he was very aware that she was too good for someone like him. Dumagdag pa sa mga dahilan kung bakit hindi sila puwede ay ang half-brother niyang siyang ipinagkasundo para maging asawa ng dalaga.
     Pero handa si Dana na kalimutan lahat iyon, aminin lang niyang mahal din niya ito—something Lucien couldn’t bring himself to do….